Chapter 16 (Avoiding)

5.8K 238 30
                                    

Pagpasensyahan nyu na 'tong sabaw kong UD.

Chapter 16

Avoiding

Lunchtime na,andito na ako ngayon sa canteen at syempre kasama yung apat na kumag. Tss.

Ayaw ko na sana talagang mapalapit sa kanya pero sya 'tong lapit ng lapit sakin.

At Nakakainis pa! Ginagawa nya akong baboy!

Oo malakas ako kumain pero,ugh!

Ipaubos ba naman lahat sakin 'tong mga inorder nya?!

Putek lang dahil ang sama na talaga ng tingin ng mga estudyante sakin dito!

Haays. Bakit ba nangyayari sakin to?

Ang awkward pa ng feeling ko pag malapit sya. Paulit-ulit kasi na nag fa-flashback yung sinabi sakin ni Carley kagabi.

"Grabe,alagang-alaga si Gf ah." -Drew.

"Oo nga,baka naman maging baboy na yang si gf Young master!." -Jake,sabay tawa nila.

Sinamaan sila ng tingin ni Third kaya binaling nalang nila agad ang tingin sa pagkain nila.

"Dont mind them. Just eat all of that." Sabi ni Third sakin at bumaling naman sya dun sa dalawa." And you two,stop calling her gf.Tss." Ngumingising tumango naman silang dalawa.

Haay Naco- concious nga ako kasi di naman sya kumakain at pinapanood lang ako habang kumakain.

Sabi pa nya,busog na daw syang makita akong kumakain ng madami.

Tss. Oo na kinilig ako dun pero,ugh! Waah.. nalilito na talaga ako sa nararamdaman ko!

N-nagugustuhan ko na bang talaga sya?

Ayaw kong maniwala na gusto nya rin ako,pero,yung mga kilos nya...

Mga pananalita nya....

Ibang-iba na e.

Gusto kong itatak sa utak at isipan ko na nanti-trip na naman sya. Na plano nya 'to na asarin na naman ako pero hindi.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin...

--

Uwian, palingon-lingon ako na animoy may kung sinong pinagtataguan.

Oo,nagtatago ako. Ewan ba!

Pero laking gulat ko nalang ng mabangga ko si Third sa unahan ko.

Nakapamulsa syang nakatingin sakin.

Sobrang nanlaki ang mata ko ng tinaasan nya ako ng kilay nya. Waah..

Nalilito ako kung didiretso ba sa paglalakad o babalik sa dinadaanan ko.

Tatalikod na sana ako ng mahagip nya ang kamay ko.

Para akong nakuryente sa paghawak nya sa kamay ko.

"Are you avoiding me?" -tanong nya. Napaharap ako sa kanya at kinakabahang ngumiti ng tipid.

"H-huh? B-bakit n-naman kita iiwasan?" -kandautal kong sagot. Yung puso ko. Ugh!

"Thats why Im asking you." -titig na titig sya sakin.

Gusto kong kunin yung kamay ko sa pagkaka hawak nya pero hinihigpitan naman nya. Aish. Anu ba Third!

"A-ahh..hihi di nuh. S-sige,mauna na ako. Babye!" sabi ko sabay biglang kuha ng kamay ko sa pakakahawak nya tsaka takbo palabas ng Campus.

Oh God.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon