KC's POV
"Aray!" May humatak sakin. Papasok na sana ako sa classroom pero may humatak nga sakin.
"Shh, kailangan mo tong marining." Sabi ng lalakeng di ko kilala.
Dinala nya ako sa kung saan man, basta malayo layo sa classroom namin.
Pumanik kami.
At ayun. Huminto na din siya ng kakatakbo.
"Kamusta na nga pala kayo ni Kc?" sabi ng lalake, nasa basketball court na kami.
"Wala, wala namang nangyari samin" sabi ng lalake, sabay shoot.
"Les, alam mong mahal mo sya. Pero bat wala kang ginawa para manlang pigilang um-oo sya?"
Si Lester pala yun tsaka si Angelo.
(Si Angelo ang bestfriend ni Lester, sya yung basketball player na kaclose ni Lester ng sobra. Lagi silang magkasama sa kalokohan)
"Wala naman tayong magagawa, dun sya masaya." Sabi ni Lester.
"So kelan ka titigil manloko ng mga babae? Pre sinasabay sabay mo sila." Sabi ni Angelo.
"Hindi ko sila niloloko, binibigyan ko lang sila ng chance. Yung chance na di nabigay sakin ni KC."
"Do you still love her pare?"
"Siguro." Sabi ni Lester.
"Pre, nabalitaan kong di naman sya sisiputin ni Julian sa prom...."
Ha?! Hindi totoo yun! Sisiputin ako ni Julian sa prom. May usapan na kami. Nagpaalam na sya sakin. Um-oo na ako. Saan naman nila nakuha to?
"Ayoko na, di ko na kaya marininig to." Sabi ko sa nagdala sakin. "Thank you" dagdag ko pa.
Pumasok ako sa room. Late na. Pero wala pa naman si miss. Grabe di mawala sa isip ko ung sabi ni angelo.
Di naman sya sisiputin ni Julian sa prom.
Bakit hindi?
Eh kasama ko pa sya nagayos ng damit. Sabi pa nya, mag pink ako para standout. Pero di pala nya ako sisiputin. </3
"Miss Acina, tinutulugan mo ba ako sa klase ko?" Sumbat ni mam sakin habang naka-bow ako.
"Uhm, h-hi-hindi po mam..." Biglang tumulo luha sa mata ko.
"What's wrong, iha?" Tanong nya na may pagalala, lahat ng kaklase ko nakatingin sakin.
"Masama lang po pakiramdam ko, excuse po." Lumabas ako ng classroom at nagsabing pupunta ako sa clinic. Pero hindi ako dun pumunta. Dumiretso ako sa school garden para duon umiyak. Para wholesome ung paglabas ko ng galit.
Eto nandito na ako sa garden ng school.
"Bakit ganto ka? Bakit mo ko patuloy na sinasaktan?" Sigaw ko sa hangin.
"Bakit ba lagi kita pinapatawad? Kahit na lagi mo ako dinidismaya!" Sigaw ko pa ulit.
"Ansakit! Pero bakit mahal padin kita?" Sabay bato ko sa bato sa tabi ko, nakalagay kasi dun ung date kung kelan kami nagkabalikan ni Julian. Dun namin sinulat yun.
*clap clap clap* pinalakpakan ako ng lalakeng naka-basketball uniform.
"Narinig mo pala kanina? Sa court? Bakit ka nandun?" Tanong sakin ni Lester.
"Kase, napadaan lang talaga ako. At nakita kita. Gusto ko sana magsorry sayo kasi akala ko kaya ako dinala dun nung kung sino man sya para magkakita na tayo ulit, pero--" Pinutol nya ang usapan at pinakita nya ung video sa cellphone nya.
--
(Nasa locker room)
"Pare, si KC ba balak mo na talaga seryosohin ngayon?"
"Pre hinde, hahaha. Gusto ko lang ibalik sakanya yung pag-dump nya sakin."
"Lupet mo na talaga Julian, alam ba ni JC to?"
"Ano ba dapat malaman ni JC, WALANG KWENTA yun!"
"Oh ano na balak mo? Hanggang kelan mo patatagalin to?"
"Next month na ang prom, kasabay ng 2nd monthsary namin, sa araw na un, kami ni Janet ang sasayaw. At papaasahin ko lang siya na sya ang isasayaw ko. Binilhan ko sya ng promdress kagaya ng tablecloth at curtains. Hahaha"
"Grabe pre, ano ba nangyari sayo?"
"Nasaktan, natauhan."
"Lupet pre, basta wala na kami dyan ha"
--
Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Umiyak nalang ako. Wala naman tayong magagawa.
Si Lester nandun lang. Parang sinasabi nya na, "sana kasi nakinig ka, kaya lang wala naman akong nasabi"
Nagulat din siya sa video.
Sasaktan mo lang din pala ulit ako.
"Lester... Bakit ganto? P-pero bestfriend nya si JC." Sabi ko.
"Hindi yun yung point dito. Alam mo ba na laglag sa top si Julian? Kase nga nadedemonyo na sya ni Devon" si Devon ung Mr. Playboy ng campus. Hindi sya kahit kelan nagseryoso.
"Pano na ko sa prom?" Tanong ko sakanya habang umiiyak. Hindi ako nagexpect ng sagot.
"Pano ka na? Ako bahala sayo. Sisiguraduhin ko na hindi ikaw ang dehado, kundi sya."
"Ikaw ang magiging star of the night sa prom. Tumayo ka na dyan. At bumalik ka sa dating ikaw. May dalawang linggo ka para maghanda"
Tumayo ako at nagsabi ng "Thankyou" kay Lester.
Si Lester parang sumungit sakin ng konti. Parang hindi na din naman sya yung dati. Pero ok lang. Atleast... Siguro di nya naman ako sasaktan.
"Maghanda ka nalang" sabi ni Lester.
Lester's POV
"Magsalamin ka ulit. At ibalik mo ung nerd na ikaw." Sabi ko sakanya.
Ang kapal ng mukha mo Julian.
Ang ganda ni KC, nasakanya na lahat. Binigyan ka ng second chance pero gagaguhin mo lang pala? Aba ang gwapo mo ha. Nerd ka lang gago ka! Iba pagkanerd ni KC sayo! Ampanget mo gago!
Susugurin ko sana si Julian pero pinigilan ako ni KC.
"Oh, babe, bat kasama mo to?" Sabi ni Julian kay KC.
"Gagawa lang kami project, bye." Sabi ni KC sakanya. Sabay hatak sakin.
"Di natin pwedeng sabihin na alam ko na. Para mas alam nya na madami syang magagawa." Sabi sakin ni Kc.
Grabe talaga tong babaeng to, napaka masokista. At ang boyfriend nya naman ay sadista.
Bagay pala talaga sila. Sarcasticly.
"Maghanda ka, Julian Berillo, sisiguraduhin kong hindi mo masisikmura to. Handa mo na sarili mo.
Lalo na sa prom, 2 weeks from now."
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Teen FictionIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...