Chapter 1- Third warning!
Ako si Sarina Mendez.
Isa lang akong ordinaryong babae. Medyo kulot ang buhok na may bangs at di kahabaan. Lagi akong nakasuot ng sweater jacket,skirt at sneakers. Ganito lang talaga ang lagi kong ayos since wala pa naman akong uniform. May malaki din akong salamin na lagi kong suot.Hindi ko naman ito props, sadyang malabo lang talaga ang paningin ko.
Oo,isa akong nerd. Loner. O kung ano pa bang tawag sa isang babaeng ayaw makihalobilo o makipag-usap sa iba. Yung kontento lang silang laging mag-isa at gusto ng tahimik na buhay. Yung laging nagbabasa ng libro at kung ano-anong books.
Ito ang unang araw ko ngayon dito sa Kamikaze Academy. Isang marangya at halatang pang mayaman talaga na paaralan. Isang paaralang hindi nababagay sa isang tulad kong nerd. Pero wala akong choice. Kailangan ko ito kaya kailangan kong pumasok.
Dala ang aking bisiklita ay pumasok na ako ng school gate. Ito ang sinasakyan ko mula bahay hanggang dito sa school. Medyo malapit lang naman ang bahay namin dito sa school kaya nagbibisiklita lang ako.Hinarang pa nga ako nung gwardya, sabi nya saan daw ako pupunta,bawal daw pumasok ang outsider. Sabi ko naman,kuya estudyante po ako dito.
Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang paa na parang iniisip nyang nagpapantasya lang ako. Pinakita ko nalang sa kanya yung enrollment papers. Wala pa kasi akong ID dahil kaka-transfer ko lang.
Kaya ayun,di sya makapaniwala at pinapasok na ako. Parang napipilitan pa nga sya eh.
Pagkapasok ko, unang bumungad sakin ang nakalagay sa may fountain sa gitna ng field ng school na Kamikaze Academy. At may mga desenyo at halaman sa mga gilid. Sosyal nga talaga.
Naglalakad na ako sa may parang tennis court yata? Dun ko kasi ilalagay itong bike ko.
Marami na ang mga estudyante. Halata mo talagang mayayaman sila base sa mga suot nila. Nakakapanliit.
Napailing ako at epi-nark ko nalang ang bike ko sa may gilid ng court.
Magkalapit lang kasi ang court and parking lot nila. At dahil malapit din ito sa gate,dito ko nalang ito ilalagay para mamayang uwian madali ko lang itong mahahanap.
"Ops. Sorry!" isang lalaki ang bumangga sa akin at nahulog yung back pack ko natumba pa ang bike ko. Pupulutin ko na sana ng sipain naman ito nung kasunod nya. At napunta dun sa isa pang lalaki.
Pinulot ito nung matangkad na lalaki at pinag papasa pasahan nila.. binuksan ito nung isa. Kumuha sya ng mga papel dun sa loob at marahas nya itong pinalipad sa hangin. Para tuloy umuulan ng mga papel ngayon.
"Ano ba akin na yan." mahina kong sabi sa kanila. Nagtawan lang sila.
Pilit na inaagaw ko yung bag ko. Pero tinutulak lang nila ako sa balikat ko. Matatangkad sila at pilit kong inaabot yung bag pero di ko talaga makuha.
"Ano ba." sabi ko pa.
Patuloy parin ako sa pag-abot nito at pilit rin naman nya itong itinataas sa akin sabay tulak pa sa balikat ko.
Isang kamay ang humawak sa braso ng lalaking may hawak ng bag ko. Napalingon kami lahat sa kanya. Napa singhap pa yung mga estudyanteng kanina pa nanunood sa amin. Yung ibang mga babae naman parang kinikilig na di mo maintindihan.
Parang nag slow motion ang lahat. Kung matangkad yung tatlong lalaking kaharap ko ngayon. Mas matangkad sya. Seryuso ang kanyang mukha. Yung buhok nya may kulay na di ko maintindihan kung anong klaseng kulay iyon.
Napaka mesteryuso ng aura nya. Nakasuot din sya ng black sweater . Nakatingin lang ako sa mukha nya at sa bawat kilos nya. Parang may something sa kanya na di ko maalis ang aking tingin.
Inagaw nya yung bag ko sa lalaking may hawak nito. Napakunot noo naman yung tatlo.
Akala ko ibibigay nya sakin yung bag ko pero binaliktad nya ito at ibinuhos ang natitira pang laman ng bag ko. Nagtawanan yung tatlo at yung ibang estudyanteng nakakita.
Nag igting ang aking panga nang makita kong isa-isang nahuhulog ang mga gamit ko.
Parang gusto kong sumabog sa galit at hiya ng ngumisi sya at nagtawanan yung tatlong lalaki kanina. Marahil ay kasamahan nya ang mga ito.
Matapos maubos ang laman ng bag ko marahas naman nya itong hinagis sa akin. Napapikit ako at nasalo ko ito.
Lumapit sya sa akin at may idinikit sa noo ko. Ngumisi sya bago tumalikod kasama yung tatlo pang lalaki.
Marahas ko namang kinuha yung nakadikit na parang sticky note na kulay dilaw na may kalakihan sa noo ko tsaka ito tiningnan...
3rd Warning?
Ano to?!
Sa sobrang inis nilokot ko ito gamit ang palad ko at malakas na binato sa di pa nakakalayong unggoy! Sapol sya sa ulo.
Dahan-dahan syang lumingon sakin at sobrang nanlilisik ang kanyang mga mata.
Hindi ako natinag sa sama nang tingin nya. Sa katunayan mas naiinis pa ako sa ekspresyon nang mukha nya! Buong akala ko pa naman ay tutulungan nya ako. Akala ko..mabait sya. Na iba sya. Nagkamali ako. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon.
Matapos nya akong tingnan ng masama ay tumalikod na sya ulit at naglakad palayo.
Psh!
Nanghihina naman akong tumingin sa mga gamit kong nagkalat sa may court area. Lumuhod ako at isa-isang pinulot ito.
Bakit ganun? Wala naman akong ginagawa ah. Naging ganito na nga ako para walang pumansin at lumapit sakin tapos....Agh! Nakakainis talaga lalo na yung lalaking parang manok ang kulay ng buhok na yun!
Isang lalaki ang lumapit at isa-isa ding pinulot ang mga nagkalat kong gamit. Napakunot ang noo ko sa kanya. Nakatalikod sya sa akin.
"Are you okay?" biglang tanong nya nang bumaling sya sakin. Di ako agad nakasagot kasi...
Bakit parang ang gwapo nya ata? Para syang anghel na bumaba mula sa kalangitan.
"Hey Miss! Are you alright?" tanong nya ulit at iwinagay-way yung kamay nya sa harap ko. Tsaka lang ako natauhan.
Tumayo ako at pinagpagan ang tuhod ko.
"A-ah O-oo okay lang ako." My god Sarina. Ngayon ka pa talaga nautal!
"Good then. Here." sabay abot nya sakin nung pinulot nyang gamit ko.
Parang nahiya pa akong abutin ito.
"S-salamat." tanging nasabi ko.
Ngumiti lang sya sakin at umalis na.
Paulit-ulit sa isip ko ang mukha nyang napakaamo na nakangiti sakin. My God! Bakit kinikilig yata ako?
Isang tunog ng bell ang nakapag pabalik sa akin sa aking sarili.
Oo nga pala yung first subject ko!
Dali-dali kong ipinasok sa bag ko yung mga gamit ko. Itanayo at isinandig ko nadin yung bike ko sa may gilid.
Napangiti ako sabay takbo papunta sa aking classroom.
BINABASA MO ANG
Love Warning❗ [COMPLETED]
FanfictionHighest Rank. #34 in FanFiction. I dedicate this story to those who love Third Kz. ^_^Watch the video at the 1st Chappie:) This story is inspired by The MV of Third Kamikaze's LOVE WARNING ,so there are some scenes na beni-Base ko sa MV. Annyeong! D...