Chapter 17 (Its Miranda Again!)

5.2K 275 21
                                    

Update dahil masaya si Micanah ^_^ Pasensyahan nyu na. Enjoy Reading

Chapter 17

Its Miranda Again!

Naglilinis na ako ngayon dito sa dining dahil tapos na daw kumain yung mga Amo namin. Di ko man lang sila nakita.

Napag alaman kong Comadrona pala si Miss. Alicia dito sa bahay nato. Sya yung nagtuturo at nagte'train ng mga bagong papasok na katulong. Sya din ang nag che'check kung tama at malinis ba yung ginagawa ng bawat isa.

Grabe. Ang higpit naman pala sa pamamahay na to.

Tumingin ako sa malaking orasan sa may kitchen. Its already 9:30pm.  Di ko pa din nakikilala yung ibang kasama ko dito sa bahay kasi bumaba na agad sila kanina matapos nilang linisin yung kanilang area.

Grave diba? May area'area talaga. Ang laki naman kasi talaga ng bahay na'to e.

Sabi ni Miss. Alicia,bumaba daw ako dun sa basement pag nag alas-10 na ng gabi.

Tapos ko ng linisin ang dining kaya pinatay ko na ang ilaw at dito naman ako sa kitchen ngayon para e-arrange at punasan ang mga nahugasan ng plato.

Hindi naman pala mahirap ang trabaho dito. Sobrang napaka dali lang.

Yumuko ako at inilagay na sa mga drawer yung mga mamahaling kutsara nila't tinidor. Pero pag angat ko ng ulo...

"Waahh..." sabay kaming napasigaw na dalawa.

"T-teka..waahh...a-anong--

"W-what the hell are you doing here?!" putol nya sa sasabihin ko.

"And what is that look?" Sabay tingin head to toe sakin.

" Dont tell me--

"Oo nagtatrabaho sya dito Young Master!" biglang sulpot naman ni Miss. Alicia.

"What?! is she out of her mind?!" di makapaniwala nyang sambit.

"So,magkakilala pala kayo ng batang 'to Young Master?" -tanong ni Miss. Alicia.

"Hindi."  -Ako.

"Oo."-Third.

Natampal nalang ako sa noo ko. Tsk.

"Sya ang bagong katulong na kapalit ni Norma,Young Master. Sarina, mag bigay galang ka sa anak ng ating amo. Siya si Young Master Third."

Tumingin ako kay Third at agad din akong nagsisi kong bakit tiningnan ko pa sya sa mata. Waah..nakakatakot! Ang sama ng tingin nya sakin.

Yumuko nalang agad ako at nag bow.

"M-magandang gabi po,Y-young M-master." kandautal kong sabi.

"Tss. You stupid!" narinig kong sabi nya at umalis na sa harapan namin ni Miss. Alicia.

"Sige na. Tapusin mo na ang iyong ginagawa at bumaba kana agad sa basement." -miss. Alicia sabay alis.

"Opo,Miss Alicia." sagot ko at bumalik na agad sa pagpupunas ng mga gamit pangkusina.

Aish!..bat ngayon ko lang naalalang dito pala nakatira si Third? Kaya naman pala sobrang napaka pamilyar ng lahat..

Waahh.. sa backgate kasi kami dumaan kanina ni Carley e kaya di ko agad na recognize yung buong bahay dahil sa sobrang laki din nito.

Waahh...nakakainis!

Pero,tingin ko naman sa laki ng bahay na'to di naman siguro kami magkakasubong pang ulit ni Third hindi ba?

Iniiwasan ko pa naman sya tapos ngayon,nakatira na kami sa iisang bubong?! Ugh! Pambihirang buhay oo.

Bakit dito pa?!

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon