Lester's POV.
Hindi ko siya naabutan.
In short, wala na si KC.
"KC!!!!" tinuloy ko padin ang pagtatakbo.
Pero hindi ko na nga siya naabutan...
Nakakapangsisi.
Siya yung nandyan nung nahihirapan ako, pero binaliwala ko lang.
Siya na nga ung naghabol sakin ako pa tong tanga na layo ng layo sakanya.
She deserves to be loved by someone who she loves, but I don't deserve to be loved by someone like her.
Naglalakad ako pabalik kela Cheska, ng nagsisisi.
Kung binilisan ko kaya, maabutan ko sya?
What if di ko siya pinagtabuyan? Masaya kya kami ngayon?
What ifs, yan nanaman. Unti unti akong pinapatay nyan.
"Tae ka Lester, abnormal ka talaga!"
memories kept flooding back, yung ngiti nya, ung tawa nya, yung mata nya.
Bumabalik lahat, pero siya, hindi na.
Siguro by now, nasa highway na sila, papuntang Canada.
"AAAAAAAAA!" nagsisipa lang ako ng bato dun mukha akong ewan.
NAGSISISI NA TALAGA AKO.
"Sana di mo din ako iwan gaya ng ginawa ni Julian."
oo, nangako ako sakanya. AT SINIRA KO YUNG PANGAKO KONG IYON.
I guess I deserve this pain, kasi kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan ngayon.
Kung mahal mo talaga ang isang tao, you should set them free.
Anong katangahan? Mahal mo nga eh, eh bat mo papakawalan?
Pero alam ko namang wala na akong magagawa kung sakaling naabutan ko din siya.
Everything is settled, nakaayos na. Guguluhin ko pa ba ung mga desisiyon nya?
"Mahal kita, Lester."
Yan yung sinabi nya sakin noong umuulan na gabing iyon sa labas ng school.
Di ko lang nasagot, Mahal din kita, KC.
Hindi naman ako tumigil na mahalin ka, tinigil ko lang ipakita.
KC, mahal na mahal kita.
Noong gabing un, kaya hindi ako nakasagot sayo, kasi naiiyak din ako.
Ayokong nakikita kang nalulungkot ng ganun, nasasaktan ako.
Hindi ko kayang makita kang umiiyak.
Para akong sinasaksak sa puso.
Parang ngayon lang. Kasi alam kong nasaktan kita.
"Di ko naman inaasahang sasabihin mo sakin na mahal mo din ako, gusto ko lang malaman mo, na mahal nga kita. At ayokong mawala ka."
sinabi nya rin yan.
Hindi ko maiwasang maluha ngayon.
"Tignan mo yung lalake o, umiiyak." turo saakin ng isang bata, parang pamilyar tong batang ito.
Oo, siya nga ung kasama ni Cheska dati kela KC.
"Kuya bakit ka po umiiyak?" tanong nung bata saakin, malapit lapit lang pala bahay nila kela KC.
"Kasi may mga bagay na hindi natin kayang pigilan, kaya ikaw, pumasok ka na sainyo baka pagalitan ka pa ng mama mo ha." sabi ko sakanya, at ganun na nga, pumasok na siya.
I can still remember yesterday,
we were so inlove in a special way.
And knowing that your love
Made me feel oh so right~
Kahapon, kaya pala ako tinatawagan ni Cheska.
Kaya pala may nagsasabi saking bantayan ung profile ni KC.
But now I feel lost
Don't know what to do
Each and everyday I think of you
Holding back the tears
I'm trying with all my might~
Kung dati sinira ko ung pangako ko sayo, ngayon mangangako ulit ako, at sisimulan ko dito, sa garden ng subdivision nyo, na lagi nating tinatambayan.
Hinding hindi ko hahayaang lumipas ang isang araw ng hindi ka minamahal at iniisip.
At hinding hindi ko ihihinto ang pagsisisi ko sa pagkawala mo.
Susundan kita sa Canada, KC.
Because you've gone and left me
Standing all alone,
And I know I've got to face
Tomorrow on my own
But baby
Before I let you go
I want to say I love you
I hope you're listening cause it's true, baby.
You'll be forever in my heart
And I know that no one else will do, yeah.
So before I let you go,
I want to say~
I love you KC, I love you so much.
Susundan kita sa Canada...
--
40 votes at iuupdate ko na yung next haha!!! :--) hulaan nyo nalang kung epilogue na ba o chapter padin :p
~arispagasa
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Novela JuvenilIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...