Nyx Point Of View
May pasok na ulit (^-^) . Sana maging masaya din tong araw na to, gaya ng araw ko kahapon. Kaso panira nga lang si demonyito, dahil tumawag-tawag nalang, tapos hindi ko naman naintindihan ang pinagsasabi nya.
Nagsusuklay nalang ako , at kailangan ko ng bumaba para kumain ng breakfast. Maaga ako nagising ngayon, dahil kumpleto ang tulog ko. (^_^). Pagbaba ko naabutan ko naman sila Papa at ang mga kuya kong, hinhintay ako .
" Tara kain na tayo ." - sabi ko sa kanila, sabay kuha na ng bacon tsaka kanin.
Magaganda ang mga mood namin ngayon, kaya naman. Nagkwentuhan kami, tungkol sa mga girlfriend girlfriend nila kuya ko. Grabe naman kasi, kung wala silang mga girlfriend. Kasi kung pagkaguluhan sila, akala mo wala ng bukas na darating.
" Thank you Papa, sa pagkain (^_^). Gusto ko sana magbaon eh." - sabi ko sabay ayos ko ng plato ko at uminom ng tubig.
Ngumiti naman si Papa at pumunta sa kusina. Aano kaya yun ?
" Oh eto, akala mo nakalimutan ko. Sige na alis na kayo.. baka ma-late late pa kayong apat."- sambit ni Papa.
Syempre, hanggang tenga nanaman ang ngiti ko. Kasi promise kung matitikman nyo ang mga pinapabaon sakin ni Papa, the best talaga. Kaya nga nung high school pa kami ng power rangers, lagi nilang inuubus ang lunch ko. T.T
" I love you Papa, alis na po kami ng 3 idiots. " - sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
Talagang kinalakihan ko na ang gantong ugali. Kaya kapag hindi ako nakakapagpaalam kay Papa ng ganto, parang kulang ang araw ko.
" Anung 3 idiots. Baka 1 idiot lang, ikaw lang. " - sabi ni Kuya.
Wahhhh! sila kaya yun. Hmmm, ang ganda ng panahon ngayon! (^_^) . Nag commute na kami ng mga kapatid ko at nag rerequest pa nga silang ihahatid nila ko sa classroom ko eh. Kaso , ayoko . Aaminin ko naman na natatakot ako sa mga bantang natatanggap ko ngayon, pero may guard naman kasi dun. hahaha.
" Babye mga Kuya !!!!" - sigaw ko habang kumakaway sa kanila Paalis.
Pagbaba ko, may sampung sundalo sa gate. Sheet of Paper, may martial law na ba ulit ? bakit diko alam ata yun. Nakakatakot naman, maski ata magtatapon ng basura sa harap ng gate, matatakot ih.
Pagpasok ko, yumuko sila sakin at nasa paligid ko silang lahat ? (O_O) . What the, ano ba to Joke?Sinubukan kong tumakbo pero tumakbo din sila na sumusunod sakin.
" WAHHHHH! "- sabi ko sabay harap sa kanila.
Diretso pa rin ang tindig nila.Ano ba kasing meronnnn!Pinagtitinginan na nga ako ng mga students dito eh, muka kasi akong engot. (=_=)
" Ano bang kailangan nyo mga Mamang sundalo ? "- tanung ko.
" Sabi po ni Young Master, bantayan at ilayo daw po namin kayo sa press at media. "- sabi nung isa.
P-pero, paano nya nalaman ? kasi diba ? kung nagpadala na sya dito ng mga sundalo it means alam nya ng may nagbabanta sa buhay ko. Oh di kaya para sa kanilang mayayaman, common sense na lang na dadagsain talaga ng media ang mga taong related sa kanila.
" Sabihin nyo sa Young Master nyo, hindi ko kailangan ng sundalo. Sige na alis na ! " - sabi ko sa kanila.
Ayoko kasi talagang binabantayan ako. Para akong may gagawing masama anytime, hay nako. Hindi pa din umalis ang mga sundalo & they still standing up beside ,in front , at my back.
Kailangan kong tawagan si demonyito, ayoko ng gantong set up . (><)
*Ringggggggggggg
[ Speaking. ]