Nyx Point Of View
-_-
>_-
-_<
>_<
o_-
-_o
0_0
*Tingin sa Wall Clock*
Hala kang bata ka ? 6:00 o'clock na. Kailangan ko ng magprepare, dahil baka ma-late nako. (0_0). Ilang araw na kasi ako andito sa bahay NAMIN , kaso ilang gabi pa rin akong hindi nakakatulog ng maayos. Pero kailangan ko pa atang ipaghanda si Kamahalan ng pagkain.
Nag-ipit ako ng buhok at nagsuot ng bra . (=_=) . nakapanjama at nakasando lang kasi ako, mahirap na baka pagnasaan pako ni demonyits. Lol, joke.
Pagbaba ko, nagpunta nako agad ng kusina. Kailangan kong magluto at kumain na rin ng agahan.Hmm, ano kaya masarap iluto ? Kaso as if naman, may alam akong lutuin except sa hotdogs, itlog at mga bacons na binili ko last time na nag-grocery ako. (o_o)
Hanap-hanap, baka kung bumili naman ako ng corn beef o kaya mga canned goods, baka naman ihagis nanaman sakin nun ang pagkain. Noh ba yan ! kalalaking tao, pagka-arte arte sa pagkain. Bakla ata !
Hmm, siguro ipag-totoast ko na lang sya ng bread at ipagtitimpla ng gatas ba o kape ? (0_0) . Baka juice ang type nya ? Agh ! ang gulo talaga ng baklang yon .
Sa huli, nagbukas ako ng canned good na tuna at chaka nag-saing. Ako nalang siguro kakain ng agahan, tapos iiwanan ko na lang sya ng tinapay at gatas tapos pagtitimpla ko na rin ng kape at juice. Para may choices sya.
Sa ilang araw na itinagal ko dito sa bahay. Wala syang ginawa, kundi mag-uwi ng mga babae. Minsan ang mga undies ng babae, nagkalat sa sofa o di kaya sa hagdan. May times pa ngang, nagigising akong papaalis palang ang babae galing sa kwarto nya. (=_=)
WAHH ! Papa, yung inosente ko pong pag-iisip.
Pagkakain ko, umakyat nako agad sa kwarto ko para maligo. Kailangan ko ng umalis, dahil anong oras na din. Huuhuhuhu.
- - -
Pagkatapos ko, kinuha ko na agad ang bag ko. alam ko naman na kung saan ang daang papuntang school. Lagi nga lang akong naglalakad eh, papunta sa labas ng village. Tapos sa labas nako sumasakay ng taxi.
Ni-lock ko nalang ang pinto dahil may susi naman ako.
Habang naglalakad, naiisip ko yung power rangers. Tagal ko na din silang hindi nakikita. Minsan nga tinetext lang nila ko, sobrang tadtad. Hay naku yun mga yun talaga. Siguro dapat na din akong maghanap ng part time job, para atleast naiiwasan kong makita si baklang demonyets.
(*O*) Sa nakikita ko ngayon, nagagandahan talaga ako sa mga bahay dito. Ang super yaman naman kasi ng mga nakatira dito. Kaso, nakakalungkot, kasi karaniwan kang makakakita ng mga batang naglalaro, tapos kapag tinanung mo sila, wala daw ang mommy at daddy nila.
Nakakalungkot kasi yung ganun, alam nyu yun ? yung ang kalaro mo na lang Yaya mo, dahil ang mga magulang mo busy sa business. Tapos papagalitan kapa kapag nangulit ka.
" Good Morning Madam Cervantez. "- bati sakin ng guard na romoronda dito sa village.
Ngumiti nalang ako, kahit ayoko talagang tinatawag na MADAMMM CERVANTEZZZ ! Yuck ! Mukang pangmatanda, pati apilido ang panget ! Kadiri .
- - -
@School
Pagbaba ko ng sasakyan, nagkakagulo nanaman sa labas. Ang dami nanamang reporter . Grabe na talaga yung ganto. (=_=). Lahat sila nagtatanong kung kailan daw ang kasal namin ni Bakla.