Part 13

11.6K 166 8
                                        

Napapansin ko ang mangha sa kanilang mga mukha habang tinutulungan ko silang mag-ayos sa gymnasium. Ewan ko nga kung bakit gulat na gulat sila e I was only helping them in carrying stacks of plastic seats and long tables. I wasn't even breaking a sweat.

Now I'm kind of regretting wearing all this make-up when all I'm doing is manual labor.

"Tubig?"

"Thank you," ningitian ko sila. "Mark...right?"

Tumango siya at ngumiti ng konti. "With a C,"

Mabilis kong nilagok ang tubig na inabot sa akin nung parating kasama ni Jenny. Since Jenny's part of the welcoming committee and she knows I'm new to these kinds of events ay unti-unti niya akong pinapakilala sa mga makaka-team ko sa buong araw... and possibly hanggang matapos ang Seminar.

Umupo sila sa tabi ko. I was resting on the bleachers when they came walking towards me. Kakatapos lang namin mag-arrange ng mga upuan. Tutulong na din sana ako sa pagseset-up ng projector at pagpeprepara ng mga gagamiting materyales. Natigilan lang talaga ako dahil vibrate nang vibrate ang aking phone.

Chua:

How are you?

Lola:

Kumusta, apo?

Chua:

Kailan nga uwi niyo?

Chua:

Another boring day at school...

(23 unread messages from Chua)

Napa-iling nalang ako sa kung-anu-anong sinasabi ni Chua, at si Lola lang ang aking nireplyan. Nakinig nalang ako sa pinag-uusapan nina Jenny and Marc. Jenny is apparently a cosplayer of some-sort. Kaya siya ang halos nilalapitan nina Marc at ibang mga kaibigan nito habang nagtatanong sila tungkol sa anime or anything related with MMORPGs.

"Teka," natatawang sabi ni Jenny, in the middle of talking about a new game she bought. "I don't think you're really here to learn about gaining XPs, eh."

Napapilig ako ng aking ulo nang ningisihan ako ni Jenny. I was only quietly listening to their talk, kahit na halos hindi ko naman ito masundan. Wala akong ibang magawa. The Seminar's gonna be officially open the moment the school bell rings, kahit na hindi pa kumpleto ang mga delegado. Dahil panigurado raw na kahit hindi pa kumpleto ang kalahatan, the numerous public schools' selected student council officials will surely be here on time.

Hindi naman sa nagmamarunong anila, but they're mostly the ones the most prompt. Based on experience daw. Hindi naman talaga ito isang National event. Hindi mandatory. This Camp is simply for those who are willing to go and cooperate. Mostly for nearby town-schools wherever the event was set.

Sabi nina Jenny, the Camp's aims are mostly set on transparency, teamwork and competence. Before it was formally approved ay lipana daw talaga ang incompetence ng mga student councils, dahil may iba raw na masyado nang spoonfed ng faculty, kaya parang napasawalang-bisa lang din ang binubuong Student Body Governments.

Napahilot ako ng aking sentido, matapos ulit ang brief meeting namin.

This event was too noble and virtuous for its own good. Buti naman hindi ganoon ka-kuripot ang administration ngayon. Schools nowadays were funded geenrously. I cracked my neck habang palabas kami ng aking mga ka-team mula sa hiraman ng mga DSLRs. Lahat ng mga gagamiting gamit ay for rent o di kaya ay pahiram lang din mula sa mga estudyanteng opisyales ng event.

"Uy, akin 'yan ha..."

Napahinto ako nang kinulbit ako noong lalaki na tinulungan ko kanina sa pag-aayos nung tarpaulin. Napasulyap ako sa kanyang name-tag. Dean. Nakangiti siya habang tinuturo ang camera sa kamay ko.

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon