Chapter 1

15.8K 256 13
                                    

"Good Morning . How can I help you ? "

After 12345678910 billion light years ay sumagot na rin ang coffee shop nato . (=___=) . Grabe ! sayang ang load ko, sana naman makapasok nako dito.

" Good Morning din po Ma'am !!! "

Kundi lang dahil sa kape, wala na siguro kong energy kanina pa. Sana naman po God, makapasok poko dito. . . wala na po kasi akong pambaon at pambili ng projects. (^____^) . (=____=) .

"Napaka-energetic mo naman Hija. "

Naku, kung alam niyo lang po. Basag na ang eardrums ko sa kakatawag sa mga pweding aplayan.

(T____T)

"Hehehe ! Kasi po Ma'am nabasa ko pong kailangan niyo po ng waitress para sa coffee shop niyo. "

Go-go pachintaw. Go-go pachintaw. Please God sana ito na ! sana ito na talaga ! PLESSSS LANG !

" Ah . Eh pasen - - "

Hindi ko na rin siya pinatapos dahil baka pasensya ulit sabihin nya. . sana naman ito na ! 

" Masipag po ako . Night shift, day shift kahit anung shift shift po yan. Okay Lang ! Kung gusto nyo po mag-overtime po ako oks na oks lang din po kahit overnight pa po. "

Naku gagawin ko talaga lahat makakuha lang ng trabaho ngayong araw. Malapit na deadline ng project namen at hanggang ngayon wala pa kong nagagawa dahil wala akong pera pambili ng gamit. (T_T)

"I'm sorry Hija. Pero may na-hire na kami ngayon ngayon lang. Sayang ! pero hindi na rin naman namin siya pwedi i-pull out. "

Fail #49 . hindi nanaman ako natanggap. Naman oh . .

"Sige po Ma'am . Salamat po ng marami. Muah ! "

-TOOOT-TOOOT-TOOOT-

Hindi ako susuko !Makakahanap din ako. Ibinaba ko ang phone ko sa kama.Grabe dead bat na sa kakatawag ko. Pati tuloy ako nagugutom na. (=____=) . PAGKAENNNN! 

Heps ! Bago nga pala ang lahat. Magpapakilala muna ko, si Mr. Author kasi may pagka-ulyanin.

Ako nga pala si Danica Shane Salvador, isang jobless na bata. 18 na at isa sa mga napakaraming scholar ng Pilipinas na laging namomoroblema sa pambaon at mga project. (=____=) .1st year college na nga pala ko at fashion designing ang course ko. Pang mayaman na course sa tingin ko, kaya laging umiiyak ang bulsa at eyebags ko sa sandamakmak na projects. (=____=) . (T____T) .

Okay sige dun na nga tayo sa interesting part ng buhay ko. Interesting nga ba ? 

I have my Dad and 3 brothers. Patay na ang Mama ko sabi ni Papa nung ipinanganak daw ako. So ayun nga may tatlong kumag akong mga kapatid. Araw-araw , lagi nila kong inaaway. (T-T)

" Hoy ! Buhay kapa dyan maliit na bata ?"

Naku. Eto nanaman si Kuya Jiro (=____=). Sana naman siya lang ang andito sa bahay.

" Wala . Andun sa Manila, nagwawalis ng daan. "

Sigh. Walang araw atang hindi nila ako nilait. Ang sama nila. 

" Papasok ako hah ! May itatanong ako sayo Panget . "

Sinong may sabeng panget ako ? Sabi nga ni Papa ang ganda ko raw eh ! Kapatid ko ba talaga tong mga tao ? @__@ .. ano nanaman kaya drama nito at may patanong-tanong pa .

" Papasok ka sa kwarto ko pagkatapos mokong laitin ? kung panget ako, panget ka rin ! DUH ! magkapatid kaya tayo ."

binato ko siya ng unan bago siya makalapit sakin. Kaso nga lang ang Loko binato din ako . !

The Cold Prince's Hired BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon