Chapter 12 (Don't Forget)

6.4K 308 36
                                    

blue_mid12
Miraex
IshieLadybug
marygilberc1
tonitanciatco
Ennaeledab044444
kikyo_songsongph
KirstenConcepcion

Thank you sa Votes and Comments nyo. Super appreciated! Keep supporting! ^_^

Chapter 12

Dont Forget

Kinabukasan pinilit kong maaga bumangon kahit na sobrang sakit ng katawan at mukha ko. Haay. Epekto ba to nung kagabi? Mukha masama yata yung pagka bagsak ko ah.

Naligo,naghanda ng agahan at ginawa lahat ng kailangan kong gawin kagaya ng dati. Inisip ko na wala lang yung nangyari kagabi.

Tahimik lang kaming kumakain. Alam ko namang galit parin si Auntie hanggang ngayon,pero atleast di na kagaya kagabi.

Salamat kay Tyong at kinausap nya si Auntie. haay..kung hindi,di ko alam kung saan ako pupulutin,dahil wala naman akong ibang matirhan,bukod sa kanila.

Matapos maligpit ang pinagkainan ay umalis nadin ako papunta sa school.

Naglakad lang ako at di ko dinala yung bike ko dahil sa totoo lang masakit yung braso ko. Tumama kasi ako sa Corner ng lamesa nung itulak ako ni Auntie kagabi,pero di ko rin naman sya masisi diba, alam kong pinag alala ko sya,kaya sya nagalit ng ganun. Atleast nagmamala sakit pala talaga si Auntie sakin.

Maaga pa naman kaya,di pa ako malelate kahit na maglakad lang ako, isa pa,malapit lapit lang naman yung school.

Pagpasok ng Campus,medyo wala pa masyadong estudyante. Pumunta na muna ako ng library para gawin yung daily rOutine ko,ang pag-aarange ng mga books.

Sakto naman ng natapos ako nag ring yung bell ng school,hudyat na magsisimula na yung kLase.

Matamlay akOng naglakad papunta ng classroom ko. Ang weird nga eh,parang ang sakit ng buOng katawan ko ngayon. Yung braso ko lang naman yung nasaktan, tsaka yung mukha ko lang naman yung nasampal,pero parang buong katawan ko ay apektado. Haay...nakakatamad tuloy pumasok.

"Sya yung sa picture diba?"

"Oo,siya nga. Sila na ba talaga?"

"I cant believe na nag iba na ang taste nya."

"Oh,Gosh! This cant be!"

Napaangat ako ng tingin sa mga babaeng yun na kung maka chismis,wagas kung wagas. Alam ko namang ako na naman pinag bubulungan nitong mga 'to. Psh. Ano pa bang bago? Di ko nalang sila pinansin at nag patuloy nalang sa paglalakad. Ewan ko lang kung ano na naman ang issue nila sakin,di ko naman narinig yung usapan nila,tsaka di rin naman ako interesado!

Pagpasok sa classroom,bulungan parin sila ng bulungan,at as usual,ignore lang ako.

Umupo ako sa upuan ko. Nakita kong may naka dikit na sticky note sa desk ko.

Kinuha ko ito. Napasinghap naman yung iba sa mga kaklase ko. Especially,girls and this 4 cLowns. Tanda nyo yung bumangga sakin sa Resto at natapunan yung Mom ni Shienna ng Shake?. Sya si Miranda,ditO din pala nag-aaral at halatang sobrang hate nya ako. Well,the feeling is mutual!

Binasa ko yung naka sulat sa red sticky note.

Dont forget later,

Bf.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon