Henry was smirking as he greeted me at the door.
"Really? Sa sementeryo talaga?" He laughed playfully.
I cupped my face. I knew I looked flushed. Ang init din kasi!
"I know! Nakakahiya!"
"Wow?" he mocked, habang sumusunod naman ulit sa akin. "Vumi-virgin lang?"
"Fuck you!" wala sa sarili kong mura sa kanya habang binubuksan 'yong dala niyang wine. Actually, sparkling wine lang 'yon. He said that was the fanciest thing he could find from the mart. This will do though. Nauhaw ako ng sobra sa mga kaganapan bago lang.
"You should thank me, Cassi, kung hindi ko na-distract si Lola kanina baka ano nang nangyari sa kanya."
Nilingon ko na siya. He had this huge smile on his face na tila ba nagmamalaki.
"First, Franco tells us that you two are dating," aniya habang tinataas ang kanyang hinlalaki, parang binibilang ang mga kasalanan ko ngayong araw. "Now, she need not see you making out with him in the open on broad daylight like that, dude. Matanda na si Lola. Mahiya naman din kayo sa Lolo mo."
Akmang hahampasin ko na sana siya noong bote ng wine nang lumabas si Lola mula sa bathroom. Napatikhim ako.
"Hello, Lola, kumusta 'yong CR wala ba talagang hot water?"
Halos hindi na mapansin ni Lola si Henry dahil titig na titig siya sa akin. Nabigyan ko tuloy siya ng hilaw na ngiti.
"Kailan pa, Cassidy?" mariin niyang tanong. I can't even understand the expression on her face. "When did this start?"
Kailan ba?
"I-I-" Namamawis 'yong mga palad ko. Hinga ng malalim, Cassi. Guilty ka lang! Nagtatanong lang naman si Lola because she's curious, okay? Wala silang alam.
I inhaled deeply.
"Hi-Hindi ko na po matandaan, Lola..." mahina ko naman na sagot.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata.
"Ganoon na katagal and you didn't even tell me?" she squeaked sabay hawak sa kanyang dibdib. "To think we live in one house... The three of us! And I didn't even suspect you two?!"
Henry was just sitting in a corner looking very much entertained, habang ako naman ay abot-abot nanaman ang tahip ng aking puso.
"Mas pinagdudahan ko pa kayo ni Henry!" napapikit siya ng mariin habang hawak-hawak ang kanyang noo. Ako naman ay parang nanigas lang sa kanyang harapan. I don't know what to tell her. One wrong move at baka kung ano pang masabi ko!
Mahinang naglakad si Lola patungo sa dining table. Aalalayan ko pa sana siya, pero kahit ako ay nanginginig. Ano bang dala-dala ng Prez na 'yon sa buhay ko? Panay ako kinakabahan! I need to think clearly, alright? I need to look at this in a positive light. Kami na ni Franco. We're in an official relationship and we sleep together. Normal lang 'yon.
Tama, normal lang 'yon! At marangal ang tingin ng lahat sa kanya, syempre walang magsususpetsa, diba? Keep your mind quiet, Cassidy. Naaakit ka nga kay Franco, pero hindi naman 'yon alam ng madla. Tama. Marangal pa kaming dalawa sa mata ng lahat.
They know nothing.
"For what it's worth, Lola..." I cleared my throat. "We just started, uhh, hours ago habang bumibili kami ng yelo?" napangiwi ako. Ang bantot naman pakinggan noon-parang wala lang, nothing special. Dahil ganoon talaga, wala lang 'to.
"What!" napatalon ako nang bigla nalang na hinampas ni Lola ang mesa. "He courted you in a convenience store?"
Umiling-iling naman ako and practically waved my hands at her to deny the accusation. Pinanliitan niya naman ako ng mga mata. What is this? What's happening? If I remembered correctly ay wala naman na sinasabing kung ano si Lola tungkol sa mga kinukwento ko sa kanya dati, and even up to my latest ex ay hindi naman siya nagpakita ng ganitong klaseng violent reaction!
BINABASA MO ANG
SSS [III] (COMPLETED)
General FictionOne of the many perks of being an unlikely couple is you get to keep your sex scenes secret, without needing much effort on hiding... Hindi maintindihan ni Jeremiah Franco kung bakit pilit siyang gustong kaibiganin ng apo ng kapitbahay nila. Hindi n...