Chapter 39 (Annoying)

3.7K 155 54
                                    

Maagang Update dahil masaya si Micanah sa Feedbacks...Pasensyahan nyu na 'to. Enjoy Reading!

                                  Chapter 39
                                 (Annoying)

Sarina's Pov

Maaga akong pumasok ng school kasi nabalitaan ko kahapon na may practice daw ng basketball sina Third. Kaya kahit mamayang hapon pa yung Midterm exam namin ay pumasok talaga ako para ipag cheer si Bf ko. Kahit na di na nya ako nere-cognize na Gf nya..saklap! ;(

Pero kahit na pinagtatabuyan na nya ako at kahit ilang beses pa nya akong itulak palayo ay nakapag disisyun na akong ipaglalaban ko na tong nararamdaman ko para sa kanya..dahil sa totoo lang di ko na yata talaga kaya kung tuluyan syang mawala sakin.

Napag isip isip ko kasi kagabi na madami narin kaming napag daanan na dalawa,at sa simpleng chismis at kumakalat lang na picture na yun ay masisira kami? No way! Di ako papayag!

Kaya ngayon,heto at gumawa pa talaga ako ng Fan Sign Banner para lang sa kanya.

Dali-Dali na akong tumakbo ng marinig ko na ang sigawan ng mga dumalo din sa practice nila Third. Most of All ay mga babae at fangirls din ng bawat teams.

Pagka dating ko sa Stadium ay halos mapuno din ang mga bleachers. Wow! Grabe ah. Parang walang exam mamaya nuh?..andito yata lahat at wala man lang nag study..Psh..iba din talaga.

Sumiksik ako dun sa mga nagsisigawang mga babae na naka suot pa ng cheer Leader Costumes at may dala pang mga pom poms. Sosyal!

Grabe na ang sigawan ng mag simula na ang game. Ang daming sumisigaw sa Team nila Third na The Blue Dragons.

Goooo...Drew My Bae!

Gooo...Carl My Loves!

Gooo...Jake HoneyBunch!

Gooooo....Thirdyyy Baby!

Sinamaan ko nalang yung mga naka talikod na fangirls ni Third. Hmp! Kainis. Baby ko yan nuh! Tsk! Bumalik nalang ulit ang atensyun ko sa harap at nagsimula na ding mag Cheer.

Go Blue Dragons!

Go,go Blue Dragons!

Sigaw at Cheer ng mga fangirls ng Team Blue Dragons. Syempre sigaw din ako ng sigaw. Pero sinisigaw ko ay Go Bf! Go Bf! Sabay wagay way pa ng dala kong Fan Art Sign. Kahit mapaos pa ako ay okay Lang basta ma cheer ko sya. Hihi..halos di nga madidinig yung boses ko e kasi mag isa lang ako tapos ang dami nila. Kaya umakyat ako sa upuan para makita ako.

Sinita pa nga ako nung ibang nanunuood pero di ko na sila pinansin pa at nag cheer pa din kay Third.

Everytime makaka puntos ang Team BLue Dragon ay tudo sigawan ang mga fangirls at pati ako. Ang galing galing nga ng Baby Third ko e..palaging nakaka shoot..whoohoo.

Jake's Pov

Natapos ang 2nd quarter at 3rd quarter na. Nag patawag muna ng Time out kaya lumapit muna kami kay Coach sa may gilid ng bleachers. Lahat yata ng puntos ay palaging si Third nakaka kuha. Although sya naman yung Captain at inaasahan din talaga sya ng team pero parang defense nalang yata ang role namin dito e palagi kasing nasa kanya yung bola at di man lang pinapasa samin. Psh..madamot si Young Master ngayon..ewan ba!

Lamang na kami ng 5 puntos. 60/65. Everytime pupuntos ang team namin grabe ang sigawan ng mga fangirls . Wew. Iba talaga ang karisma ng isang Jake Takeru Hayashi..yun oh! (Wink)

Nag pito na ulit senyales na magsisimula na ang 3rd quarter. Kumindat muna ako sa aking mga taga hanga(chos ng Term) at ayun halos mag lupasay na sila sa kilig..pero may napansin ako sa itaas na winawagay-way ang isang pink na Cartolina na may naka sulat na...GO,BLUE DRAGONS! GO BOYFIE! GO 3rdyy Baby!!! Im your #1 Fan! With heart heart pa.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon