Nyx Point Of View
"Papa.." sambit ko.
Pagkagising na pagkagising ko naghahanap na agad ako ng empanada. Pero correction lang di po ako buntis. (>.<) dahil kung si Cervantez lang din naman ang ama, wag na lang noh ? Over my dead beautiful and sexy body.
"Hmm ? . . "- sagot nya.
Nandito kasi kami ngayon sa Sala. Nasa kanan ko si Papa at Kuya tapos na sa kaliwa ko si Diko at Sanco. Busy kaming lahat sa panunuod.
" Gusto ko ng isaw. ."-sabi ko.
Oh diba ? Isa talaga akong foodophile. Ang bilis magbago ng mga taste buds ko. Well, kaya din siguro ko ganto dahil sa stress.
" Saan naman kami hahanap nun Nyx ?"- sabat ni Diko. Aba't kasalanan ko ba kung gusto ko ng isaw.
" Bakit dika sa asawa mo magpahanap nyan ?" - sabat naman ni Sanco.
Lagi nilang tinatawag na aswa ko si Cervantez kahit naman hindi pa kami kasal. (=_=). Hindi din naman kasi nila ko pinipilit magpakasal dahil sabi ko sa kanila 1 week palang akong buntis.Tsaka ako si Danica Salvador ? papayag na magpabuntis tapos iiwan ng lalaki ? HAHAHAHA, NEVER.
"Kailan ba ang kasal ?" - out of nowhere na seryosong sabi ni Kuya.
Wahhh! Sana alam ko ang sagot kasi kahit ako hindi ko alam ang mga planong tumatakbo sa utak ng gorilla kong boss.
" Excited lang kuya ?" - sarcastic kong sagot.
Hanggat madadaan ko sa biro ang mga tanong nila, gagawin ko. Kasi baka kapag nagsalita ako, magkandaloko-loko na ang plano !
" Tumigil nga kayo.. Inaaway nyo nananaman ang princess natin, konting panahon na lang , mawawala na sya."
Gusto kong maiyak sa mga pinagsasabi ni Papa, kasi naman eh ! Hindi naman talaga ako papakasal. Joki-joki lang kaya ang lahat ng to.
" Huhuhuhhu! Papa, kailangan ko nabang maiyak ?" - biro kong sabi.
Alam nyo kasi, hindi pako naipapakilala ng lalaking yon sa mga parents nya. Dahil noong party, wala pala parents nya dahil nag out of country. Since heir si Unico Hijo ng company nila, kaya sya ang representative ng Mommy at Daddy nya ! Oha ? At sa media lang pala ako ipinakilala. UGH! Naalala ko nanaman yung.. yung... ! Ewan. (> / // / / <). So iyon nga, nagkalat ang mukha ko ngayon everywhere.
*Kringggggggggggggggggggggggg
*Kringgggggggggggggggggggggg
*Kringgggggggggggggggggggggg
*Kringggggggggggggggggggggg
Nagulat kaming lahat dahil ang lahat ng phones at telephone namin tumutunog na naman !
Sigh. Since noong party, lagi ng ganto ang sitwasyong namin. Nakakatanggap ako ng mga death threats at higit sa lahat yung iba tinatawagan pa ko. Pati nga facebook ko, tadtad ng wallpost at mga msgs na puro paninira. Grabe talaga ang Charisma ni Cervantez sa mga babae. Tsk.
"Hay nako Pa. Kung pwedi lang gupitin ko lahat ng communication natin with other people, matagal ko ng ginawa. Kazar ! " - inis kong sabi.
"Don't stress your self, Too bad for you. " - sabi ni Kuya.
Tumango naman ang mga katabi ko.
" You should ask some protection from you husband, since you're experiencing like this. " - suggest ni Diko.
"Nandito naman kayoi diba ?" tanong ko although alam ko namang hindi sila laging andyan sa tabi ko. Pero mas gusto ko naman na umuwi nalang mag-isa kesa bantayan pako ng isang lalaking magmimitsa pa ng buhay ko. Huhuhu