Part 4

20.3K 237 15
                                    

Tulad ni Lola ay ininterview din ako ni Tita Mariah. She was too curious about my life kaya natatawa ko naman itong sinagot. Using my initial life here as basis ay ginawa ko ang lahat para lang hindi ako magkamali sa aking mga sinasabi. I told her everything, but of course, I left the parts wherein I am actually a total flirt.

The presence of President helped. Because of him ay nasisiguradong well-orchestrated ang aking mga sinagot. His judgemental eyes always left me conscious with my words.

"Ma, you need to rest. Mamayang alas-syete na iyong duty mo, hindi ba?" putol niya sa aming dalawa ni Tita Mariah.

Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang aking mga mata nang nakitang alas-dose na pala. Ilang oras din pala kaming nag-usap ni Tita Mariah.

"Ay! Kailangan niyo nang umuwi!" napatayo si Tita Mariah at tinulungan na si President sa pagliligpit ng mga gamit.

Wala naman akong maitulong kaya pumahalumbaba na lang ako sa mesa at pinagmasdan silang mag-ina.

"Drive carefully, Jeremiah, okay? Inaantok ka ba? Coffee from the Vendo may taste crappy, but it'll get you by..." ani Tita habang inaabot kay President iyong laundry niya.

"I'm fine, Ma." bingyan niya ng maliit na ngiti si Tita. "Malapit lang naman iyong Village..."

Ningitian siya ni Tita bago hinalakan sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Tita sa akin.

"Take care of Yosef, okay?" Iyon ang huling habilin niya sa amin bago niya kami hinatid sa labas ng ospital.

Tahimik nanaman kami ni President noong pumasok kami ng sasakyan. Gusto ko nga hanggang pauwi kami ay tahimik pa rin pero hindi ko na talaga mapigilan ang aking sarili nong papalabas na kami ng parking lot ng ospital.

"Prez,"

"O?"

"Pwedeng mag-McDo muna tayo? Nagugutom ako!" sabi ko ng mabilis.

Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.

"Are you seriously hungry?" he sounded sarcastic kaya napataas na rin iyong kilay ko sa inis.

"You ate two bags of Cheetos while you were at the hospital, at inisa-isa mo rin iyong drinks sa vending machine!"

"E, sa nagugutom ako!" irap ko. "Pakealam mo ba? Ako naman ang magbabayad! Kaka-BV mo!"

Naiinis niya akong tiningnan habang nililiko iyong sasakyan ko patungong McDo. Saglit akong natuwa sa kanya. Saglit lang, dahil binalingan niya ako gamit ang kanyang sarkastikong ekspreyon. Nag-alab nanaman iyong inis ko sa kanya.

"Nagpa-deworm ka na ba? You seriously need to exterminate the parasites inside your body."

"Are you insulting me?" I finally shouted at him. "Wala akong bulate sa katawan! Sadyang gutom lang talaga ako!"

"Nobody can eat that lot and be healthy," inismaran niya ako. "And you've been eating junks for Christ's sakes! At ngayon ay gusto mo pang kumain ng fastfood! You're eating garbage!"

Nararamdaman ko na ang pagpalpitate ng aking mga ugat sa noo. I knew I was already breathing heavily. Like a bull ready to horn and tackle someone to death.

"I just want to eat! Bakit mo ba ipinagkakait iyon sa akin!" I screamed at him.

Damn it, President! Why do you have to make everything difficult for me!? Ano bang ginawa ko sa iyong putanginang ulupong ka! I wanted to shout at him more! But I lived with my restraints.

"Eat fruits, then!" aniya na galit din ang pinapakitang ekspresyon.

"FUCK IT! GET OUT! I'M DRIVING MYSELF TO MCDONALD'S!" sigaw ko na talaga sa kanya.

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon