Chapter 25 (Fiesta Intramurals 2016)

5.7K 214 81
                                    

Pagpasensyahan nyu na po ito.

Chapter 25

Intramurals

Nang makabawi sa aking pagkabigla kanina sa ginawa ni Stanley ay agad na iniling ko ang aking ulo tsaka nagsimulang humakbang ng may bigla namang mabilis na kotse ang humarorot at halos mahagip na ako nito kahit nasa gilid naman ako. Ugh!

"Aish! Walang hiyang driver---T-Third?" hindi ako nagkakamali, kotse nya yun.

Napayuko nalang ako at nagsimula na ulit maglakad para maghintay ng masasakyang jeep pauwi. Palagi nya nalang talaga akong dinadaanan na parang di nya na ako kilala. Haaayy..

-----

(Fiesta Intramurals 2016)

Yan ang unang bumungad sakin pagpasok ko. Maaga naman sana ako papasok kanina kaso sabi ni Mr. Smith na 3pm nalang daw ako pumunta para makapag rest pa ako at mahanda ang sarili ko Tss... Si Third nakita kong maagang umalis kanina kasi may game sila sa basketball. Naa-lala ko nga nung sinabi nya na manunuood ako ng final game nila. Pero di ko nagawa. Hay..

Inilibot ko nalang ang paningin ko sa buong K.A at ang daming booths,mga stalls ng mga pagkain at drinks. Mga nagtitinda ng accesories. At madami pang iba. Allowed sila for now dahil may event. Parang naging Carnival na nga ang buong Campus e,idagdag mo pa ang maraming nakasabit na mga palamuti na ibat-iba ang disenyo sa mga malalaking puno dito sa loob na para na talagang fiesta.

Bakas sa buong K.A ang malakas na energy ng bawat estudyante. Sumasabay sa pagkanta at pagsayaw sa malakas na musika na nanggagaling sa malaking Event hall or Gym ng Kamikaze Academy.

Syempre masaya talaga dahil walang klase at ang tanging gagawin lang ng mga estudyante ngayon tulad ko ay gagala sa buong Campus,kakain,manunuod ng mga palabas at magparticipate if ever may sinalihan kang events.

At yun nga halos manginig na ang buong katawan ko kahit di pa naman nagsisimula dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko simula palang ng pag-alis ko ng mansion kanina . Huhu takte talaga ba't ba kasi ako sinali sa Mr&Miss.Intramurals na to!? T____T

"Miss.Mendez why are you still standing there?! Go to the back stage now! Me-make up-pan ka pa! Gosh!" -sigaw ni Mr. Smith sakin ng makasalubong ko sya dito sa may photo booth... Kahit kinakabahan ay napangiti ako. First time ko kasi makitang naka make-up si Mr.Smith hihi.

"What are you smiling at?! Go!" sigaw nya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Y-yes Mr. Smith!" sabi ko tsaka pumunta na nang back Stage.

Pag-akyat ko sa back stage ay nakasalubong ko pa talaga si Third! Ugh! Naman e! Babalik na sana ako sa dinaanan ko ng makita ko naman si Mr. Smith na may kausap na isa ding teacher dito sa K.A
Kaya no choice at nagpatuLoy ako sa paglalakad patungo sa direksyun ni Third.

Pero ba't ko nga naman sya iiwasan? Tss.

Nagkasalubong pa ang mga mata namin at agad din akong umiwas tsaka napayuko at nagpatuloy sa paglalakad ng bigla namang hinablot ni Third ang braso ko.

Agad na nanlaki ang mga mata ko kasabay nun ang malakas na pagtibok ng puso ko ng mapa subsob ako sa chest ni Third.

Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso nya.

Ilang saglit pa ay bumitaw na sya sa pagyakap sakin.

"I...uhh..Goodluck Later." sabi lang nya tsaka umalis na sa harap ko. Naiwan naman akong nakatulala.

A-ano bang ginagawa nya?

"Mss. Mendez?! Ano pang tinatayo-tayo mo dito?!"

Agad din na napapitlag ako sa sigaw na yun ni Mr.Smith. waahh..umuusok na yung ilong nya sa inis sakin. Huhu. Kaya tumakbo na agad ako papasok ng backstage.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon