Chapter 13

115 1 0
                                    

--

KC's

Lumabas ako ng bahay saglit, magpapahangin lang. Gabi na din halos. Sunset. Masayang panuorin to, dati lagi ko tong pinapanuod, pumapanik pa kami ng bubong ni Kuya Kyle. Tapos may dala kaming mga chichirya. Kung di lang talaga kami naging busy sa mga buhay namin. Hay.

Akmang papasok na ako ng bahay kasi madilim na, nang makita ko si Chi na bumaba sa kotse ni Lester. "Bes! Bes!" Sigaw ko, pero mukhang hindi ako napansin. Baka mahina boses ko. Dibale na. Baka hinatid lang, kasi nga alam ko may project sila sa sports club. Pero nung mga nakaraang araw ko pa sila nakikitang magkasama eh. Nagseselos ka? Hindi ah. Pero napapadalas lang.

Tinawagan ko si Chi, "Cheskaaa! Free ka bukas?" Tanong ko sakanya, nagisip pa sya ng saglit, "ah kase may lakad kami ni Lester e, sa movie house, sama nalang kayo?" Sabi nya. Napa-buntong hininga ako bigla. "Sige, what time?" Tanong ko nalang. "1PM hanggang so on. Game?" Sabi nya, naiimagine ko ang ngiti sa mukha nya. "Nga pala bes, I have kwento." Dagdag pa nya. "Excited na ako, see you!" Sagot ko naman, binaba nya na.

Masaya ba ako? Hindi. Alam kong mali eto, ung hindi ako magiging masaya para sa bestfriend ko. Eh teka, wala namang masamang ginagawa si Cheska eh. Wala pa.

Day 7.

Andito na kami ni Julian sa movie house, wala pa sila Cheska, late eh. Ganyan naman sila, nagsama pa. Hmpf.

Ayan na sila, bumaba sa kotse si Cheska. Saka lumabas si Lester. Sabay sila naglakad papunta saamin. "Bes! Lika pili na tayo ng movie!" Yaya sakin ni Cheska. "Tara." Sabi ko habang hinahatak nya ako sa counter. Napili namin ang Fireproof. Love story, mahilig kasi si Chi duon.

Ang seating arrangement naming apat ang nakakaloka sa lahat. Julian-Ako-Lester-Cheska. Bakit hindi ako tinabihan ni Cheska? Galit ba sya?

"Pinlano mo ba to? Day 7 to" bulong ko kay Lester. Tumawa sya ng bahagya. Konti lang. Ngumiti at sinabing, "oo, pero wala sa planong sasama ka." tumawa ulit sya. "Bakit?" Tanong ni Cheska. "Uy yung ikukwento ko sayo!" Sabi ni cheska at umusod naman sa kabilang dulo si Lester.

"Kase ano, Me and Lester, we're dating." Na uutal nyang sinabi. Nararamdaman kong tumatakas ang luha sa mata ko. "Oh, that's good." Sabi ko habang nakangiti. Umiwas ako ng tingin at nanuod ng palabas.

"Kami pala ang magkakatuluyan, kahit sayo ko siya nireto." Sabi nya.

"Nagagandahan pala siya sakin." Dagdag pa nya.

Isa pa iiyak na talaga ako.

"Nililigawan nya ako." Cheska!!! </3

Tumulo ang luha sa mata ko, "Why are you crying?" Tanong nya sakin. Pinunasan ko luha ko at tumawa, "grabe nakakaiyak kasi ung palabas eh." Tumawa ako at saktong nakakaiyak na ung part na yun. Hindi nya na ulit binaling ang tingin nya sakin.

Pagtapos.

Kumain kami sa restaurant, malapit lang dun. Tabi sila, tabi kami. "Double date. ❤️❤️❤️" Text ni Cheska sakin. Tinignan ko sya at tumawa sya. Di ko na nireplyan. Sabi ko nalang wala na akong load. Alam mo ung nasasaktan ka at nararamdaman mo ung kirot sa puso mo.

Ganun kasakit.

Selos, limang letra, isang salita, pero sobrang sakit talaga.

Jealous of the girl who caught your eye

One of my darker days

When you looked at her where was I?

Shoulda been in her place, here I am

All alone imagining what could have been

If I had been there

Nagsalpak ako ng earphones sa tenga at nagsoundtrip. Bigla namang tumugtog to. Grabe. Pumunta ako sa CR. At umiyak ng umiyak.

Jealous of the one whose arms are around you

If she's keeping you satisfied

Jealous of the one who finally found you

Made your sun and your stars collide

La la la la la la la

She's a very, very lucky girl

La la la la la la la

Jealous of the one who won your heart

They say it's a perfect match

She's gonna get to be where you are

And I don't get better than that

Bakit ganto ung pakiramdam, ibang iba. Ung kirot, sobra sobra! Ayoko na.

Ikaw nagreto, sayo din napunta. Cheska! Ang sama kong kaibigan! Hindi ako masaya para sainyo! Napaka sama kong tao. Alagaan mo sana sya, napaka swerte mo. Swerte nyong dalawa, parehong sporty, parehong maganda at gwapo, pareho ng social standing. Nasa level nyo ang isa't isa.

She'll say you're fine

Whisper words I wish were mine

And they might have been

If I had been there

Kung hindi ganto, ako kaya yung nandun? Sinilip ko sila. Nakayakap si Cheska sa braso ni Lester,nagtatawanan sila nila Julian. Sana sakin nalang ganun.

Ang sama ko. May Julian na ako tas ganto pa ako. Bumalik ako sa banyo. Di ko kinaya.

You know I'd fight the good fight

If I thought I'd change your mind

But if she makes you happy

I would leave that dream behind

Man, she better treat you right

And give you everything

'Cause at the moment she doesn't

I'll be waiting in the wings

Hindi ko aagawan si Cheska, kaibigan ko sya. At napapasaya niya si Lester. Tatahan na ako. Maga na ang mata ko. Bumalik ako sa table habang nagpupunas ng luha.

"Bakit?" Tanong ni Julian, sunod namang nagtanong si Cheska. "Nagtext lang si papa na nasa bahay si mama, pasensya na ah, uuwi na ako." Sabi ko. "Hatid na kita." Sabi ni Julian. "No need. Andyan na si papa, sige bye. Loveyou." Paalam ko.

Wala naman talaga si papa, di naman talaga ako susunduin. Gusto ko lang makatakas.

Ganto pala talaga ang selos. Nakakamatay nga talaga.

PERFECT MATCH SILA EH.

At yun ung masakit.

Kasi bagay na bagay sila.

Habang kami, malabo talaga. MALABO AS IN HANGGANG SA MAWALA.

Kung magbabago lang ang lahat.

Sabi nya tutulungan nya ako. Pero ngayon?

Siya na ung nagpapahirap sakin.

Sabi nya sya ang gagawa ng paraan para di ako masaktan. Pero ngayon?

Siya na ang dahilan.

--

:( sorry tagal :D

2 Weeks to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon