Part 2

28.5K 292 7
                                    

Bumalik ang kinagisnan kong gawain tuwing Linggo.

Ginising ako ni Lola ng alas-sais para makapag-almusal. Mainit na pandesal at sunny-side up eggs ang parati kong nirerequest. Kaya ayun ang nakalatag sa hapag.

"Magtira ka naman, Cassidy." Ani Lola nong napuna ang pang-anim kong tinapay at pangatlo ko nang kain ng itlog.

Napalabi ako. "Bakit, Lola? Akin naman na ito lahat diba..."

Pinandilatan niya ako.

"Si Yosef pa at si Jeremiah, ano. Sa tingin mo magluluto ako ng sandamukal na iyan kung tayong dalawa lang?" Aniya.

Umismid ako. Hindi naman sa nagmamasama pero napansin ko lang na parang sanay na si Lola na naririto sina Yosef at President sa Bungalow niya. Anong meron?

Gusto ko sanang isatinig ito pero narinig kong may pinagbuksan si Lola ng screen door. Napasilip naman ako sa sala at nakita ko si President na dumiretso sa mga kwarto. Bumalik din agad si Lola sa dining hall kung nasaan ako.

She sat on the seat in front of me. Pinakatitigan niya pa ako.

"Marami pa tayong pag-uusapan mamaya," seryoso niyang sabi. "Pagkatapos ng simba, mangumpisal ka sa akin!"

Napahagikhik naman ako doon.

"Lola, naman. You know I don't just kiss and tell..."

Inirapan niya ako.

"At isa pa, iyang buhok mo..."

Tumango ako. "Papagupit na ba ako, La? Pwede pagkatapos ko agad na kumain? O kailangan ko pang maligo?"

"Pagkatapos na lang ng simba..."

Tumango na lang ako at napaisip tungkol sa susuotin ko para sa misa. I inwardly sighed. Sa misa kasi ay maraming tao at magkakakilala pa naman halos dahil linggo-linggo si Lola sa simbahan, walang mintis.

Magsusuot ba ako ng bestida o sweats ulit? Napangiwi nanaman ako.

"May problema ba?"

Napansin yata ni Lola ang pag-aalinlangan ko.

"E, La... anong susuotin ko sa misa?"

"Huh? E, syempre..." napaisip din siya. "Ano bang sinusuot mo noon?"

Ano nga ba? Kung magsusuot naman ako ng bestida ay paniguradong magtataka ang aming mga kakilala. At ayaw ko naman din na maging pokus ng atensyon nang dahil lang sa pagbabago ng aking pananamit.

"La, kung doon nalang tayo sa kabilang municipality magsimba?" suhestiyon ko. "Para naman maiba... idadrive kita, La!"

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Patuloy naman ako sa pag depensa sa aking sinabi.

"Sige na, La? Please? E, diba pare-pareho lang naman ang homily? Gusto ko rin po sana bumili ng talaba nila roon..."

"Osige..." aniya pero titig na titig pa rin sa akin.

Nawala lang iyong atensyon niya sa akin noong pumasok na sina Yosef at President sa dining hall. They sat on the available seats. Mukhang feel at home na silang dalawa dahil hindi na nila kinailangan ang imbitasyon ni Lola para kumain.

"Maligo ka na, Cassidy..." utos ni Lola sa akin na agad ko naman tinugon.

Masaya kong isinuot iyong paborito kong sunday dress. Finally! To reconcile with my feminine side sent me on frenzy! Kahit ngayon lang, I wanna go all out!

Matapos kong maligo ay dumiretso ako sa harap ng aking tukador para manalamin. Inayos ko ang korte ng aking kilay, applied mascara on my lashes and painted my lips in Nude. Kahit na simple lang iyong lagay ko sa aking mukha kumpara sa pagbebeat ko noon ay pakiramdam kong nafreshen up lalo iyong hitsura ko.

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon