Chapter 52 (Locked-Up)

3.2K 149 61
                                    


                                Chapter 52

Sarina's Pov

Weeks passed at talaga ngang tinotoo ni Andrie ang sinabi nyang di ako pweding lumabas ng mansion na'to. Ilang beses na rin akong nagtangkang tumakas pero parati lang din naman akong nahuhuli ng mga butler,katulong at body guards ng bahay na ito. 24/7 din palang mino monitor ang bawat kilos ko at ang CR at Dressing Room ko lang yata ang walang CCTV camera.

Ugh! Nasan na ang privacy ko nito? Para na niLa talaga akong binilanggo dito. Humingi din ako ng tulong kay Mr. Alexander,
(naiilang parin kasi akong tawagin syang Daddy),pero wala eh,akala ko ma-iintindihan nya ako at maa-awa sya after nung emotional moment namin pero-haayy...hindi rin. Sinabi nya rin sakin na ito daw ang mas maka bubuti sa akin. Psh...makabubuti? Ang IKULONG nila ako dito?!

All day andito lang ako sa loob ng malaking kwarto na'to,nakaka labas ako pero hanggang sala lang din nitong mansion at palaging may sumusunod sakin,naka bantay at baka tatakas na naman daw ako! Tss.

May tutor na nagtuturo sa akin dito dahil nga di na niLa ako pinapapasok ng K.A at mas high standard ang mga tinuturo nya pero sobrang boring naman dahil ako lang mag-isa ang tinuturuan nya,unlike yung nasa school ka talaga at may mga kaklase ka! -_-

May personal maid at nurse din ako. Actually lima yung maid ko which is nakakailang at nakakahiya dahil di ako sanay na pinag sisilbihan dahil ako naman talaga ang taga silbi noon. Yung isa nag pe-prepare ng panligo ko. Yung isa naman sa damit ko. Yung isa taga ayos ng buhok ko tsaka ng mga gamit ko dito sa kwarto. Yung isa naman taga handa ng pagkain ko.

Lahat ng gamit ko ay bago na lahat. Simula sa damit, sapatos at iba pa. Hindi ako sanay sa dresses and sleeve less blouse pero wala akong magagawa. Ito yung pinapasuot nila sakin dito. Psh.

Yung mga gamit ko sa boarding house ko ay di ko na alam kung ano nang nangyari dun. Wala na din akong cellphone dahil kinuha din nila at di na muli pang binalik sakin.

Oo, marangya at para na nga talaga akong prinsesa kung ituring niLa dito. Wala na akong ginagawa at pati nga halos pagsubo ko ng pagkain ay sila na ang gumagawa. Yun daw kasi ang sabi ng Doctor na may hawak sakin ngayon na bawal daw akong mag kikilos at mapapagod. Haruy jusko naman! Pati ba naman pagbibihis nakaka pagod ba yun? Pag aayus ng buhok? Nakaka pagod ba yun? Pagsubo ng pagkain? Nakakapagod na pala yun ngayon??

Hindi nga ako napagod noon nung nagta-trabaho pa ako sa gabi,nag-aaral sa umaga at rumaraket pa eh! Masyado siLang praning!

Oo naa-alala ko na ang lahat. Na ako. Ako si Andrea Mitch Clarion. Ako ang nawawala nilang Anak at kapatid. Na-alala ko nun nung bago ako mawalan ng malay ay may bumuhat sakin palayo sa lugar na yun. Isang babae na nag ngagalang Nilda. Isa syang may katandaan ng babae at walang anak. Pina-ospital nya ako nuon at narinig kong nagkaroon ako ng mild amnesia nuon dahil sa malakas na impact at pagka bagok ng ulo ko sa semento nung pagsabog at nakalimutan ko ang aking pamilya. Hindi din ako makapag salita nun dahil sa Traumang naranasan ko kaya pina ngalanan nila akong Sarina Andrienne Mendez.

Iniwan ako ni Nanay Nilda kina Tiyo Tasyo at Auntie Beth dahil may nakuhang trabaho si Nanay Nilda sa ibang bansa at nangako itong magpapadala palagi ng pera kaya ako kinopkop nina Auntie. Naging maayos ang pagpapalaki at pakikitungo nila sakin nun lalo na ni Tricia ng biglang mabalitaan nila namatay sa sakit si nanay Nilda dun sa pinagta-trabahuan nito kaya bigla nagbago yung trato nila sakin. Ilang beses na din nila akong pinalayas pero di ako umalis dahil wala naman akong mapupuntahan at sila lang ang kinikilala kong magulang at kapamilya pero lahat pala ng yun ay hindi totoo. Na di pala ako isang Mendez dahil Clarion ako.

Pero balewala lahat itong nararanasan kong karangyaan ngayon dito sa mansion na ito. Mas gugustuhin ko paring tumira sa isang boarding house at malaya kong magagawa lahat ng gusto ko at makikita ang taong mahal ko anong oras ko man gusto. Namimis ko na talaga ang lahat. Namimis ko na si Third.

Love Warning❗                   [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon