Prez was weirding me out.
Kakalabas palang namin ng classroom ay natigilan kaagad ako pagkakita na pagkakita ko sa kanya. His eyes immediately caught mine, na para bang kanina niya pa ako tinititigan, and that he was just waiting for me to look at him this whole time.
"Uy, bro!" Henry greeted him with ease kaya napabaling na siya sa kanila ni Chua. Doon lang ako napa-iwas ng tingin. Noon ko lang din napansin na hindi lang ako ang natinag sa presensya ni President Jeremiah Franco sa floor namin-almost everyone else was.
Talagang masasabi mong napaka-unusual non na occurence dahil kung hindi matitigilan at tititig ay mapapa-dalawang tingin ang mga kapwa namin estudyante at mapapanganga. And I didn't understand why, hanggang nauulinigan ko ang mga bulung-bulungan ng mga napapadaan sa gilid ko. They were not only commending Prez' height and his nose... nagtitilian din sila tungkol sa mga braso at likod ni Prez... ni Henry... at ni Chua.
Suddenly, seeing the three of them together was the highlight of their days. The heck... has it always been like this?
Naningkit ang mga mata ko doon. This wasn't the first time this week na makikita nila si Prez na naghihintay sa labas ng room, but there they go giving almost the same reactions like the days before.
"What's up?" nagdududa ko na tanong sa kanya. I've also been asking him the same question every time he's here, at pa-iba-iba naman ang mga rason niya.
"Nothing... napadaan lang." tikhim niya 'saka tinanguan yung mga tumatawag sa kanya.
I just eyed him curiously at ipinagkibit-balikat nalang 'yon. Humiwalay na si Henry sa amin nong nasa Council office na kami. Nagpaalam na siyang pupunta na sa University gym. Doon niya na ibinubuhos ang idle hours niya kapag naghihintay, which was efficient.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong humikab buong meeting. Inisa-isa kasi ang status report per committee para sa Gabi Ng Parangal-which was a University highlight dahil napakaraming sikat na alumna at kung sinu-song VIPs ang imbitado. Kaya gusto rin na magpakitang gilas ng iilan... for college sponsorships at kung-anu-anong benefits pa ang haka-haka na ibibigay ng mga ito. May hula pa nga silang ang major prize daw sa raffle sa gabing 'yon ay International plane tickets for two o di kaya ay Cruise tickets to Singapore.
Napasandal ako sa balikat ni Chua nang napagdesisyunan ko nang hindi labanan ang antok ko. Inayos niya naman ang pagkakaupo niya para makasandal ako ng maayos. Kinurot ko pa siya dahil panay umaalog ang balikat niya kakahagikhik sa biro ng mga auditor.
"Aray!" reklamo niya sabay tabig ng mga daliri ko.
"'Wag kang magalaw, natutulog ako." sita ko sa kanya nang nakapikit.
Hindi naman siya sumagot at inayos nalang ulit ang pagkakaupo. I blacked out almost immediately. Bahala na ang mga minutes, my lids were heavy as hell. Nagising ako na nangangalay ang leeg at gumagalaw ang paligid. I sat up straight at napatingin sa paligid.
"Gusto kong McDo..." bigla kong utas matapos ma-proseso ng utak ko na nasa loob ako ng sasakyan ni Prez and that he was driving.
"What?"
Nilingon ko siya na kunot nanaman ang noo habang nakatingin sa daan. Sinulyapan niya ako.
"Gutom ka na? Malapit na tayo sa Village..."
"Gusto kong McDo!" pagmamaktol ko ulit. "I want to eat Filet-o'-Fish and fries, McNuggets... apple pie."
"That's not healthy, Hunter." mariin na sabi niya pa. "Malapit na tayo sa Bungalow."
Bigla akong nakaramdam ng inis.
"I want McDo. I'm hungry." I wanted to scream at him but my mouth felt dry and thick. "I want to eat McDo!"

BINABASA MO ANG
SSS [III] (COMPLETED)
Ficción GeneralOne of the many perks of being an unlikely couple is you get to keep your sex scenes secret, without needing much effort on hiding... Hindi maintindihan ni Jeremiah Franco kung bakit pilit siyang gustong kaibiganin ng apo ng kapitbahay nila. Hindi n...