CHAPTER 57

2.4K 68 30
                                    




Danica's Point of View

Pagkayari namin rumampa sa stage ay wala pa ring tigil ang palakpakan ng mga tao hanggang sa makabalik ulit kami sa back stage. Naghiyawan naman kami kaming magkaka-group sa tuwa dahil hindi pa man ina-announce ang pinakamaganda or the best na fashion show ay masayang-masaya na kami.

"We did it guys! We did it!" - sambit ni Gonzales.

Nag-apir kami sa bawat isa at ganoon rin sa mga staff namin including yung mga make-up artist namin pati yung mga models. I'm sure gutom na sila, kaya tonight rin siguro ay mag-cecelebrate kami.

" Congratulations Mahal .. "

Gulat ako ng bumungad sakin si Dale na may hawak na bouquet ng flowers. Tapos ano pa nga raw tawag niya sakin ? Tama ba narinig ko ? o nabibingi nako dahil sa lakas ng sounds.

(0////0)

Niyakap ko siya sa sobrang saya ko at narito siya para suportahan ako at sinama niya pa sila Papa.

" Thank you .. "- Sambit ko .

" Kahit ano basta para sayo .. Mauuna na kami nila Papa , Just call me if you need me.. "

Tumango nalang ako at pagkatapos ay hinalikan niya ako noo. Aalis na sana siya ng makita niya si Erick at sinamaan niya muna to ng tingin bago tuluyang lumabas. High blood nanaman si Dale. hahaha .

Tumunog naman yung phone ko at pagtingin ko ay text nila Papa na nagsasabing mauuna na raw sila. Hindi na raw sila nakapasok sa backstage dahil pinagbabawal daw ang mga hindi kasama sa show . Swerte ko pa rin talaga dahil may pamilya kong handang sumuporta sakin kahit na mga lalaki pa sila at wala silang interest sa mga gowns , pumunta pa rin sila. I love my family so much. (T_T). Kung buhay pa siguro si Mama, proud rin kaya siya sakin ?

" Pack up na guys! Magdidinner tayo sa restaurant nila Montefalco ! I'm sure mga gutom na tayo! " - Sigaw ni Bea.

Natatawa lang ako kasi mabilis pa sa kabayo nag-pack up ang mga model . Haha . Ginutom rin sila . It's been a long day. Nauna na silang lahat sa mga sasakyan at nagpaiwan naman kami ni Erick dahil bubuhatin niya yung mga malalaking salamin na ginamit namin. Sinamahan ko na rin siya para samahan siya since, walang may gustong magpaiwan.

" Doon mo nalang ilagay yan Rick, Kung bubuhatin mo lahat yan .. mapapagod ka. Wait hahanap ako ng utility .. " - suggest ko .

Lumabas ako at nagpalinga-linga para humanap ng utility .. hanggang sa muntik nako mapaupo dahil may nakabangga akong babae.

" Sorry p -- " - sambit ko habang itinaas ang ulo ko para makita siya.

Napatigil ako at natulala sa taong kaharap ko ngayon. Kumabog yung dibdib ko. Sobrang lakas. Rinig ko sa tainga ko yung tibok nito.

" It's okay dear.. " - sambit nito habang may pilyang ngiti sa kanyang labi.

Paano? Kailan pa? H-hindi kaya nagkita sila ni Dale? Ramdam ko yung panlalamig ng pawis ko. Hindi lang ako makapaniwala na kaharap ko ngayon yung ex-fiance ni Ekhaye .

Inabot niya sakin yung kanyang kamay na para bang nakikipagkilala at tiningnan ko lang yun. Hindi ko magawang kamayan siya .

" By the way.. I'm Sophia - - "

" Nica, andito ka lang pala e ! Nakahanap nako ng utility .. Okay na ! Tara na . Tinatawagan nako ni Bea, tayo nalang raw iniintay ng driver ni Montefalco. "

Napatingin ako sa direksyon ni Erick at tsaka binaling ulit yung atensyon ko kay Sophia . Naroon pa rin ang pilyang ngiti nito habang tumango lamang ako bilang excuse sa kanya tsaka tumakbo kay Erick.  Di nagbago yung tibok ng puso ko at parang nanghina nalang ako dahilan para mapakapit ako sa braso ni Erick.

The Cold Prince's Hired BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon