Part 5

18.3K 230 4
                                    

Maaga akong nagising. I wasn't as ecstatic as seeing Eric as I was stoked to doll up.

Kagabi pa ako naghanda ng aking susuotin para sa tatlong araw namin na weekend getaway. Nakaempake na ako ng aking mga essentials.

Dalawang gabi rin kaming magkasama ni Eric. Like when we were in Manila. No malice. Because we only make out and cuddle. And he's my boyfriend, so wala lang dapat ang lahat na iyon.

Dumiretso ako sa banyo and hurriedly waxed all the hair I got. Inayos ko rin ang aking pag-loofah at ang pagscrub ng aking buong katawan. Siniguro ko rin ang pagmoisturize ng aking balat.

I blow-dried my hair habang nasa banyo na ako at agad na pinaikot ang mga strands noon sa mga Velcro hair rolls. I should've done this last night, pero napagod na ako sa pagpipili at pag-empake ng aking mga gamit.

Lumabas ako to change pero naabutan ko si Lola na hawak-hawak iyong eyelash-lace bodysuit ko. She turned to me, horror-struck.

"Maghohoneymoon ba kayo?" She paled. "Is this it?!"

Pinalakihan ko siya ng aking mga mata.

"No, La!" I walked towards her at inabot iyong damit ko.

She let go of it gently. Agad ko naman iyon na itinupi at ibinalik sa aking maliit na maleta. I zipped and locked it immediately.

God knows what she'll fish from inside.

Nilingon ko si Lola na seryosong nakatingin sa akin. I smiled at her.

"In case of clubbing, Lola."

She nodded and didn't complain.

"Ang aga mo yata?" aniya. "Kakagising ko lang rin. I'm still brewing cocoa. At nakasalang pa ang mga itlog..."

Sinundan niya ako hanggang sa nakaupo ako sa harap ng aking tukador. She stood behind me while looking at my reflection. Tahimik ko naman na ginagather iyong mga gagamitin kong cosmetics this morning.

"I sent Jeremiah to buy pandesal..."

Binalingan ko siya.

"I thought..." akala ko ba ay doon na muna sila sa sarili nilang bahay?

Seryoso akong tiningnan ni Lola. Hindi ko na itinapos iyong sasabihin ko at nagsimula na sa pagbebeat ng aking mukha.

Tinungo niya iyong malaking maleta sa gitna ng kwarto. Wala pa akong nilalagay na mga damit doon sa aking closet. Nauubusan kasi ako ng oras dahil sa aking untimely na pag tulog.

Tahimik na nilalabas ni Lola iyong mga shirts ng aking mga ex-boyfriends. Hindi naman niya ako kinukwestiyon sa mga iyon.

"Susunduin ka sana ni Jeremiah, para raw sabay na kayong pumasok. Para naman hindi gastos..."

Natigilan ako sa pag-aayos ng aking kilay. Lola had her back against mine, at iyong repleksyon niya lang ang nakikita ko habang tinutupi niya iyong mga gamit ko.

"Kakasabi ko lang sa kanyang hindi ka papasok at may susunduin ka sa airport..."

Tumikhim ako at bumalik na sa pagsusuklay ng aking mga kilay.

Nagkatinginan kami ni Lola sa salamin noong nilingon niya ako.

"He volunteered to drive you..."

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Lola. Alam niyang aapila ako kaya bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.

"You need somebody to chauffer you, Cassidy," aniya. "I don't know this Eric Luy personally, so I need somebody to provide me with a nonbiased opinion."

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon