Chapter 33

5.7K 114 12
                                    

Nyx Point Of View 

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, ang sakit ng buong katawan ko. Parang hindi ko kayang makatayo pero naaninag kong puti ang paligid ko. Lumingon ako, ang ganda ng kwartong ito. Pero nasaan ba ako ? 

Nangilid ang mga luha ko, dahil sariwa lahat ng nangyari sakin kagabi. Isang bangungot na parang hindi na mawawala sa isip ko. Paano nalang kung nakita pala nya ako at dinala nya ako sa bahay na to na malayo sa city . 

Natatakot ako at sumisikip nanaman ang dibdib ko. Inipon ko lahat ng lakas ko para makatayo, at kinuha ko ang flower Vase na nasa ibabaw ng lamesa dito sa kwarto . Tumayo ako ng walang ingay at sumilip ako sa bintana . May ilan akong natatanaw na mga bahay na hindi naman kalayuan dito . 

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa lalaking may dalang tray ng pagkain . Pero dahil sa adrenaline rush ko, hahampasin ko na siya ng flower vase na hawak ko. Pero naiwasan nya yon . Lalo tuloy lumakas ang pintig ng puso ko at nangingilid nanaman ang mga luha ko. 

" Hey , huminahon ka Miss . " - kalmado nyang sabi . 

Napaupo nalang ako at tinakip ang mga kamay ko sa muka ko habang umiiyak . I feel so hopeless , parang hindi na ako makakatakas . Dapat bang tanggapin ko ng , hindi ko man lang makikita sila Papa.

" Sssh . Stop Crying, Hindi ako masamang tao . Halika doon tayo sa garden gusto mo ? at ipapaliwanag ko sayo ang lahat . " 

Agad akong napatingin sa kanya . Kitang-kita ko ang pagiging maamo at pagkakaroon ng awa sa mga mata nya . Pero ngayon, naiisip ko .. Bakit hindi man lang ako hinanap ni Cervantez ? Ano bang nagawa kong mali sa kanya ? Kung kailan ko siya kailangan doon siya wala . Hindi ko inaasahang ganito siya . 

Agad naman nya akong inalalayan pababa ng hagdan hanggang sa makarating kami sa garden . Hindi ko pa ding maiwasang mag-alala sa kaligtasan ko dahil hindi ko naman to kilala. Pero Pinoy siya . .

" Umupo ka muna okay. Inhale & exhale . "

sabi nya sakin. Umupo naman ako at naglabas ng malalim na paghinga . Gustong gusto ko na umuwi at pagod na ang isip at katawan ko. Ang daming tumatakbo. 

" Bago nga pala ang lahat . I would like to introduce myself to you . My name is Ian Laureano ..I'm with my family here .  Matagal na ko dito, & last night I am driving home from a party, & I saw you . . & there's man chasing after you holding a baseball bat. Nag-alala ako kasi nung nakita kita sa ilaw ng sasakyan ko, akala ko Korean ka . Bigla ka pa ngang tumawid sa kalsada, buti nalang kamo saktong walang sasakyan nung tumawid ka kundi baka mabundol kapa. Agad akong tumawag ng Police dahil na rin sa hindi maganda ang kutob ko. & they response to my call immediately. .. hmm, agad naman silang dumating at nireport ko ang mga nakita ko. .. sinundan kita sa lugar na yon, medyo mapuno nga at madilim so I took my flashlight out of my pocket & saktong pagtapat ko nun sa dinadaan ko na I saw you laying on the ground & the man who's holding a bat . Sakto namang pagdating ng police kaya nahuli yung lalaki . Matagal na palang wanted yon, dahil sa ilang cases na din ng pagpatay at rape . ...Then tinanong nila ko if i can keep you until may makapag-report na sa kanila na nawawala ka. But it looks like , wala pa ring naghahanap sayo dahil hindi ka pa sinusundo dito ng mga Police.. "

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang Surname nya . is he Riley's brother ? Pero marami na mang Laureano ang apilido hindi lang siguro si Riley. Napaisip ako sa mga kinuwento nya, akala ko kasi mamatay na ako ng gabing yon. Pero hanggang kailan ako mag stastay dito, kung hindi man lang ako hinahanap ni Cervantez . Yung card naman na binigay nya sakin, wala na . How can I go home.. 

" I w-want to go h-home .."- malungkot kong sabi. 

Nangilid nanaman ang luha ko. Ewan ko ba ! kahit naman siguro mapapaiyak dahil sa nangyari sakin, yung nangyari kagabi. I feel so alone. Wala ang mga kuya ko at papa ko para ipagtanggol ako. Wala silang lahat . 

The Cold Prince's Hired BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon