Danica's Point of View
Grabe! ang init talaga ng panahon ngayon. Tulo ng tulo na yung pawis ko sa sobrang init. Wala eh, kailangan ko talaga mag linis ng bahay. Ang laki laki kasi tapos kami lang dalawa. T.T Ang masama pa niyan, dalawa na nga lang kaming tao dito sa Mansyon na to tapos dumudumi pa ng ganito. Puro alikabok. Haching tuloy ako ng Haching. HUHUHU!
Wala kasi si Ekhaye ngayun eh. Umalis siya dahil may aasikasuhin raw siya sa Office. HUHU. Miss ko na siya kaagad. Char . HAHAHA. Ano ba tong mga naiisip ko , siguro gutom lang to. Kanina pako naglilinis.
*Ringggggggg
Agad akong napatakbo sa may table para kunin yung phone ko at pagtingin ko hindi nga ako nagkamali. Siya na yung tumatawag hihihi . YES! bawi lahat ng pagod ko.
"Hello?"
"Hey, what are you doing there?"
Grabe, tumawag siya tapos bigla kong nalungkot kasi yung pagkakasabi niyan, napaka-casual lang.
"Ah wala naman naglilinis lang ng bahay. Ikaw ba?"
"Oh i see . Sige . "
TOOOOT-
Pagkatapos niyang sabihin yan, end call na kaagad. Ang cold nya pa rin talaga, sa tingin ko talaga hindi siya expressive pagdating sa babae. Pero baka sa akin lang siya ganyan pero sa fiance niya dapat hindi talaga :( Sigh. Sweet sweet pa nila dati . . erase erase erase. Until now magulo pa rin yung samin.
Wag ko na nga lang isipin. Kainis.Parang ako tuloy yung nang-agaw. Minsan nakokonsensya na lang talaga ko. :(
--------------------------------------------------------
7:30 pm
8:30 pm
9:30 pm
10:30 pm
11:30 pm
12:30 pm
12:30 na wala pa rin siya. Walang texts walang calls . Nag-aalala na rin ako. Hindi ko alam kung nasaan na ba siya o ano na ang nangyari sa kanya. Ganun ba siya ka-busy para di man lang niya maalala na tawagan man lang ako or tanungin kung kumain na ba ako. Naiiyak nalang tuloy ako, ka-lungkot lungkot naman kasi talaga dito sa bahay na to. Ang laki-laki nga, hindi mo naman masasabing tahanan. Miss ko tuloy yung mga kapatid ko pati si Papa . Kapag ganito, nagmimidnight snacks kami. Ngayon, magmidnight snacks man ako, hindi rin ako magiging masaya kasi ako lang mag-isa.
Nakakabingi pa yung katahimikan. Sigh. Wala tuloy akong ginawa kundi mag facebook , wifi dito sa kwarto ko. Medyo inaantok na nga rin ako eh. Ayoko na rin bumaba kasi natatakot ako kaya maaga ko rin ni-lock yung pinto dahil alam ko namang may susi siya.
Pinatay ko na rin lahat ng ilaw sa baba kasi malakas sa kuryente. Tipid tipid rin naman minsan. Haha. Para kahit hindi pa kami kasal wais na ako . Lol.
Maya-maya pa.
"AY PALAKA!"
Lumakas yung kabog ng dibdib ko dahil namatay yung ilaw sa kwarto ko. *Dug dug dug dug*.Halos nabibingi ako lalo sa katahimikan. Alam kong takot ako sa multo pero sinong magpapatay ng ilaw ko dito kung katabi ko yung switch ng ilaw. Gusto kong maiyak sa takot pero di ako pweding mataranta.