Part 7

16K 209 2
                                        

Tuluyan na ngang nakatulog si Eric. I didn't bother waking him up. Tinext ko na lang siya na I would be staying outside to surf. Hindi ko na tinawagan si President. I know he would be busy with the program. At kung mamalasin ay baka mago-overnight pa yata sila.

Nagconcentrate na lang ako sa pag-aayos sa aking sarili.

I still had my white thong bikini bottom on. I hid my stringed royal blue triangle bikini top under my black rashguard.

Inayos ko na rin ang surfboard sa aking gilid. Na-miss ko tuloy mag-gym. Buti na lang talaga at nakakasingit pa ang mga ganitong activities sa akin.

I carried it on my side habang tumatakbo patungo sa dagat.

Matagal-tagal na din simula noong ginawa kong sports ang surfing. Nasa America pa ako noon. Natututo ako nung nagbakasyon kami sa Sta. Catalina Island at pinagpatuloy ko na since then.

Noong hanggang tuhod ko na ang tubig ay nilagay ko na ang aking board sa dagat at dinaganan na ito. I paddled through the waters.

Nilampasan ko yung dalawang papalapit na mga alon by swimming underneath the waves. I was supposed to have everything on film, but Eric was sleeping with our GoPro.

Noong may paparating na mas magandang alon ay dahan-dahan kong inangat ang aking sarili hanggang sa nasa tamang stance na ako. My heart started fluttering noong natapos ko yung buong alon. My board turned at the last edge at nahulog ako sa dagat.

My board was tied to my ankle, kaya sa pag-ahon ko ay doon ako humahawak. I was grinning wildly. My adrenaline was back in its place.

Bumalik ako sa pagdapa sa aking board and paddled towards the third wave. Noong maganda na aking lokasyon at may paparating muli ay inikot ko yung board para harapan yung shore. I was greeted by the waters on a tunnel noong umangat ako.

Nasa loob ako ng waves and I freely cut through the waters with my fingers. Tumilapon akong muli pagkatapos.

Hindi ako agad umahon dahil lumangoy pa ako ng konti para makalayo sa mga Sea Urchins. Umahin na ako noong napalayo na ako sa mga nagkukumpulan na Sea Weeds. Aakyat na sana ako pabalik ng aking board nong may naramdaman akong nakahawak sa aking paa.

My breath caught in my throat until may umahon sa aking tapat, doon na ako tuluyan napasigaw sa gulat.

"You scared me!" I screamed at him matapos rumehistro kung sino man iyong nasa aking harapan.

Hindi niya ako pinansin. He ran his palms to his hair kaya dumikit ito sa top ng kanyang ulo. I stared at him.

"Nakarating ka na pala, kanina pa?"

Habang tinatanong ko siya ay tinuko ko ang aking mga palad sa board and pulled myself up. Noong nakaupo na ako ay nakatungo ulit ang aking paningin kay Prez.

Nakatalikod siya sa akin. And he was still wearing his shirt...

Napatawa ako. Sagad-sagad din pala itong pagiging conservative ni Prez.

"You surf, huh?"

He asked in a nonchalant voice. At mukhang wala na talaga siyang balak na harapin ako.

Hindi ko na siya pinakealaman.

"Oo, nung nasa States ako..." napalinga ako sa paligid. "Yung mga classmates natin? Nasan?"

He sighed.

"Nasa Function Area na. May breakfast buffet na pinahanda si Tita," pinilig niya ang kanyang ulo. "Speaking of... magbihis ka na. Magpakita ka raw kay Tita."

I was about to protest pero pinutol niya ako agad.

"I didn't tell her you're here, pero alam niyang umuwi ka. Tinawagan siya ni Mama. You should come and see her. Kinukulit niya na ako."

SSS [III] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon