Chapter 40 (The real Andrea Mitch)

4.4K 188 82
                                    

                       KrisheenaGailePalaci
thank u for making the cover.😘

If you want to make a cover free to pm me. At ilalagay ko. Hihi. Enjoy reading!

                                (Chapter 40)

                      (The real Andrea Mitch)

Sarina's Pov

Napahinto ako sa pagsagot ko at napatingin sa paligid ko. Ilan sa kaniLa ay may kakaibang ngisi sa mukha. Even Andrea. Ano bang--

Nagulat ako nang lumapit si Mrs. Toro sakin.

"Miss. Mendez! Are you really cheating?" tanong ni Maam at pinandilatan ako ng mata.

"P-po? H-hindi po Maam." agad na sagot ko.

"Then what is this?!" tanong nya at marahas na hinablot ang isang maliit na papel na nasa ilalim ng aking questionare.

Nanlaki ang mata ko at sobrang bumilis ang tibok ng puso ko.

"M-maam,Di ko po alam ang tungkol dyan." kinakabahan kong sagot.

"Huh?! Are you even kidding me Miss. Mendez? Nakita ko to sa ilalim ng test paper mo!" galit na sabi nya.

"P-pero Maam hindi po sakin yan--

"Enoung Miss. Mendez. Get out of this classroom now and see me at principals office after this exam!" sigaw nya at tinuro ang pinto.

"P-pero,Maam..di po talaga sakin ang papel na yan..please Maam maniwala po kayo sakin--

"Sa principals office ka magpaliwanag mamaya Miss. Mendez.  Let us see kung hanggang saan aabot yang pagsisinungaling mo! Now,get out at marami pang nag eexam dito!"  sigaw nya sakin sabay turo ng pinto.

Agad na kinuha ko ang back pack ko at tumakbo palabas ng classroom.

Hindi ako nag cheat! Kahit kelan di ko magagawa yun. Hindi ko magagaw yun!

Hinding hindi!

Paulit ulit na sigaw ng utak ko habang ako'y tumatakbo.

Dinala ako ng mga paa ko sa Roof Top. Pero di ko inasahan ang taong makikita ko dito. Natigil ako sa aking pag iyak at pilit kinalma ang aking sarili.

"What are you doing here again? I said stop appearing on my sight." malaming nyang tanong ng magtama ang mata namin.

Di ko alam kung anong isasagot.

"A-ah...

"Kung andito ka para kausapin at mag maka awa na naman sakin,mabuti pang umalis kana! I told you already that I dont want to see you again!" sabi nya at aalis na sana.

"Oo nagsinungaling ako sayo. Alam ko may kasalanan ako,pero nagsasabi ako ng totoo. Wala talaga akong alam sa--

"Fvck stop it! Im used to all your lies! Huh!.wala kang alam? Wala kayong relasyon? Pero kanina kitang kita ko kung paano kayo maglandian ng Hilton na yun! Pinaglalaruan mo ba talaga ako Miss. Mendez?" nanlilisik ang kanyang matang naka tingin sakin habang binibigkas ang mga salitang yun.

Maglandian? Ni Stanley? Ano bang---

"T-third...maniwala ka naman sakin oh." pagmamakaawa ko.

"Tumigil kana! Tama na! I had enough! Hindi ko na kelangan ang mga paliwanag mo! Tapos na tayo at simula ngayon ayaw ko ng lumalapit kapa sakin! Stop sending me messages. At Simula ngayon,wala na akong paki alam sayo. Kalimutan mo na ang lahat ng nangyari. Dahil kakalimutan na din kita." huling sinabi nya tsaka ako tinalikuran.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon