Gusto kong sabunutan ang sarili ko! Well... actually... si Mommy ang gusto kong sabunutan, pero hindi pwede 'yon. Labag 'yon sa karapatan niya bilang magulang ko, at baka mapalayas pa ako ng wala sa oras.
For the first time in years, she filed a 1-month vacation leave from work, at ganoon din si Daddy. But, Dad immediately flied back to the Capital para asikasuhin ang mga properties namin doon, at i-che-check nalang din daw siguro niya ang company branch nila dito sa Pinas. Buti nalang talaga at mataas ang posisyon niya sa EY at malaki ang benefits na nakukuha niya, so he gets to borrow their company car and company driver any time he wants. Kawawa naman ang tatay kong 'Kano, at baka ma-taxi scam pa rito. Jeez.
While Mommy... stayed behind. Imagine, isang buwan 'yong leave niya and she's only been here for a week pero parang mawawalan na ako ng bait. Baka dalhin nalang ako sa mental institute the next 3 weeks that she's here.
"Dios mio! Ito, itak! Mag-patayan kayong dalawa! Sige! Diyos ko po, patawarin po ang dalawa kong mga babae!"
Napatalon kaming dalawa ni Mommy palayo sa isa't isa matapos itapon ni Lola ang dalawang bolo knife sa pagitan namin. Iling nang iling naman si Lola habang nag-sa-sign of the cross sa gitna namin ni Mommy.
"Lola, e! Si Mommy!" I shrilled. "Ang arte!"
Kakatapos lang namin na mag-dinner, at naghuhugas ako noon ng mga plato. Kaming tatlo lang ang naroon. Prez and Yosef were both at the hospital para samahan si Tita Mariah maghapunan, isang linggo na rin. Isang linggo na rin na sa sariling bahay na nina Prez at Yosef sila na natutulog. Mommy was sleeping beside Lola.
Anyway, habang naghuhugas ako ng plato ay ang daming sinasabi ni Mommy na kung-anu-ano. Like always, tungkol na naman sa akin, at ang naging puntirya niya nanaman ngayon ay ang sasakyan ko. Buti nalang wala akong nabasag na mga plato.
"Oh, please!" she rolled her eyes at me. I glared at her some more, wishing so much it would hurt her. "I don't know what's with this kid, Ma, I just told her about the disadvantages of having a luxurious vehicle, kahit na sinabi niya pa na it was a good car for off-roads. Not a very good decision-maker, puro luho ang inaalala!"
"I'm not a kid! I'm already 18!" pigil na sigaw ko sa kanya.
She smirked. "18 is a kid's age, anak ko."
At sinabi niya ang panghuling kataga na para bang napakalaki dapat na insulto 'yon para sa akin. It took me so much self-control to curse at my own mother.
"Maybe this was why the Lord only provided us with one child..." basag ni Lola sa amin habang tinatakpan ang kanyang mga tenga.
Natahimik kaming dalawa doon ni Mommy. Tinalikuran ko na sila at bumalik na doon sa pinanghugasan ko. The suds already dried on my arms.
"We're not yet done talking, young lady." mariin niyang sabi sa malayong likod ko.
Umirap nalang ako sa kawalan at hindi na siya pinansin pa. Sumasakit na yung lalamunan ko kakapigil na sumigaw sa mismong mukha niya. Tinapos ko nalang yung paghuhugas ko and walked to my room na hindi na sila nililingon pa. Akmang susundan yata sana ako ni Mommy pero pinigilan na siya ni Lola.
"Let your daughter sleep, Eliza. May pasok pa 'yon bukas."
"Kaya hindi nakikinig 'yan sa 'kin, Ma, e. You spoil her too much, kayo ni Papa!"
Padabog kong sinarado ang pinto and immediately went to my bathroom to finally scream all the curses I knew hanggang sa napagod ako.
Maaga akong nagising kinabukasan. Sa sobrang aga ay naririnig ko pa ang mumunting hilik nina Mommy at Lola sa kanilang kwarto. Nagmamadali akong makaalis doon para hindi kami mag-kita ni Mommy, kaya hindi na ako nag-abala pang magluto o magbaon man lang ng pang-almusal. Gutom na gutom akong umalis ng Bungalow. Buti nalang talaga at may bukas nang bakeshop na nagbebenta ng pandesal at Hot choco.

BINABASA MO ANG
SSS [III] (COMPLETED)
Fiksi UmumOne of the many perks of being an unlikely couple is you get to keep your sex scenes secret, without needing much effort on hiding... Hindi maintindihan ni Jeremiah Franco kung bakit pilit siyang gustong kaibiganin ng apo ng kapitbahay nila. Hindi n...