*teng teng teng*
Goodmorning daw sabi ng alarm ko. Sabi ni Cheska maaga sya pupunta kaya eto, maaga ako pinaligo ni dad.
Pagdating ni cheska, nagtalo pa kami, CONTACT LENSES OR GLASSES?! GLASSES syempre. Eh contacts sakanya, laya nagtalo kami.
Pero in the end, talo ako.
Pag pasok sa school nagtitinginan sila, bakit? Ano meron?
"Uy new student" "Uy pre ang ganda" "Miss ano pangalan mo?"
lahat ng nagtanong kung sino ako, nagulat.
"KC?! LOLO MO LOKOHIN MO! .... Pero, oo nga, hawig mo nga..."
Pag pasok na pagpasok ko sa school, agad na sumalubong sakin ang "boys". Ako naman talaga si Kate. Ako padin to though iba mukha at posture ko.
"Uy kate tawag ka ni cheska sa rooftop!"
Pumunta naman ako sa rooftop at agad kong hinanap si Chi. (Nickname ko kay cheska)
Kasama nya si LESTER, star player ng basketball. Pero di lang yon, magaling dn sa volleyballm badminton at kulang nalang pati fishball ka-reer-in. MVP nga sya last year eh.
"Katleen meet Lester, lester meet urgh... Alam mo na. HAHA" sabi ni cheska
"Hi KC"
"Hi lester, Cheska bf mo?" Tnong ko kay chi ng may pagsisigurado. Minsna na akong natawag na abno ni Chi, at mukhang ito ay magiging kasunod na kabanata ng kaabnormalan ko.
"Gaga hindi, and besides, hindi ako ang type ni Lester, kundi ik---" pinutol ni Lester ang sasabihin ni Chi at dinagdagan nya ito.
"Ikaw kasi type ko" sabi nya with a smile. Or grin, or smirk. Basta.
"Abangan mo text nyan, binigay ko number mo. And you are welcome bes" sabi ni Chi ng pabilong saakin.
WHAAAT?! Ako ang type ni Mr. MVP? Ako? Ako na loser lang? Ako na NERD lang? Ako LANG?!
Bakit ganon, pagsulyap ko sa likod nakita ko si Julian, kasama si JC (bespren nya na naging tulay namin) Tulay namin yun dati eh. Pano?
[FLASHBACK]
"My name i-is, Katleen Acina, uhm, I.. I like Social Studies" NAKAKAHIYA. MUKHA AKONG MANSANAS DITO. Kaya ayoko ng first day of classes eh.
"Hi, I'm JC, nice to meet you." Sabi ni seatmate.
"Oy pare, sino yan? (To jc) btw, I'm julian.." Sabi ni Julian?!?! Rowmate.
"KC nalang" sabi ko.
"Oy JC, pakilala mo ko" sabi ng girl in front of me, maganda sya.
"Ah, KC si Cheska nga pala"
"Nice to meet you" sagot ko.
[end of flashback]
At dun nagsimula friendship namin. Sumunod kay Chi ay ung iba pa.
"KATE! Bilisan mo dyan at ..."
SI CHI NAMAN SINIRA UNG FLASHBACK KO!
"Ano?" Sagot ko.
"Check your chair"
"Wait nasa locker room tayo diba? Di mo naman sinabi kakatapos lang ng training namin ng basketball." Oo bball player ako.
Ha?! Ano nga ba meron sa chair ko?!
Nagmadali kami papunta sa room at ayun nga, tadaaah!
Andaming tao sa upuan ko.
"Grabe, kainggit." "Shet ang sweet" "Ang swerte ni Kate." "So kanino kaya galing?"
Grabe. Ang sweet nga talaga. Pag check ko sa chair ko, may chocolate, flowers, at isang teddy bear. Pero eto talaga nakakapukaw ng mata, ung madaming sticky notes na nakapalibot sa upuan ko. May papel pang nakalagay, "WHY DO I LOVE THEE? LET ME COUNT THE REASONS." Ang sweet talaga.
"Kanino galing?" Tanong ko sa mga classmate ko. Pero none of them seem to know the answer.
Hanggang sa dumating sila Julian sa room.
Random girl: "Jul, ikaw ba gumawa?"
J: "Ng ano?"
R: The surpri--
Ako: Di nya kayang gawin yun.
Then awkward silence. Narining yata ng lahat eh.
So cheska naman after nun, tinanong si Lester kung siya daw ba, eh hindi daw eh. Sino ka ba? Bakit ang mysterious mo? Why not reveal yourself, di naman ako matatakot. Sana magpakilala sya, para mapasalamatan ko naman for making me smile.
It's been 3 days since our break up. Grabe parang sobrang tagal na agad. Ang hrap magmove on.
"Mag move on na kase" sabi ni Chi.
"Di sya ganun kadali. Kung sa math nga hirap na hirap na tayo, may formula pa yun ha. Eh ang pagmomove on. Walang formula. Kaya mas mahirap talaga sya. You have to understand na sobra ko syang minahal. You know that. And sana, just maybe, baka mahal pa nya ko." Sagot ko.
"Ay nako" sabi ni Chi na halatang dismayado nanaman sa pagkamatigas ng ulo ko.
At after nung surprise the other day, ayan uli. Meron ulit. May printed letter sa table ko.
"Dear Kate,
Sorry but I have to be anonymous. Pero alam mo, ikaw talaga ang bumubuo sa araw ko. Ikaw ang nagpapangiti sakin. Yung mga jokes mo, laughs and your positivity, nakakahawa. Ikaw ang rason kung bakit napaka inspired ko magaral at masama sa overall. Sana someday, ako din ang maging rason ng iyo. Sorry sa printed letter kasi kailangan eh, baka ma-trace handwriting ko. Pero sincere to, swear. Papakilala ako, someday, soon.
Love, S.A."
Woah :") kinilig ako.
"KC, ang swerte mo."
Sabi ni chi ng may halong pagka-masaya dahil sya naman talaga dahilan ng mga boylets ko.
Nakita ko si lester na papalapit...
"SINO BA YANG NAGSUSURPRISE SAYO?! At bakit SOBRANG KINA-CAREER NYA?! SINO BA HA? ANDAMING PWEDE MAGUSTUHAN... BAKIT KAILANGAN AKO AGAWAN?!"
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Teen FictionIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...