Chapter 2 (Uneasy)

14.1K 408 36
                                    


Sawadee ka ^_^ (Hello in Thai)
Thank you po sa nagbabasa kung meron man especially sa nag first comment sa aking first update. First story ko po ito so please do bear with my typos,grammatical errors and etc. Refresh nyo po pag maikli lang yung nabasa nyo,na cut po kasi sya. Remove to your library then add ulit. Kamsahamnida! I hope I can reach your expectation on this lame novel of mine,but i do promise that I will do and give my very best. Sana may sumuporta.:)

Enjoy Reading!

Uneasy

Nang mahanap ko ang aking classroom agad akong pumasok. Napawi ang ngiti ko sa labi nang mapanghusgang mga tingin ang agad na sumalubong sa akin. Napayuko nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Isang pamilyar na grupo ang agad na napansin ng aking mata. Nagtatawanan sila at nagbubulungan,pero yung Third, tahimik lang sa may gilid,at nang magtama ang mata namin,ngumisi lang sya. Nakakainis talaga! Di ko talaga makakalimutan ang ginawa nya sakin kanina!

"Dito kana umupo." sabi nung isa sa mga kaibigan nya. Kumunot ang aking noo.

"Sige na. Wala nang ibang chair oh. Don't worry di naman kami nangangagat." Dag'dag pa nya.

"Oo nga. Tsaka yung kanina. Pasensya kana dun,ganun talaga kami mag welcome nang mga bagong student. Diba mga brod?" singit pa nung isa,sabay nag apiran sila at tumango-tango. Yung Third naman,tahimik lang ulit.

At dahil wala na akong ibang maupuan,umupo narin ako dun. Sa unahan ni Third.

Siguro nga ganun lang talaga sila mag welcome ng new student dito?

Dumating yung Teacher naming parang beki yata?

"Okay Class diba may bago kayong ka'klase? Andito naba sya?" biglang sabi nung prof namin,bakla nga talaga. Halata sa kilos at pananalita eh.

Alam kong ako ang tinutukoy niya. Ako lang naman kasi talaga ang bago dito dahil transferee ako. August na pero ngayon lang ako nag aral dito.

Nag-aral naman ako dati,lumipat kasi kami ng bahay kaya napalipat din ako dito sa school na to sa kalagitnaan na ng klase.

"Miss Sarina Andrienne Mendez? Can you come here infront. Please introduce yourself." sabi pa ni Sir.

Ayaw ko sana pero wala akong nagawa. Baka isipin pa nila ang arte ko. Nakayuko akong tumayo,inayos ko yung glasses ko at pumunta nang harapan. Habang naglalakad ako. Nagtatawanan sila at nagbubulungan.

Lalo na yung mga lalaki sa aking likuran. Ano ba ang problema nila?

"Hoy Miss Nerdy Transferee! Di ba uso Napkin sa'yo ha! Hahaha." biglang may sumigaw sabay tawa ng malakas.

Huh? Anong Napkin?

"Ahh.. Miss Mendez, you can go to the confort room now. I think you need to, you know..Clean up? I guess?" biglang sabi nung bakla naming prof at tsaka tumawa din sya.

Huh? Ano bang pinag sasabi nila?

"P-po?" litong tanong ko.

"May tagos ka Miss. Mendez." sabi ni Sir at tinuro pa yung palda ko sa likod. Napatingin ako dito.

And....what the! Ano to?! Wala naman ako ngayon ah! Kakatapos ko lang!

Para akong pinag sakluban ng langit at lupa sa sobrang hiya! Puti pa naman yung suot ko kaya sobrang kita sya. Argh!

Tumingin ako sa paligid lahat sila tumatawa. Pero mas nangingibabaw yung tawa nung tatlong lalaki sa may likuran. Si Third naka smirk lang sya.

Oh My God! This is not happening right?

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon