Nyx Point Of View
(>___<)
Minulat ko yung mata ko . Hmm. Andito pa rin pala kami, akala ko uuwi na kami. Sakit ng mga mata ko. Hays ! Umiyak nanaman ako kagabi for sure . Sumasakit na rin yung tyan ko. (=__=) . Kagabi kasi nawalan na ko ng gana kumain .Tumayo ako at nagpuntang c.r . Maliligo nako, at saka bababa para kumain . Masakit na rin yung tyan ko.
Buhos.Shampoo.Banlaw.Conditioner.Sabon.Banlaw.Sabon(Whiteningsoap).Banlaw.WashFace.Toothbrush.Feminine Wash.Banlaw. Pagkatapos ng lahat ng ito, nag-bihis nako at nagpahid ng sunblock at naglagay ng konting make up.
Nagsando ako at nagshort at kung uuwi man kami ngayong araw, magsusuot nalang ako ng jacket.
Lumabas nako c.r at inayos ko ang laman ng bag ko, panigurado kasing nagrambol yung mga damit ko. Nilagay ko sa supot yung mga madudumi kong damit at undies, at tinupi ko ng maayos yung mga malilinis.
Ang gulo ko talaga sa gamit ko kapag may outing. (=__=)
Pagka-ayos ko ng gamit ko, agad nakong bumaba. Sana hindi ko muna sya makita .
Pumunta ako sa living room pero wala silang lahat. (0_0) . Nagtatakbo ako sa kitchen pero wala din sila . Kinakabahan tuloy ako, don't tell me iniwan nila ako dito !Alam ko naman kasing hindi imposibleng mangyari yun kasi kung nagawa nga iwan ako ni Cervantez sa high way noon, dito pa kaya.
Nagpunta ako sa garden at dito .. dito, nakita ko siya. Papasok na sana ako sa loob dahil ayoko siyang makita pero hindi ko naituloy. Hindi dahil pinigilan nya ako, pero bigla kong naisip na karapatan ko naman sigurong malaman kung ano talaga ako sa buhay nya. Dahil hindi naman pweding habang buhay akong umasa at hintayin yung totoong estado naming dalawa.
Pumunta ako sa harap nya and as usual he just gave me a bored look. Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Eye to eye.
" Ekhaye , ano bang meron tayong dalawa ? pweding pakilinaw . Kasi ako mahal kita, at alam mo yon. Pero kung hindi mo din naman masusuklian ang lahat ng pagmamahal ko, tapatin mo nalang ako ngayon. Para atleast sa ating dalawa hindi ako ang nagmumukang tanga. "
Wooh! Ayun nasabi ko rin! Masyado na kasing nagiging seryoso tong buhay ko. Dati ang saya saya ko bawat araw na ang problema ko lang ay ang trabaho ko at kung paano ko gagawin yung mga projects ko pero ngayon ! Lahat ata pasan ko ang mundo. (=____=) . Nasisira ang face ko dahil sa stressed.
" You know what, you're reall making me crazy. All of the sudden i turned like this . Tch. Mahal kita, pero dahil sa pagmamahal na to, masasaktan ko yung babaeng mas nauna kong mahalin kesa sayo. "
Tinitibayan ko yung dibdib ko. Ayokong umiyak. Hindi.hindi.hindi!
" So ano na ? should I expect from you ? or should I act professionaly like what our contract stated. ? "
Huminga sya ng malalim at hinawakan ang dalawang balikat ko. Hays ! Alien ata to eh, nagkatawang tao lang!
" Hindi moko pinatulog buong gabi .. & last night I just came up with the thought that I will going to choose you. Dahil kung mahal ko talaga yung babaeng dapat ay papakasalan ko edi sana hindi kita minahal. Tch . Ayoko din naman pahirapan ang sarili ko! Fvck ."
Nanlaki yung mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko.Pinipili nya ba ako ? (0//0)
"Pero , ang tagal nyo na ata tapos iiwan mo siya ng ganun-ganun lang ? "
Ayoko na sanang usisain yung decision nya pero mas gusto ko namang alamin ang lahat ng dahilan kung bakit nya ako pinili .
" Tch . idiot .. sinabi ko na nga diba ? hindi ako yung taong pinahihirapan ang sarili ko sa pagpili ng choices . "
Napayakap nalang ako sa kanya . (^__^) . Umiiyak na ako dahil sa tuwa . Niyakap naman nya akong pabalik . Grabe ! Ang saya lang talaga .Humiwalay ako ng kaunti dahil may itatanong nanaman ako . Alam kong masasaktan yung girl na pinangakuan nyang pakasalan pero selfish na kung selfish sino ba namang babae ang hindi maghahagad na piliin sya ng taong mahal nya.
" Pero kailan ka makikipaghiwalay ? ? "
" I will call her later . Oh eto, sayo na yang cellphone mo. Uuwi na tayo ngayon ."
Inabot nya sakin yung cellphone ko kaya naman tuwang-tuwa ako. Namiss ko tong phone ko!
" Oo nga pala, asan na sila Steph ? Hinanap ko na sila sa kitchen & livingroom eh"
Kanina ko pa nga sila hinahanap diba ? pero hindi ko talaga makita.
" Ang bobo mo talaga . Hindi ka pala pumunta sa kwarto nila eh. "
Ay oo nga noh ? (0____0) Bakit nga ba hindi ko sila hinanap sa kwarto nila. Pumunta na kami sa kwarto ni Ekhaye para kunin yung mga gamit namin . Wag na rin daw namin gisingin yung mga kabarkada nya dahil mga pagod daw yon. Tinungo namin yung parking lot ng rest house nila Steph at sumakay na sa kotse.
" Wala ka na bang nalimutan .. "- tanong nya.
"Meron .."
"Ano ? ?" - tanong nya ulit.
" Yung puso ko kasi na kay Riley !!! "
Nagbibiro lang ako pero napa-poker face sya at agad pinaharurot ang sasakyan. Hahahaha ! Feeling ko nakakaganti nako sa mga pinag-gagawa nya sakin dati . Sarap asarin ! (^O^)
***
After ng n hours. Nakarating na kami ngayon sa bahay . Hindi ko maiwas yung tingin ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala,feeling ko kahit anung gawin nya gusto ko nakayakap lang sa kanya. Ganto pala yung pakiramdam na piliin ka ng taong mahal mo.
Binaba nya lahat ng gamit namin at binuhat yon papasok ng bahay. Seryoso lang siya.
Hay nako, ayokong isipin na napilitan lang siya na piliin ako . No.No. Hindi naman siguro ganun yon NYX , mahal ako ni Ekhaye .
" Tss . Pasok ."
Mula sa pagkakayuko napatingin ako sa kanya, tapos na pala siya. Sungit talaga ng lalaking to. (=_=) .
" Opo Boss. " - sagot ko.
Pumasok na kami sa loob at tuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat. (=____=)
Gusto ko siya makasama e. Kaso , pagod din siya , pagod din ako.
" Hoy Babae, magpahinga ka na. Muka ka ng stick sa sobrang payat mo. "
(0 // / / // / 0) .
Bakit ganto? konting salita lang, ang laki na ng epekto sakin. Mahal nga talaga kita . Ngumisi ako ng nakakaloko, dahil hindi ko alam na aabot ako sa gantong point ng buhay ko kung saan nagpaka-martyr ako makuha lang yung puso ng lalaking kaharap ko.
" Iniis-stress mo kasi ako." -sagot ko.
Sumama yung tingin nya sakin. hahaha. Pikon talaga.
========================
A.N/
Hello po Readers . ^___^.
Sorry po talaga kung ngayon lang ako nakapag-update pero at the same time sobrang thankful po ako sa mga patuloy naghintay ng update ko.Alam nyo po kasi, hindi talaga biro yung pinag-daanan ko this last few months. Nakipag-break po ako sa 2 years ex boyfriend ko, hindi dahil sa hindi ko na siya mahal kundi para sa ikabubuti nya. Gabi-gabi din po kasi ako umiiyak dahil nagsisisi ako pero pinanindigan ko tlagang hindi ko na siya babalikan. Yan po yung reason kung bakit wala po ako sa mood mag-update. Tas after po nito nasaktan nanaman ako sa taong gusto ko, hindi nya po agad sinabi sakin na may nauna siyang nililigawan , hinintay nya pa po akong ma-fall sa kanya. Tas sinabi nya na parang kapatid nalang dw turingan namin. HAHAHA. Tas ngayon po okay na.
May lalaking dumating sa buhay ko. Hindi siya matino kundi isang gago. Kung tutuusin nga po magkaibang magkaiba kami dahil may pagka-nerdy type po ako. Nililigawan nya pa rin ako, at hindi naman siya mahirap mahalin.
Sana po guys, pag-pray nyo po ako na , hindi nako masaktan ulit ='( Dahil hindi ko na ma-aafford pang umiyak nanaman sa maling tao.
Sana po magustuhan nyo po yung update ko, kahit ganyan lang po . :(. Mahal na mahal ko po kayo.
- ADORABLEteen25