Nang dahil sa napanood kong Horror kagabi di ako nakatulog at nagtype nalang sa wattpad. Huhu -_-
Pasensyahan nyu na 'tong Lame update ko.
Chapter 14
Ay,Gwapo!
O-ouch! Ang sakit ng buong katawan ko..Haruy!
Dinilat ko ang aking mga mata..tsk! Unfamiliar place again?
Nasan na naman ba ako? Kinapa ko yung salamin ko at buti naman nahagip ito ng kamay ko at sinuot ito.
Tumingin ako sa paligid. Maaliwalas na kwarto.. T-teka? Asan ba ako? Huhu
"Buti naman gising kana." napalingon ako sa likuran kong saan nanggaling ang pamilyar na boses na yun.
"C-carley?!" gulat na bulalas ko.
"Yes. The one in only!" sabi nya sabay lapit at upo sa harap ko para magkapantay kami. Naka upo kasi ako sa isang malambot na kama.
"T-teka..paanong,napunta ako dito?" tanong ko.
"Tss. Huy,babae. Nakita nalang kita kagabi dun sa daan habang pauwi ako. Ano bang nangyari sayo at nakahandusay ka dun sa kalsada at inaapoy kapa ng lagnat. Ayus ka rin eh no. Nagbabad kapa talaga sa ulan!" parang isang Nanay lang kung magsermon 'tong si Carley eh.
Biglang naalala ko na yung lahat ng nangyari kagabi.
"O,bat ka umiiyak? Sorry naman. Di naman kita pinapagalitan eh. Pinagsasabihan lang kita---
Carley Pov
Di ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang akong yakapin ni Sarina ng mahigpit sabay hagulhol sa balikat ko.
Alam kong may pinagdadaanan sya kaya sya naging ganito.
Ang Sarinang unang nakilala ko ay di nagpapakita ng ganitong kahinaan.
Ang Sarinang kilala ko ay yung matapang,pero alam ko ring Deep inside nasasaktan sya at mahina sya.
Oo,bago palang kami magkakilala ni Sarina pero magaan ang loob ko sa kanya at magaling din naman sya makisama kaya nagkasundo kami agad. Tahimik sya nung una,pero ng lumaon,at nagkakilala na kami ng lubos naging madaldal narin naman sya at palakwento na.
Kaya nga di ko maintindihan kong anong nangayari sa kanya kagabi at nakita ko nalang syang halos mag apoy na sa lagnat.
Hinayaan ko nalang muna syang umiyak ng umiyak sa balikat ko. Hinahaplos ko lang yung likod nya. Alam kong may problema talaga sya.
"Pwedi mo namang sabihin sakin ang problema mo e. Baka sakaling makatulong ako." sabi ko sabay haplos parin ng likod nya.
"A-ayaw k-ko ng b-bumalik dun kina Auntie Beth, Carley. N-natatakot a-ako." umiiyak parin nyang sabi.
"Sshh...tahan na, shhh.." pagpapakalma ko. Buti naman at kumalma na sya. Pinaharap ko sya sakin. Nagtanong ako kung anong nangyari sa kanya..
Nagkwento naman sya habang umiiyak.
---
"Eh,walang hiya pala yang Tiyuhin mo eh.
P-pero saan ka naman pupunta kong di kana babalik dun sa Auntie mo?" sabi ko sa kanya."Nakakahiya man Carley. P-pero...p-pwedi bang dumito muna ako sayo? Pansamantala lang naman e. Promise,pag nakaipon ako maghahanap agad ako ng malilipatan at babayaran kita sa mga expenses ko,ayaw ko na kasi talagang bumalik dun." pagmamakaawa nya.
"O,sige. Kahit na ako,ayaw nadin naman talaga kitang pabalikin dun sa baboy mong tiyuhin noh,baka sa susunod mapahamak kana talaga dun. Malaki naman 'tong inuupahan kong apartment, kaya pweding pwedi ka dito." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Warning❗ [COMPLETED]
FanfictionHighest Rank. #34 in FanFiction. I dedicate this story to those who love Third Kz. ^_^Watch the video at the 1st Chappie:) This story is inspired by The MV of Third Kamikaze's LOVE WARNING ,so there are some scenes na beni-Base ko sa MV. Annyeong! D...