Chapter 37 (Hurting each Other)

4K 177 54
                                    

Request Granted! 2 updates in 1 day..Hope you enjoy reading. Kahit Lame. Hihi

                       

                                 Chapter 37
                     (Hurting Each Other 😢)
                    

Sarina's Pov

Napatakbo ako pagpasok ng K.A ng pagtingin ko sa relo ko ay 5 minutes nalang at male-late na ako. Takte! Ayaw pa naman ni Mr. Smith na may nale-late sa subject nya! Waahh...no excemption kasi talaga ang motto nun e. Kahit na may reason ka talaga kung ba't ka na-late di nya talaga e-aaccept.

Ang buhag hag kong buhok ay mas lalong bumuhag hag dahil sa sobrang pagtakbo ko. Kakaunti nalang din ang mga estudyante sa corridors and even sa field. Waahh..sorry naman. Di kasi tumunog yung alarm ko kanina e kaya na late ako ng gising..Tsk!

Mula dito sa Hallway malapit sa room namin ay nakikita ko nang naglalakad si Mr. Smith kaya agad na binilisan ko pa ang takbo ko para maunahan sya.

At salamat naman at may kinausap pa syang isang teacher na naka salubong nya kaya naka una pa ako sa kanya. Hihi

Pagpasok ko ay agad na sumalubong sakin ang lumilipad na libro. Tumama agad ito sa aking balikat kasabay ng malakas na tawanan ng iba ko pang mga kaklase.

Ouch Teh >.< Pinulot ko yung malaking libro na halos singkapal ng isang Websters Dictionary tsaka dahan dahang naglakad at binalik sa bumato nito.

Marahas naman nya itong hinablot sa kamay ko at sinamaan pa ako ng tingin.

Umupo na ako sa chair ko sapo yung natamaan kong balikat. Ang sakit din nun ah. Tsk.

"Sarina. Are you okay?" napalingon ako kay Andrea. May pag-aalala sa itsura nya. Ngumiti lang ako ng tipid at tumango sa kanya tsaka hinilot ng kunti yung balikat ko sa may dibdib ko banda. Oucheyy..>¤<

Pumasok si Mr. Smith at agad na huminto na yung tawanan ng klase. Nagsimula kaming mag lesson pero di ako makapag focus kasi kanina pa may bumabato sakin ng kung ano-ano. May sumisipa pa ang upuan ko tsaka may bigla nalang dadaaan sa likod ko at hinihila ang buhok ko.

Yung mga kaklase ko na pinag tatanggol ako dati na sina Jasmine,Casey at May ay ang sasama din ng tingin sakin. Ano bang problema? Hindi ko sila maintindihan. Hays.

Break time at ganun parin sila. Halos lahat ng madadaanan kong mga estudyante ay masasama ang tingin sakin. Hindi ko nalang din pina pansin at napapayuko nalang.  

Nagtataka nga din ako at di pumunta si Third ngayon sa classroom ko para sunduin ako ng lunch which is nakakapanibago. Di din sya nag text sakin simupa pa kaninang umaga. Excited pa naman ako pag gising ko kasi yung text nya agad ang una kong binabasa pero wala naman kanina.

Ano bang problema? Kinakabahan na tuloy ako.

Habang naglalakad papunta sa Canteen ay panay ang bulungan at masasamang tingin nila sakin. Ano ba to? Bumabalik na naman ba yung dati? Aish.

Kahit sa pagpasok ko ng Cafeteria ay ganun pa din. Hinanap ko ang Apat na kumag pero wala akong nakita ni isa sa kanila dito.

Nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad papasok kasi nagugutom na din ako.

"SHE'S HERE!" malakas na sigaw ng isang lalaki.

Napalingon naman halos lahat sakin at ilang sandali pa'y nagliparan na ang mga pagkain nila papunta sa dereksyun ko. Agad na sinangga ko ang mga ito ng mga kamay ko. Para di tumama sa mukha ko. Pati yata kutsara't tinidor ay binato na rin nila dahil may mga matitigas na bagay na tumatama sa katawan ko.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon