Chapter 51

3.5K 94 32
                                    




Danica's Point of View💖💖💖

Uhmmm.

Sakit sa dibdib, parang hindi ako makahinga. Pagdilat ng mga mata ko, hindi ko alam kung bakit pero naitulak ko si Dale sa kama. Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi kaya wala ako magawa kundi umiyak. Napahawak ako sa leeg ko at naalala ko nanaman yung nangyari kagabi.

Wala, diko talaga mapigilang umiyak.

"Sakit . sshh, stop crying .. "

Tinanggal ko yung mga kamay ko sa mukha ko at nakita ko syang nakalong sleeves pa rin. Mukhang hindi pa siya nagpapalit ng damit dahil galing sa office.

"B-bakit g-ganyan p-pa rin *sob* suot mo *sob*.. ?"

"Do you think, maiiwan pa kita mag-isa .. pagkatapos ng nangyari sayo. Tch. "

Nagulat ako sa sinabi niya at nakita ko sa mata niya yung lungkot na may halong galit. Ngayon ko lang nakita yung ganyang kaamong mukha niya.

Tumayo siya at humiga ulit sa tabi ko. Habang ako nakaupo sa kama.

"Come here.. You need to rest. It was still 3:30 AM in the morning. Maaga pa."

Inihaga niya ako at niyakap pero di talaga maalis sa isip ko yung nangyari kaya wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak simula nung nagising ako. Hindi ko kasi maisip na mangyayari sa akin yun. Kahit na hindi umabot ng dibdib ko, isa yun sa katakot-takot na nangyari sa akin. *sob*..

Hindi nagsasalita si Dale pero sa bawat hagulgol ko. Ramdam ko yung paghigpit ng yakap niya.

---------------























Ilang araw akong nanatiling tulala at iyak ng iyak tuwing gabi. Hindi ko alam pero yun lang yung nangyari sa akin pero nagsuffer talaga ako sa depression. Dinadala ako ni Dale sa Psychologist every other day. Kahit siya nakikita ko ng nagkakasakit dahil sa puyat at kababantay sa akin.

Ngayon medyo nakakarecover na ako. Ngayon ko rin narerealize yung effort sa akin ni Dale. Hindi pala talaga nakikita sa words ang pagmamahal ng isang tao. Lalong lumalim yung pagmamahalan namin sa isa't isa dahil sa lagi nga kaming magkasama.

Yun nga lang, heto ako naka-saklay dahil sa masamang bagsak ko nung gabing yon. Kaya kapag bumababa ako sa hagdan, hindi pweding hindi ako bubuhatin ni Dale. >_<

"We're here babe.."

"Ay oo nga no? Ang bilis ah hehe. "

Babe, babe, babe na ang tawag niya sakin. Nandito na pala kami sa school. Kinalas niya yung seatbelt ko at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya. Napahawak ako sa kanya , saka niya ibinigay yung saklay ko. Habang siya dala-dala niya yung bag ko.

" I hope we are not late .. "

Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti. Syempre. Yung mga tingin na matatalim ng mga babae dito ganun pa rin . Wala kong ligtas. Yung iba naman nagsisigawan .

" DANICAAAAAAAAAAAAAAAA!!!! "

Pagkarating namin ng room. Ayun , power rangers attack ! Yung mga bestfriends kong kanina pa raw ako iniintay.

" Kamusta kana? okay kaba ! Magkwento ka nga ! anong nangyari ! "

" Nagpunta kami , pero na-late na kami, pulis nalang yung naabutan namin!"

" Nakauwi na raw kayo nila tito. !!"

" Dali Girl ! "

Sa ngayon, hindi nila ko mapapakwento. Ayokong ikwento at ayoko ring pag-usapan pa yung nangyari na yun.

" Babe , Call or text me if you need me. "

(> / / / / / / / / // / / <)

Pagkasabi niya nyan, hinalikan niya ko sa noo.. dahilan para mag-ingay ang buong classroom. Tumango nalang ako as a sign of yes at lumabas na siya .

Lagi niya akong hinihintay simula nung nangyari yon. Hinihintay niya ko maghapon hanggang sa mayari yung klase ko. Minsan naabutan ko siya sa library at tulog na tulog dahil sa puyat. Masama pa noon, kahit tulog pagkagwapo gwapo pa rin (T________________T) kaya yung mga babae , nakapalibot sa kanya at pinagmamasdan siya. (-___________________-) . Kainis.





-----------------------------------------------

" See you next meeting class . Get ready for our field trip okay. "

" OKAYYYYYYY MA'AMMM! "

It is 5:00pm . Agad akong nagpaalam sa power rangers at iyon niyakap nila kong lahat. Sinabihan ko na rin silang lahat na mag-ingat kasi ayoko matulad sila sa akin. Nagsimula akong maglakad palabas ng room ng may biglang tumabig ng saklay ko kaya napaupo ako.

"Ano ba yan, mag-ingat naman po kay - - - "..

diko natapos yung sinasabi ko dahil bigla akong sinabunutan nito. Sakit. Ano bang ginawa ko sa kanya at hindi ko rin naman siya kilala.

" Gusto kong i-remind sayo na .. kung akala mo mahal na mahal ka niyang si Ekhaye, doon ka nagkakamali . Just wait and be ready for the day na hinding hindi mo magugustuhan.."

"SIRA ULO KA PALANG BABAE KA ! TIGIL TIGILAN MO YANG BESTFRIEND KO DAHIL BAKA GUSTO MONG KALBUHIN KA NAMIN!"

Sinabunutan nila yung babaeng sumabunot sa akin . Yung power rangers pala.

" TANGGALIN MO NGA YANG KAMAY MO! I WILL MAKE SURE THAT THIS WILL BE REPORTED TO THE PRINCIPAL." - sigaw nung babae.

Kaya inawat ko na sila at tumakbo palayo yung babae. Grabe talaga tong mga bestfriends ko. Wala pa ring kupas ang tapang pero honestly , kinabahan rin ako sa sinabi nung babae. =(

Ano pabang pweding mangyari . =( panandalian lang ba tong kasiyahan ko kay Dale.








--------------------------------------------------------------

Pagkarating ko ng sasakyan , andoon na si Dale. Agad niya kong tinulungan.

" Why are you sad, what's the problem? "

" A-ah.. Wala naman .."

" Where do you want to go?"

" Ipapasyal moko ?" nanlaki yung mga mata ko.

" Yup. Sabihin mo lang . ."

" Gusto ko kumain ng Mcdo babe . . & then kain tayo sa tabing dagat. ^___^" - sagot ko.

" Okay then daan tayo sa drive thru .."

Ayun , dumaan kami sa drive thru at dinala niya ko sa isang Beach . Kami lang yung tao dito hindi ko alam kung bakit. Umupo kami sa buhanginan .. at kumain kami .. ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Hindi rin mainit dahil 6:00pm na kami nakarating at naabutan pa namin yung sunset.

" Sigh.. best feeling ever ." - bulong ko..

Nakatingin lang siya sa akin at this time, there was something about his eyes. Kumikinang to habang nakatingin sakin dahil na rin sa sinag ng araw.. at nung ngumiti pa siya.. I feel safe and completely happy.

" You are my home Danica.. "

nung narinig ko sa kanya yun, kita ko sa mga mata niya yung sayang hindi ko nakita sa kanya before pero ngayon ang amo amo ng mukha niya. Eto yung side niya na sa tingin ko hindi pa nakita ng iba.

The Cold Prince's Hired BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon