Part 3

23K 278 15
                                    

Nagpatuloy lang sa paghihiwa si Lola. Habang ako ay napatulala na. Sinipat niya lang ako para ipagpatuloy iyong paghiwa ko sa kalabasa. Walang imik ko na man iyong ginawa.

Anong ibig sabihin... si President? May alam ba siya? Napakagat ako ng aking labi.

No. Most probably ay wala. Dahil kung meron, he would've been nice to me na.

"Aray! Shit!"

"Cassidy?"

"Lola! My finger's bleeding!"

Kumaripas naman si Lola sa pagbukas nong mga cupboards habang pinipisil-pisil ko iyong daliri na nahiwa ko. Damn, squash! Bakit kasi sobrang tigas!

Ibinaon ko ang sakit non sa tap water. Agad naman akong dinaluhan ni Lola.

"Ano ba kasing nangyari?"

Nag-aalala niyang inexamin iyong sugat ko at agad na binuhusan ng Betadine.

"Lola," ngumiwi ako sa hapdi, kahit hindi naman gaano iyon. Hindi na nilagyan ng Band-aid ni Lola para daw hindi ma-trap iyong dumi ng sugat.

"Nakita ba ni President iyong mga photos ko?"

Alam na alam kong namumutla na ako. Kung may iisang tao man akong ayaw na ayaw kong nakikita ang kalandian ko ay si President iyon. Nakakairita kasi sa pakiramdam kapag siya iyong nakakita.

He's judgemental, alright. Pero sobrang palihim nito. Kaya mas nakakabwisit! He keeps it to himself at pinapakita niya talaga sa iyo na nadidisgusto siya sa mga ginagawa mo.

Kumunot ang noo ni Lola habang tinitingnan ako.

"Iyan ba iyong naghiwa sa'yo?" irap niya. "Hindi ko alam, Cassidy. Siya mismo ang tanungin mo pagkarating niya rito. He's gonna dine with us. With Yosef and Alex again..."

Mas lalo akong namutla.

"Lola, ba't ngayon mo lang sinabi?" napatingin ako sa aking suot. "Magbibihis muna ako! Keri mo naman iyang pag-gisa, La?"

Inirapan niya akong muli.

"Oo na! Manuod ka na nga lang ng TV at ikaw na ang magbukas ng pinto!"

Dumiretso na ako sa kwarto at nagpalit na. Sinuot ko iyong lumang complete soccer uniform ni Eric. Minus the kneesocks and cleats. Itinali ko nanaman iyong buhok ko sa isang napakagulong loose ponytail.

Binuksan ko na iyong pinto at hinayaang nakalock ang screen door. Sa sala na ako tumambay. I rested my feet on the coffee table habang pinapalipatlipat ang channel.

I settled on an animé about basketball. At halos lumuwa iyong mga mata ko sa kaganapan. Sigaw ako nang sigaw ng pagmumura. I was always on the edge of my seat sa tuwing nakakalamang ang kalaban.

"Putanginang bakulaw! Hinayupak! Mamatay ka sana! Ugggghhh! Fuck! Habulin niyo yung bola! Punyeta! Wag kayong mapagod! Mga ulol-"

"Hunter! Shut up!"

Nagimbal ako sa sigaw na nagmumula sa labas ng bahay. Sinilip ko iyon. At namutla akong muli.

Tagos sa pinto ang galit na tingin sa akin ni President habang nakabaon iyong mga kamay niya sa tenga ng kanyang kapatid. Tumayo ako para pagbuksan sila. Noon ko lang nakita si Chua at namimilipit na sa tawa at gumulong-gulong na sa aming patio.

Binuksan ko iyong pinto only to be greeted by President's death glare and growls. Napatingin ako kay Yosef. Hinawi niya iyong pagkakahawak ni President sa kanya. He looked at me.

"Hunter..." aniya. "Anong itatawag ko sa'yo? Should I call you Kuya when Kuya and Alex are around? And should I call you Ate when you don't tie your hair?"

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon