"Judger!" I hissed. "Nakakainis!"
Maaga kaming nagising kinabukasan. Oo, kami. Talagang sabay. Dahil, surprise surprise! Kesyo gumastos pa raw kami ng para sa dalawang kwarto ay isa lang yung ni-book ni Prez. Twin beds.
My God! Sobrang kuripot! I should've just booked my own room beforehand pala sana. Na-agrabiyado pa tuloy ako sa pagiging sunod-sunuran sa kanya. To think that the rooms were super cheap, pero hindi abot ang pagiging cheapsake ni Prez.
O, ayan. Uminit na nga ang ulo ko sa kanya kagabi, pinainit niya pa lalo kinabukasan!
"You're not allowed to wear shorts," He said nonchalantly habang umiinom ng kape.
"Ha?" kakatapos ko lang maligo't magbihis sa banyo. I just got out of the bathroom noong naabutan ko siya nakangiwi sa suot ko.
I was wearing a very short white-washed denim shorts and a white cami. Ang init kaya rito!
"We're going to have an ocular visit in a school, why are you dressed like we're going to the beach?" Naririnig ko nanaman ang irita sa kanyang boses.
And syempre, being me, sasabayan ko ang bwisit niya.
"Bakit ba? It's a Sunday! Dress codes do not apply on Sundays!" Inis na hirit ko. "Isa pa, mag-o-ocular visit lang naman tayo, it's not as if magsisimula na yung program..."
He glared at me.
I glared at him.
"The committees of the event are there..."
"O, tapos?" Inis ko pa rin na sabi habang pinapatuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalya.
Mas lalo lang yata siya nagalit sa naging sagot ko.
"Gusto mo bang mabosohan???"
"Anong bosohan!" bulyaw ko. "Syempre ang init kaya ito ang suot ko! Problema mo ba? Ehdi ibalot mo ako sa yelo! Pakealamero!"
God! What the hell was wrong with him? Nawawalan na ako ng gana ha unang araw palang namin dito, tatanda yata ako ng maaga!
"ID, po..."
Inirapan kong muli si Prez na tahimik na nakasunod sa akin habang pinapakita ko yung guest pass and ID ng University namin. Pinapasok naman kami agad after checking our bags.
"Why do they even make these kinds of..."
I glared at him.
"Tss..." inis nanaman siya na tumingin sa akin noong nilingon ko siya.
In the end, I didn't follow his orders na magpalit ako ng damit. Iyon pa rin ang suot ko, and paired my outfit with a white pair of Birkenstock.
Wala siyang magawa. I wouldn't eat hanggang sa hayaan niya nalang ako. He knows I could endure hunger strikes kapag inis na inis na talaga ako.
Naka-aligid tuloy siya sa akin buong umaga.
"Ito iyong para sa susunod na araw na program of activities..." Ani Jen, isa sa mga kasama ko for production.
I scanned the soft copy she gave me, at inisa-isa ang mga pangalan ng mga lecturers doon.
"Yung mga activities ba tayo rin ang gagawa, o kailangan din natin makipagcooperate sa guest speakers?" tanong ko.
"Na-contact na namin sila kanina," aniya habang dinodouble check din ang mga pamphlets. "Sabi nila tayo na raw ang bahala, since nasa atin naman ang budget na gagamiting materials..."
Tumango nalang ako at halos kumunot ang noo nang mabasang puro may PhD ang mga supposed speakers. Talaga bang aattend ang mga ito?
"Okay na ba? I-le-layout na raw nila Krisha ang final pamphlets para maprint na mamayang alas-dos..."
BINABASA MO ANG
SSS [III] (COMPLETED)
General FictionOne of the many perks of being an unlikely couple is you get to keep your sex scenes secret, without needing much effort on hiding... Hindi maintindihan ni Jeremiah Franco kung bakit pilit siyang gustong kaibiganin ng apo ng kapitbahay nila. Hindi n...