Chapter 10(Project Partner)

5.8K 234 9
                                    


Chapter 10

Project Partner

Hay..ano ba naman 'to. Gusto ko syang lapitan at kausapin tungkol dun sa project na pinapagawa ni Mr. Smith pero..ugh!

Hapon na. Malapit ng matapos ang last afternoon cLass namin pero di ko parin sya natatanong tungkol dun.

Aish! Ano ng gagawin ko? Di ako pweding bumagsak sa subject ni Sir.

Tatayo na sana ako at lalapitan sya ng biglang mag dismissed naman yung last prof namin at naglabasan na ang lahat.. waah..paano na to ngayOn?

Kaya agad ko ding inayos ang mga gamit ko at tsaka dali-daling lumabas. Hinanap agad sya ng mga mata ko pero ang bilis naman nyang nawala. Aish! Sarina! Yan kasi napapala mo eh. Sa susunod makinig kana ha! Tsk!

Takbo na ako ng takbo. Pansin ko nga takbo ako ng takbo ngayong araw..Aish!

Marahil nasa parking na sya. Kaya agad din na pumunta ako duon.

"San banda nga naka park yung kotse nya?" kausap ko pa sa sarili ko at parang Carnapper kung kumilos dito sa parking.

Naalala ko kasi nung unang araw ko, dito yun..kaso iba-iba kasi kotse ng mokong na yun kaya di ko alam kung saan ang kanya dito...

"What are you doing?" Halos mapatalon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses  sa aking likuran. Kasabay din ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. At alam kong sya lang naman talaga ang nakakagawa nito..He can make my heart beats fast and slow at the same time ..aish! Anebeyen..Sarina..Na nanaginip kana naman ng gising!

Agad na tumalikod ako. Seryusong mukha ni Third ang bumungad sa akin. Tumikhim ako.

"A-ah..yung sa ano kasi.." Sarina umayos ka nga!

"What?" seryuso parin ang kanyang boses.

"Y-yung..p-project. Ahh..di ko kasi narinig yung sinabi ni Mr.Smi--

"Get in." sabi nya at sumakay na sya sa itim na kotseng nakaparada malapit sa kinatatayuan namin.

Huh?

Tiningnan ko lang sya ng buhayin na nya ang makina ng kotse at ibaba nya yung bintana nito.

"Are you deaf? I said get in." may pagka irita sa boses nya.

Pero..

"T-teka..yung project lang naman kasi yung--

"I will tell you later." sabi nya ng nakatingin lang sa harap.

Napatingin ako sa paligid ko.halos lahat nakatingin na naman sakin? Aish!

"Dont mind them. Just get in the car now before i will get pissed." sabi nya uLit ng di parin nakatingin sakin. So,di pa pala sya pissed sa lagay nyang yan? Psh..l

"P-pero kasi...

"Ano sasakay kaba o aalis na ako at di mo na malalaman yung tungkol dun sa project!" nagulat ako ng dere-deretso syang magtagalog.Malamang inis na inis na nga to sakin ngayon! At mas lalong nagulat ako ng akmang paandarin na nya yung kotse kaya napahabol ako.

"T-teka. Huy! Ano ba. Ito nga oh. Sasakay na." sabi ko at umikot sa kabila at sumakay na agad dahil pinagtitinginan na po ako ng mga mapanghusgang estudyante ng K.A.

Haay. Swear! Issue na naman to bukas! Lalaking 'to kasi eh. Di nalang sabihin kong ano yung project! Tsk! At ang nakakainis pa..bakit sya pa kasi naging partner ko...huhu ang malas ko talaga!

Tahimik lang sya buong byahe. Kanina ko pa sya tinatanong tungkol dun sa project pero di po sya sumasagot. Haist! Nakakainis talaga ang unggoy na 'to.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon