Nyx Point Of View
Ilang araw nakong hindi makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Hindi ko na alam gagawin namin, pati ang mga kuya ko tahimik lang sila lagi. What can I do . . wala akong pera, hindi sapat ang kita ni Kuya.
& Everytime I look at my papa, it breaks my heart na makita syang nakahiga at puno ng kung anu-anung nakasaksak sa katawan. Diyos ko, ano po ba ang dapat kong gawin.
Sa bawat pag-uwi ko sa bahay, lagi akong nalulungkot. Walang saya, kapag nagsasabi ako kay Papa ng I Love You, hindi na sya bumabalik. *sob* *sob* Ako at si Sangco nalang din ang natutulog sa bahay, kasi si Kuya at Diko, nagbabantay sa Hospital.
Andito nga pala ako sa kusina. Nakadukdok. Ewan ko ba, kung bakit sa kusina ang takbuhan ko. Dahil na rin siguro, nakikita ko ang pagiging ama ni Papa sa lugar na to.
" Nyx, umiiyak ka nanaman. " - sabi ni Sanco.
Andito na pala sya, *Sigh*.
" Eh *sob* Sanco *sob* Paano gagawin *sob* natin kay Papa *sob*. "
" Everything will be alright. Tumahan ka na nga . " - sabi ni Sanco.
Nakakalungkot, sobrang lungkot. Ano nalang gagawin namin kung wala na si Papa.
" Eh *sob* Saan *sob* tayo hahanap *sob* ng Isang Milyon *sob* " - sabi ko.
Nakaka-hopeless. Sobrang nakakawalang pag-asa. Isang Milyon, para sa operasyon ni Papa, paano na. Saan ako hahanap nun? Saan kami hahanap.
" Don't worry about it. Kami ang lalaki sa pamilyang to diba ? kaya keep calm ka lang dyan, matulog kana. Maaga kapang papasok bukas. " - sabi ni Sanco.
Tinulungan nya kong tumayo at pinaupo muna sa banko. Ni lock na din ni Sanco lahat ng pinto namin at tinanggal lahat ng saksakan ng appliances. Sinarado na rin nya ang mga bintana..Lagi kasi samin pinagbibilin ni Papa ang bahay nung malakas pa sya.
*sob* sob* . Okay na mawala ang lahat wag lang ang pamilyang to.
" Oh Tara na, umakyat na tayo. " - sabi ni Sanco.
Kinabukasan. .
Nagising ako ng maaga dahil na rin sa hindi ako makatulog ng mahimbing. Makakatulog ba ako ng mahimbing kung ganito ang sitwasyon ng pamilya ko. 5:00 o'clock pa lang. Hmm. Kapag gantong oras gising na si Papa, nagluluto ng breakfast namin.
*sob* AY NAKO! DANICA !, napaka-iyakin mo talaga. Wala ka ng alam gawin kundi umiyak ng umiyak. Alam mo namang hindi ka papabayaan ni God eh. Diba Papa God ?
Nag-suklay ako ng buhok at nag-ipit. Inayos ko na rin ang kama ko, siguro bababa muna ko at ako muna ang magluluto. . kahit napakamalas ko sa pagluluto (ToT). I will try my best Papa ! Pag gumaling kana, magaling na ko magluto.
Nung nasa hagdanan nako, naaninag ko na bukas na ang ilaw sa kusina. (O_o) . May moo-moo ba dito sa bahay ! Oh my God. Pero, dahil atapang atao ako, pumunta pa rin akong kusina.
"Sanco " - sambit ko.
Nagulat ako sa nakita ko, nagluluto si Sanco. Naka-apron pa sya .
" Gising kana pala Nyx eh, aga mo ata. " - sabi ni Sanco, habang nagfrifried ng bacon at ham .
" Eh , kasi Sanco. Magluluto sana ako, gaya ng ginagawa ni Papa eh. " - (*O*)
Alam ko naman nahihirapan sila Kuya ko ngayon, pero mukang para sa kanilang tatlo. Tuloy pa rin ang buhay naming magkakapatid. Well, hindi na ko nagtataka kasi, lagi samin pinapaalala ni Papa na kahit mawala na samin ang isa, ituloy pa rin ang buhay. Tsaka nakasanayan na rin kasi namin, gaya ng wala si Mama.