Part 1

41.3K 334 14
                                        

Hinawi ko ang kanyang mga kamay mula sa paglalakbay nito sa loob ng aking damit. Lasing niya akong tinitingnan habang binabaon niya ang kanyang mga labi sa gitna ng aking mga dibdib.

Marahan ko siyang itinulak palayo. He sighed when I stood up and straightened my clothes.

"Are you really breaking up with me?"

Ningitian ko siya.

"You can't handle long distance relationships, Eric. Let's be honest." Sabi ko while I was finger-combing my hair. Masyado na pala itong mahaba.

He pouted. Hinila niya ang aking mga pata, to straddle him again. Ginawa ko naman. Nilapat ko ang aking dibdib sa kanya. Binaon niya ang kanyang ulo doon habang niyayakap ako. Tumawa ako sa kanyang ginawa at hinayaan ko na lang siya.

"Cass..." hinagkan niya nanaman ang aking dibdib na exposed sa aking puting sando. He sighed again na para bang labag sa loob niya ang paghalik sa aking balat. "I'm gonna miss you."

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik.

"Come visit me when you need closure..." Malambing kong sabisa kanya before we started another makeout session.

Habang sumasayaw yung buhok ko sa hangin ay mabilisan ko itong itinali. Sinadya ko talaga na hindi maayos ang pagkakatali noon para mag mukha akong pechay. Napatingin ako sa aking damit.

Bago ako umalis ng Manila ay inubos ko na ang mga lumang t-shirt at boxer shorts ni Eric. Sinamahan niya pa akong bumili ng ilang pares ng tokong shorts at straight cut pants na mas malaki ng dalawang sizes sa akin.

Nagtataka pa nga siya kung ano ang meron sa probinsya at kailangang ganoon ang mga sinusuot ko.

Lumabas ako ng terminal hila-hila ang isang napakalaking maleta. Isang maitim na sling bag lang din ang dala ko as handcarry.

Dumiretso ako doon sa lalaki na nakatayo sa tapat ng aking sasakyan. May hawak siyang karatula ng pangalan ko. We shook hands habang pinapasalamatan niya ako. I gave him a tip tsaka inilagay ko na ang aking mga bagahe sa likod ng sasakyan.

"Hello, baby..." Sabi ko sa aking bagong bili na Mercedes Benz G550. I needed an off road vehicle dahil alam ko kung gaano ka mabato iyong daan patungo sa Bungalow ni Lola.

Humilig ako sa aking upuan habang tamad na nagmamaneho. Sabado ngayon pero sobrang tahimik ng daan. Nakaksulyap pa ako sa aking salamin at napapatingin sa paligid at siguradong sigurado akong wala akong matatamong disgrasya.

After almost 7 years ay ganoon pa rin ang lugar, pero syempre maraming nadagdag. Maliban sa mga bagong malls ay may malaking grocery store na rin malapit sa Village. At mukhang marami na rin ang napatayong gimikan.

But the atmosphere stayed the same. Hindi pa rin masyadong maingay ang lugar. Lumiko ako pakaliwa. Dito na nagsimula ang rough road.

The real reason why I'm in the province is because I was put on exile. Sakit ako sa ulo noong nagmiddle school ako sa California, lumala pa noong nagHighschool ako.When I studied in Manila, my parents thought na magbabago ako at babalik sa dati pero mas lumala pa pala.

Napailing na lang ako noong huminto ako sa labas ng isang puting bahay na pinapalibutan ng puting picket fences. Hinagilap ko iyong baseball cap ko na may nakasulat na California at isinuot ko iyon nang pabaliktad.

Hindi naman talaga extreme iyong naging pagbabago ko. Hindi pa nga ako napapapolice. I didn't even get pregnant! My parents are just too conservative! Punang-puna nila iyong pananamit ko na kita miski kasulok-sulukan ng aking katawan. At masyado na raw akong bisyoso when I don't even do drugs or smoke weed! I just like to party, dance and make friends. But I always make sure that I do not self-destruct, because I know my limitations.

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon