Chapter 21 (His Warm Hug)

6.1K 320 49
                                    

Pasensyahan nyu na po. #Short UD

Chapter 21

His Warm Hug

Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako ngayon o hindi.

Sobrang sabog ako dahil di man lang ako nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip ng nangyari sa hospital sabayan mo pa ng nakaka tamlay na panahon,mukhang uulan pa yata..

Pero, Waahh..totoo ba talaga yun?

Alam na nya yung tungkol sa nararamdaman ko?

Para kasing di parin ako makapaniwalang,nag confess na nga talaga ako.

Ganito pala sa pakiramdam. Kakaiba at nakakapanibago.

Kagabi ko pa iniisip na ano kaya ang mga posibleng mangyari ngayong araw na'to? Alam ko namang kalat na sa K.A ang tungkol sa amin ni Third. Sabihin ba naman nya sa harap ng klase na girlfriend nya ako at nagdate kami kahapon kaya kami na-late. At heto nga mukhang totohanin na talaga ang lahat dahil sa nangyari din kagabi sa hospital.

Inangat ko ang aking paningin sa malaking eskwelahan sa harapan ko.

Kamikaze Academy

Alam kong sa pagtapak ko ngayon ng mga paa ko sa Campus na to ay haharapin ko ang lahat ng consequences na mangyayari ngayong araw. Baka nga di matatapos ang araw na'to ng wala akong matatamong pasa o sugat galing sa mga fangirls ni Third.

Napabuga nalang ako ng hangin at nagsimula ng maglakad papasok ng gate ng K.A. Bahala na! I need to face reality!

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may bigla nalang tumakip ng panyo sa mga mata ko sabay hawak sa magkabila kong braso. Waahh....ito na nga ba ang sinasabi ko e!!

"Ano ba!Bitawan nyo nga ako!" sigaw ko at nagpupumiglas. Narinig kong lalaki sila dahil napadaing ito ng sikuhin at sipain ko sila,pero di parin nila ako nabitawan.

Waahh..kung hindi fangirls ni Third 'to,sino sila?! Baka ito na yung mga nababalitaan kong kini-kidnap tapos ibibenta yung mga laman loob tapos-----waaahh..hindi!

Magtatapos pa ako ng college.
Ang dami ko pang pangarap.
Tsaka di ko pa nakikita mga magiging anak ko! Uwaahh..wag naman sana ganito! Dyos ko! T______T

Halos buhatin na nila ako dahil ayaw ko talagang sumama sa kanila. Waahh..ang lakakas nila e.

Hanggang napagod na ako at nagpatangay nalang sa kanila. Bahala na nga!

Ilang sandali pa ay binitawan na nila ako. Naku! Baka ito na yung hide out na pinagdalhan nila sakin. Yung mga nakikita ko sa TV na lumang warehouse mga ganun. Waahh..

Dahan dahan kong binaba yung nakatakip na panyo sa aking mga mata. Napakurap ako ng ilang beses ng liwanag ang unang nabungaran ko. Aish. Nakakasilaw tuloy.

Nang maging malinaw na ang aking paningin....

O____O

Ang daming flower petals na nagkalat sa paligid. May ibat-ibang heartshape balloons ang naka tali sa may mga halaman sa gilid.

A-ano 'to?

Maya-maya pay may isang malamyos na musika ang tumugtog. Kasabay nun ang isang pamilyar na boses. Teka..

Napa lingon ako sa aking likuran..

S-Si T-Third??!

May dala syang 3 long stemed Red Roses.

"To the girl who stole my heart,this song is for you." sabi nya sabay ngumiti sakin. Di ko namalayang marami na palang nanunuod samin dahil bigla nalang itong nagsigawan ng masimula na talagang kumanta si Third.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon