Nyx Point Of View
Since, masyado ng hot ang atmosphere dito sa sala. Hinatak ko na agad si Cervantez. Yeesh ! Ang laki nanamang gulo nito. Bakit ganun, ang dami daming mga kalokohan ang alam ng taong to. (>.<)
Kinaladkad ko sya, paakyat ng kwarto. Hindi ko alam kung baki tsa kwarto ko, pero doon kasi ako comfortable makipag-usap sa mokong na to. Sinarado ko na agad ang pinto, para hindi makita o marinig nila Papa, ang gagawin ko dito.
" AGHH ! baliw kana ba ?? nakita mo ba itsura nila . . paktay ako. Pahamak ka ih !" - sigaw ko.
Sya ? eto nasa harap ko, emotionless nanaman ang mukha. Walang improvement.
" Tss . I have my own reasons ."
So yun lang ? He have his own fvcking reason ? and he is not bother to explain it to me. Hindi to pwedi, kailangan bawiin nya yon ! Kailangan bawiin nyaaa. ><
" Own REASONS ? anong gagawin ko ngayon ?, tingnan mo si Papa, sila kuya.. Parang nakakita ng multo. na one day susulpot ka dito sa bahay namin tapos sasabihin mong buntis ako ? "
Kayo man , sa inyo gawin yun. UGH ! weird na nga ang trabahong napasukan ko, tapos ganito pa ba ka-weird ang mga palusot namin. (=___=). Ay nako . .
" Tss. It's fvcking obvious . "
Tss, kailangan ko nga malaman, kasi baka mamaya sya bahala ako kawawa saming dalawa.
" errrr ! Anong gagawin natin ngayon ?"
He just look at me. So anu nalang gagawin namin dito, magtititigan ? The hell Cervantez.. (=__=). You always win messing my day.
" Lets go downstairs. "
So ayun, ang loko nauna pang bumaba sakin. Ako eto, still not functioning well ang utak ko, shocks. Anong gagawin ko ngayon, dapat bang mag-panic nako ? o panindigan ko na dahil trabaho ko to. (=__=)
Okay sige, iisipin ko na lang, kung hindi dahil sa kanya, hindi maooperahan si Papa. Dahil kapag nalimutan ko yung reason na yun, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, majombag ko tong lalaking nasa harap ko.
Tuloy-tuloy lang siya sa sala, kung san nakaupo sila Kuya at Papa ng seryoso.
Okay sige, kaya ko to. Papanindigan ko na tong pinagsasabi ng sira ulong lalaking to.Alam nyo kasi, diring-diri ako na makita ang sarili kong mainlove, hindi ko nga halos ma-imagine na nagsasabi ako ng mga korning tawagan at love lines. Yuck ! , kasi family girl talaga ako, at ayokong magselos ang mga lalaki ng buhay ko.
Naupo siya ulit sa kanina nyang inuupuan. At ako ? ayun, umupo din ako sa tabi nya.
*Hinga Malalim*
"Papa, Kuya, Diko at Sanco. May sasabihin po ako sa inyo, sana po maunawaan nyo . Kasi Pa & mga kuya . . B-buntis po a-ako. N-ntatakot po kasi akong sabihin s-sainyo. "
YUCKKKKKKKKKK! Ako buntis ? kailan pako naging eskandalosa ?. (=__=). Wala pa nga sa isip ko ang mga love love na yan eh. Sorry Papa, kung kailangan kong magsinungaling, kasi naman. Ganito kita kamahal eh.
" Anak, kailan pa ? " - sabi ni Papa.
Yung tatlo kong kuya, gusto kong tumawa ng malakas sa mga muka nila. . Hahaha, kaso hindi nakakatawa para sakin tong sitwasyon ko ngayon.
" 1 Week na p-po Pa, sorry Papa. Sorry. " - sabi ko.
Naiiyak ako ng konti, hindi dahil sa buntis ako, kundi dahil sa pagsisinungaling na ginagawa ko. Hmm, hirap din talaga noh ? kpg nagsisinungaling ka sa taong mahal mo.
" Tahan na.. buntis kana pala, tapos i-strestress mo pa ang sarili mo. " - mahinahon na sabi ni Papa.
WAHHh, love talaga ako ni Papa. (♥_♥)
" Hindi mo sinasabi samin Nyx, edi sana hindi ka na namin inaasar. "- sabi ni Sanco.
" May pamangkin na pala ako eh.. "- sabi ni Diko.
" Paano pag-aaral mo ? " - sabi ni Kuya.
Napatigil at napatingin kami lahat kay Kuya. Seryoso talaga, Alam nyo, hanggang kailan ako magpapanggap na buntis ? , Yung tummy ko pweding dayain, pero yung baby ? san kami kukuha nun ?. . (><). Paano kung one day, pumunta ng school ang mga kuya ko tas nakita nila, hindi pala ko buntis.
Ano ba naman kasi tong pinasok mo, Cervantez. Alam mo ba ang ginagawa mo..Ako ang kawawa eh, alam mo bayun .. ?
" Sige na, umakyat kana muna Danica. Mag-uusap muna kami nitong asawa mo.. " - seryosong sabi ni Papa.
Ew Papa? asawa ? talaga lang hah ? (=__=)
Umakyat nako, doon muna ko. Tatawagan ko sana ang power rangers pero hindi nga pala nila alam ang tungkol dito. Tsk.Tsk. Nagiging masikreto ako ngayon aa.
Pagpasok ko ng kwarto ko, ayun hilata ako agad sa kama ko. Sumasakit kasi ang ulo ko sa mga nangyayari, paano kapag nagkaproblema , sino pwedi kong lapitan. WALA, kasi masikreto ako. (=__=)
" Ay nako Danica, wala ng atrasan to. "
Nakakapagod din pala pag ganito, pag laging nag-iisip. bakit kasi may isip pako.. Ano kaya pinag-uusapan nila ? Hmm, wag naman sana kung anu-anu ang pinagsasabi ni Cervantez, baka mamaya mapaatras nako kaagad. HAYYYYY !
Wala naman akong lahing chismosa kaya dito muna ko. Mag-iisip kung anu muna ang susunod kong dapat gawin sa buhay ko.
1 Hour
2 Hours
30 Minutes
" NYXXXX, bumaba kana dito. " - sigaw ni KUYA
WAHHH! pwedi nakong bumaba, ang tagal tagal ko dito. (=__=). Ayun, kumaripas nako ng baba, dahil super duper excited nako malaman kung anu ang pinagsasabi ng lalaking sira ulo. Huhuhu.
" PAPAAAAAA ! , ano po pinag-usapan nyo ?"- tanung ko.
" Naku , wag ka ngang tumatakbo bata ka . . paano ang apo ko. " - sabi ni Papa,
EWW. Papa, ayokong magkaroon pa ng anak. (=_=). tiningnan ko naman si Cervantez, at ayun. Nakatingin lang sakin.
" Sit down. Don't ever do that again. " - Cervantez.
Agad naman nyang kinuha ang kamay ko at inalalayan umupo. (><). Hindi ko sinabing kinikilig ako hah. Hindi ko sinabi. Hindi.
" Napag-usapan na namin, ang kasal nyo. ipapakilala ka muna nya sa parents nya. Tsaka mamanhikan. "- Sabi ni Papa.
WAHHHH. Kasal ? agad agad ?
" Basta kayo na mag-usap dalawa. Kayo naman ang magiging mag-asawa." - sabi ni Kuya.
Ay nakooo. Hindi ko alam ? ano kaya susunod na mangyayari ? ang daming palusot na alam ng lalaking sira ulong to. Puro mga palusot na ikapapahamak ko. Sheet of Paper nga naman oh. (TOT)