Author's Note :
Malayo-layo pa po ang daan patungong wakas. hahaha. Pero sana maganda ang kalabasan ng storying ito.
Nyx Point Of View
" Stop crying .. you can't even breath . " - sabi nya.Humiwalay ako ng konti at tiningnan sya. Kitang-kita ko sa mga mata nya yung sincerity pero sana totoo lahat ng nakikita ko ngayon. Sana totoo lahat ng narinig ko. Sana totoo lahat ng to . Sana hindi na rin lumipas yung mga oras na to.
" What ! ?" -iritang sabi nya.
Gusto kong itanong sa kanya kung totoo yung mga sinabi nya kaso hindi ko din naman kayang marinig na ang lahat ng iyon ay isang kasinungalingan.
" Totoo ba lahat ng sinabi mo ? "
Habang nakatingala sa kanya nakita ko siyang umirap. Nagsisimula nanaman akong maging paranoid sa kung anung magiging sagot nya sakin. Yumuko nalang tuloy ako dahil ayokong makita yung magiging reaksyon nya.
" Gusto mo bang bawiin ko pa lahat. Tch ."
Napatingala ako pagkasabi nya non.
" h-hindi naman sa ganun... "-sagot ko.
HInatak nya nako paalis dito sa lugar na to at napunta kami dito sa may Pool. Bumungad sa amin ang nagswiswimming pa rin na sila Francis, Riley, Allen, Steph & Sheena.
" Hey guys ! kayo hah, kung saan-saan kayo nagsusuot !"- bati ni Sheena.
" Ito naman ! hayaan mo nga sila. . inggit ka ? bakit kasi hindi mo nalang ako sagutin ?"- Francis.
Kinantyawan naman nila si Sheena akay natahimik ito at medyo namula.
" My wife isn't feeling well. Mauna na kaming magpahinga. " - sambit ni Ekhaye.
Tumango naman silang lahat maliban kay Riley na mukang nag-aalala sakin . Nag-thumbs up ako as a sign of yes ,pero nakita ni Ekhaye . Humigpit tuloy yung hawak nya sa kamay ko at tuloy-tuloy sa pag-akyat sa kwarto namin .
Ekhaye's Point Of View
When we reach our room I started to loosen my hands from hers. Her eyes are still fresh from crying. Nakayuko lang sya ngayon sa harap ko .
Hindi ko din talaga napigilan tong nararamdaman ko ! Bvllsh*t lang ! Kahit anung gawin ko kasi sa sarili ko hindi ko talagang kayang makita may lumalapit sa babaeng to. Marami nakong nakilalang babaeng katulad nya . Maybe ? . She is a crazy, talkative girl but behind of all this she is hiding her soft side .
Nakakagago lang kasi sa dinami-dami ng babaeng nakilala ko at lumalapit sakin tuluyan pakong nahulog sa babaeng sumira ng pamilya ko. Tch .
Napahawak nalang ako sa sintido ko. T****-i** hindi ko na alam ang gagawin ngayon sa sitwasyon ko. Lalo akong mahihirapan gawin ang paghihiganti ko, kung ngayon pa nga lang kapag nakikita ko siyang hindi na makahinga sa harap ko dahil kakaiyak , gustung-gusto ko na siyang amuin .
Bahala na siguro .. bahala na ! Basta tong babaeng nasa harap ko ay mahal ko.
Ang isa ko pang problema ay si Sophia ! There is part of me saying that I am still inlove with her. Hindi ko pweding sabihin sa kanya na huwag ng ituloy ang kasal dahil mahal ko na yung babaeng paghihigantihan ko. Fvcksh*t .
Hindi ko kayang basta nalang sayangin ang panahong kasama ko si Sophia at ang pinagsamahan namin all this year.
" Gusto mo bang matulog muna ? s-sabihin ko na lang kay Steph na, sa isang guess room nako matutulog.. Sorry . ."