Chapter 15 (Inlove na ako?!)

5.8K 258 46
                                    

Sabog si Micanah kaya update ng Update. Hihi

Enjoy Reading Guys. Masaya lang kasi ako sa comments and Votes nyo thats why ito,update agad ako. Hihi

Chapter 15

Inlove na ako?!

Kakaiba at naninibago na talaga ako sa kinikilos ni Third.

Kanina sa Major subject namin palagi nya akong kinukulit.

Napagalitan pa nga kami ni Mr. Smith dahil di daw kami nakikinig sa lecture nya. Major pa naman! Tsk. Kainis na Third kasi e.

Hanggang uwian,makulit parin sya. Aish. Pigilan nyo ko't makakatikim na talaga 'to sakin eh.

Ihahatid nya pa sana ako pero tumanggi na talaga ako. Ibang bahay na inuuwian ko ngayon at ibang direksyun na din ang daanan di na gaya ng dati kaya pinilit ko syang di na muna ako sasabay sa kanyang umuwi.

Nagulat nalang ako ng bigla nyang hablutin ang cellphone ko. Ilang sandali pa tumunog yung cellphone nya. Tinawagan nya yung cellphone nya gamit yung akin. Buti pala may load ako. Kundi baka insulto pa aabutin ko sa kanya pag nagkataon. At masabihan pa akong pulubi. Tss.

"Save my number Call me anytime,anywhere. Darating ako." sabi nya sabay balik ng cellphone ko sa kamay ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango sa sinabi nya.

Ngumiti sya sakin bago pinaandar ang kotse nya at umalis. Matapos mawala sa paningin ko ng kotse ni Third ay nag antay naman ako ng Jeep pauwi sa bahay ni Carley.

--

"O,Sarina,dito kana pala. Papasok kaba ng resto ngayon?" bungad ni Carley sakin.

"Ah..Oo,sana nga di ako ipatanggal dun e. "

"Hihi. Di yun. Tara sabay na tayo." sabi nya.

"Ge ba. Bihis lang ako." at pumasok na ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Syempre damit ni Carley. Nakakapanibago nga kasi maninipis na blouse and T-shirts,skinny Jeans, and shorts yung mga damit na binigay nya sakin,e nakasanayan ko yung sweater Jacket.

Pero okay lang,atleast may masusuot ako pansamantala. Kailangan ko lang sanayin yung sarili ko sabi ni Carley.

"Ano,okay kana ba?" tanong ni Carley ng lumabas ako ng kwarto.

"O-oo. Medyo di lang ako sanay dito sa manipis na T-Shirt hihi." sagot ko.

Nakasuot kasi ako ng black skinny Jeans and white T-Shirt tapos yung white sneakers ko.

"Masasanay ka din nyan. Tsaka bagay pala sayo yung mga damit ko ah. Hihi O sya,Tara na! Ah Teka,suotin mo 'tong Cap baka maambunan ka at magkasakit kana naman. Medyo,maambon kasi ngayon." Sabi nya sabay lagay ng puting sumbrero sa ulo ko.

Ngumiti ako sa kanya at nagapasalamat. Ang carring pala talaga ni CarLey:)

Say Hi to the Cutest Sarina 😊♡♡

==>> ang cute cute nya dito... 😍😍

 😍😍

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon