Part 9

14.6K 188 3
                                    

Alas-otso pa sa umaga ang simula ng klase ng Senior High. Habang 7:30AM naman ang sa mga lower years. Kaya alas-syete impunto pa lang ay nasa eskwelahan na kami ni Yosef. He wants to be 30 minutes early to school.

"Ate, mamaya ba ay may practice tayo?" he leaned on to the front seat. "The varsity drafting would be next month. I want to be extra ready."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko, buti nalang at sumingit si Prez.

"Your weekend practices should be enough, Yosef. Weekdays should be reserved on Academics, okay?" nilingon niya si Yosef and gave him a little smile.

Yosef pouted, pero agad na rin na bumigay bago siya bumaba ng sasakyan and ran off to the school gates.

Sinundan ko siya ng tingin.

"Why aren't we allowed to have soccer practices on weekdays?" tinaasan ko ng kilay si Prez.

10 minutes lang naman ang pagitan ng Academy nila Yosef sa University namin kaya may oras pa akong mangulit.

"You'll be very busy the whole school week. Nakita mo na ba ang schedule mo?" nilingon niya ako, pero madali lang yun. He was still driving.

I stared at him, and decided to ruffle through my things. Hinila ko mula doon ang aking printed time table. ABM ang kinuha kong program, using my little background from helping with inventories and cash-outs from Lola's shop. Nakatulong din yung recent branch visit namin ni Eric Luy sa kanilang office dito.

Anyway, I have no problem with this. I'm Jack Of All Trades. My flexibility to be put on whatever field exceeds professionalism.

Pero mas pinili ko yung kung anong mas makabubuti ngayon. Kung ano yung mas praktikal. Where the program I'm in would also be as flexible.

Nanlaki ang aking mga mata habang tiningnan ang nakaschedule ko ngayong araw. Only four subjects, yes, but what the hell? Two hours in each?

"Totoo 'to?" If I wasn't in my right mind, I would've shove my time table to Prez' face.

Hindi niya ako sinagot at hindi na ako nagtaka pa. He hates rhetorical questions thrown at him. Nagsasayang lang daw yun ng oras. Suplado talaga.

"STEM ka diba?"

I didn't need to confirm it. Ever since I could remember ay gustong-gusto na ni Prez ng anything related to Science. Even when he's reading on his spare time ay puro tungkol sa mga kung ano-anong -logy or -stry ang kanyang mga binabasa.

"Patingin ng schedule mo..."

Kapag hindi siya sumasagot agad ay alam kong "oo" na ang ibig sabihin nun.

Walang mga gamit sa kanyang glove compartment maliban na lang sa dinikit niyang time table doon, katabi noong kanya ay ang schedule ni Yosef at ang duties schedule ni Tita.

Kahit mint ay wala siyang iniiwan doon. Kumusta kaya dating life ng isang 'to?

Napangiwi ako sa schedule ni Prez. Atleast hindi na kami magkaklase, maliban na lang siguro tuwing PE 2 namn. Wala nang parating maninita sa akin and such. Napaka-annoying pa naman nito, parati akong nibabara nang walang pinipiling oras, kung kailan sobrang enjoy na kami ng mga kalaro ko. Haynako.

It's been about 5 years, at mukhang hindi pa rin siya nagbabago. What should I expect, right?

Isinara ko na ang kanyang glove compartment nong nakita kong papalapit na kami sa University. The place was unfamiliar to me.

Pero kung dito siguro ako nag-Junior High sa Pilipinas ay malamang kampante ako sa unang araw ng pasukan. At kung umattend ako nung Acquaintance Party ay hindi ako magkakaroon ng First Day Jitters.

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon