Chapter 24 (Interesting)

4.9K 244 79
                                    

Sorry po sa late UD. Pasensya na po talaga! Na-busy lang po. Mapatawad pa ba? :) Pasensyahan nyu nadin 'tong sabaw kong UD. Kamsahamnida for supporting! Chan rak kun ^_^

Chapter 24

Interesting😏

Akala ko'y masasagasaan na ako ng rumaragasang kotse na yun pero isang tao ang humablot sakin at kinabig ako papunta sa tabi ng daan tsaka niyakap.

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib,ne hindi man lang ako makagalaw sa kinatatayuan ko kanina.

Nang makabawi sa aking pagkagulat ay agad din na umatras ako ng ilang hakbang sa pagkakalapit namin ng taong nagligtas sakin ngayon.

Inangat ko ang aking tingin at---

"Okay ka lang ba?" tanong nya.

S-stanley?!

Ba't ba kasi ang gwapo nya talaga?

"O-oo. I-ikaw?" aish! Bat'ba Nauutal talaga ako pag sya yung kausap?

"Okay lang ako. Wala bang masakit sayo?" nakita ko sa mga mata nya yung pag-aalala.

"Wala. Ahh...salamat nga pala sa pagligtas mo sakin." nahihiya kong sabi.

"Sa susunod mag-iingat ka na okay?" nakangiti nyang sabi sakin sabay hinawakan ako sa ulo at ginulo yung buhok ko.

Napahawak nalang ako sa ulo kong ginulo nya. At tiningnan sya paalis. Haay..ang gwapo nya talaga,promise!

Beeeeeeeep!!!

Agad na napapitlag ako sa malakas na bosenang yun!

Aish! Nasa tabi na naman ako ah!

"Ano bang problema---

Natigilan ako ng kotse pala ni Third yung dumaan sa harap ko. Akala ko hihinto sya pero nag dere-deretso lang ito.

Napa kamot nalang ako sa ulo ko sabay inayos nadin ang pagkakagulo nito ni Stanley kanina.

"Tss...di ba nya ako nakita? Pero? Bumosina naman sya diba? Aish! Bahala na nga!" pabuLong bulong ko at tsaka nagsimula ng maglakad papasok ng subdivision ng napapailing.

---

Days has passed! Nagiging cold na si Third sakin. Di na sya nag te-text, everytime magkakasalubong kami umiiwas sya. Ganito pala ang pakiramdam ng iniiwasan...T____T

Ayaw ko din naman syang e-comfront kung ano ba talagang problema pero ilang gabi nadin akong walang ayos na tulog at di nakakapag concentrate sa studies ko. Gusto ko syang lapitan pero everytime naman gagawin ko yun may eepal.---si Andrea. -_-

Napabalita nadin sa K.A na hiwalay na kami.

Haay..

Talaga bang wala na kami? Hindi ko na kasi maintindihan yung sitwasyun naming dalawa. Pero kahit ang isiping wala na nga kami ay parang ang bigat dito sa puso ko. T__T

Isa pang nakakapag paguLo sa sistema ko ay ang palaging pag bisita ni Andrea dito sa school. Every Lunch nagsasabay siLa kumain. At pagka uwian naman pumupunta din si Andrea para sabayan umuwi si Third. Sila naba? Aish! Napailing ako.

Habang tinitingnan ko sila mula dito sa parking lot at binubuksan ni Third yung pinto ng kotse tsaka ina-lalayan nyang pumasok si Andrea sa loob nito ay parang dinudurog ng pagka pino-pino yung puso ko. Ang Sakit sakit takte Lang talaga!

"Andrienne,C'mon magsisimula na yung practice!" agad na bumalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang pagtawag sakin na yun ng partner ko sa Miss.Intramurals.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon