"I told you to change!"
"Nakapagbihis na nga ako!"
"But you're not even wearing anything!"
I can hear the frustration in his voice habang naglalakad kami't nakabuntot siya sa akin. Hindi ko na mabilang kung pag-ilang irap ko na iyon.
"It's a beach party!" pilit ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Syempre magbi-bikini ako! Let it go!"
Tumahimik na siya sa aking gilid, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang galit niya. Nasa lobby na kami ngayon at naghahanap na ng trike na masakyan. Kakarating lang nila Jenny sa rest house at nag-aayos na sila doon. Napabaling ako kay Prez na nakakunot pa rin ang noo habang nasa daan na ang tingin.
"Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. "Baka matagalan pa 'yon sila, kumain ka kaya muna dito?"
"'Di na," sagot niya sa akin nang pagalit. Ipinagkibit-balikat ko nalang 'yon.
Kainis talaga ang isang 'to! Sunget! Ba't nga ba 'to napasunod sa akin? Napabuntong hininga nalang ako nang naisip na baka tinawagan siyang kaagad ni Lola matapos ko magpaalam na kakarating ko lang sa Puerto Galera para mag beach-hop kanina.
I didn't tell her na magpaparty ako, dahil baka dadami nanaman ang kanyang tanong. But if she told Prez about it, syempre magi-gets kaagad iyon ni Prez for sure. Hindi naman kasi tago yung party. Walang nagpaplanong magtago non, maliban nalang siguro from the faculty and staff na around, since somehow sila dapat yung responsable sa mga estudyanteng naka-assign doon sa event. All I did was to buy time para makatakas ako kay Prez dahil alam kong pipigilan niya ako.
I don't know with the other schools, pero hindi naman kasi masyadong mahigpit yung University ko last year, because they're sure na may kanya-kanya namang body guard ang mga estudyante, kaya mababantayan lang ng maigi kung sakali.
Isa din 'yon sa rason kung bakit kampante akong mang-invite ng kung sinu-sino. Kung may kaguluhan mang magaganap ay may sasalo naman sa amin.
"Hello, Jenny..." I called her noong nakasakay na kami sa trike. Maliit ito at masikip, kaya wala kaming magawa ni Prez kung hindi magsiksikan. "Kumain muna kayo ha, walang kanin doon!"
"Osige..." Naririnig ko ang ingay sa kabila ng linya. Looks like everybody's excited for the party, huh. "T-Talaga bang dapat mag-swimsuit, o ano?" mahina niyang tanong.
"Ikaw bahala..." natatawa kong sagot sa kanya. "Anyway, may alam ba kayong malapit na kainan diyan? Doon nalang kayo kumain. Malapit na rin naman kami."
"Oo... may mga kainan naman dito na malalakad lang. Doon nalang tayo magkita. Mauna ka na doon!" aniya, at biglang natahimik. "Wait, ha. Kami? May kasama ka ba?"
Napatingin ako kay Prez na ngayon ay nasa daan ang buong atensyon.
"Oo, si President...Franco..." mahina kong sagot sa kanya.
"Oh? Talaga?" halos mamula ako sa tipo ng tawa niyang hindi mo maintindihan. "Osya, mauna na nga kayo doon. Yung unang kainan na makikita mo sa kanto, doon na kayo bumaba. Itetext nalang kita."
Binaba ko na ang tawag at napatingin nalang sa kawalan. Kanina ko pa pilit hindi na pinapansin pero ramdam na ramdam ko ang braso ni Prez sa aking likod. Hindi kami gaanong magkasaya kung ididikit namin ang aming braso kaya ay halos nakasiksik na ang katawan ko sa kanya dahil okupado niya hanggang sa aking kabilang gilid.
Bumaba kami sa seaside restaurant. Malawak ito at hindi mukhang putsu-putso lang. Si Prez na ang nagbayad sa pamasahe. What do you expect diba? Kaya nauna na ako sa pagpasok. Ramdam ko ang lamig ng sea breeze sa aking knitted na nude bikini top at puting short shorts na halos magmistulang pangalawang bikini bottom ko na.

BINABASA MO ANG
SSS [III] (COMPLETED)
Fiction généraleOne of the many perks of being an unlikely couple is you get to keep your sex scenes secret, without needing much effort on hiding... Hindi maintindihan ni Jeremiah Franco kung bakit pilit siyang gustong kaibiganin ng apo ng kapitbahay nila. Hindi n...