Chapter 46

5.6K 110 12
                                    

a.N 

Sorry po sa bad wordsss!

Nyx Point Of View

 *Knock -knock -knock

(=_____________=) Kanina pako kumakatok dito sa kwarto nya , pero wala pa ring sumasagot. Hindi ko tuloy alam kung umuwi ba ito kahapon o hindi. Kasi kahapon ng umaga, nagising ako sa sofa. Hinanap ko siya , pero wala. Hinintay ko pa nga din siya kagabi pero nakatulog nanaman ako sa sofa. Hay naku ! Bahala na nga siya, kailangan ko na ding pumasok. Kailangan ko naman asikasuhin ang pag-aaral ko. 

Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko pati yung catalog na ipapasa namin ngayon. (^_^) . Grabe, feeling ko ang ganda-ganda ng mga designs ko !Syempre gawa ko eh ! Pagkakuha ko ng mga gamit ko, bumaba nako agad. Ni-lock ko yung mga pinto at saka lumabas. Sakto namang nakaparada na yung sasakyan ni Riley sa gate . Wow ? Hatid sundo bako ngayon ?  Makakalibre ako ng pamasahe. 

" GOOD MORNING RILEYYY! " (^v^)

" You look happy . Tara sakay na baka ma-late pa tayo nyan . "

Sumakay naman ako agad sa passenger's seat . Ang bango ata ng kotse ni Riley ngayon ! Ang banguuuuu! ~~~ 

" Ang bango naman ng kotse mooo Ry ! Anung ginawa mo dito hah ! "

Ngumiti naman siya at nagsimula ng paandarin yung sasakyan nya. Kung sinundo nya ako ngayon, hindi kaya sinundo nya rin ako kahapon ng umaga . Naku wag naman sana ! Nakokonsensya ako , kasi ang aga namin umalis diba ni Ekhaye tapos hindi ko siya natext. Bakit kasi hanggang ngayon hindi binabalik yung phone ko ! Naknang butete. (~___~)

" Ry, wala akong cellphone kaya, hindi kita nakakausap . "

" Wala ba ? kaya pala, text ako ng text sa number mo.. may nagrereply. "

Sarkastiko nyang sabi yan ! Kaso, may nagrereply daw? Imposible naman yun kasi naka-off yon ! Tekaaaaaaa, h-hindi kaya binuksan yun ni Ekhaye ! Tapos nagbasa sya ng mga text don ? Hala akong bata ! Kaya pala ayaw ibalik sakin yun.

" A-ano ba sabi mo ? " (>....>)

Wala naman sigurong sinabing masama si Ekhaye kay Riley o kung anu man. Kinakabahan nanaman ako !

" Nag- i love you akoo.. pambihira ka Nyx ! , akalain mong nireplayan moko ng 'unggoy mo' "

(O____O) . Shems ! Sinasabi na nga ba eh ! Pero nagiging ayos na kami ni Ekhaye ngayon. At day by day mas lalong tumitindi yung nararamdaman ko para sa kanya . Dapat siguro i-busted ko na si Riley. Ayoko naman kasing paasahin siya sa wala. Tumingin ako sa tabi ko, gwapo si Riley tapos mabait pa. Mas deserve nya yung best ! *Sigh* Parang ang hirap. Pero ayoko din naman to patagalin ! 

" Ry. . . "

" Hmm ? " 

Dapat sabihin mo na Nyx ! Kasi kahit saang anggulo mo sabihin at tingnan masasaktan at masasaktan ko siya. Kaso, bakit ba kasi binigyan ko siya ng chance kung babawiin ko din naman yun !Naiinis ako sa sarili ko! 

" Riley, tumigil kana sa panliligaw. "

Winkkk ! Bigla nyang naipreno ang sasakyan dahilan para medyo sumubsub ako sa harap. Buti nalang naka-seatbelt ako. Alam kong masakit to. Nakita kong unti-unting bumabaon yung mga daliri nya mula sa pagkakahawak sa manibela. 

Feeling ko maiiyak nanaman ako. Hindi ko talaga kayang manakit, hindi ko kayang manakit ng damdamin ng iba. 

" Okay lang .. mukang wala talaga akong pag-asa. Haha . But expect me to stay with you hanggang hindi pa kayo ayos ng taong mahal mo.. "

The Cold Prince's Hired BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon