KC's POV
"KC, stop this silence please. Mahal mo ba siya?" Tanong niya saakin.
Hindi ko masagot.
"KC! Mahal mo ba si Lester?" Ulit nyang tanong, sa pagkakataong ito, napalakas ang boses niya.
"Sorry." Yan lang ang nasabi ko, naiyak na ako. Oo, pinagtitinginan na kami.
"Mahal mo ba?" Tanong nya ulit.
"O-oo." Inamin ko na, nasabi ko sya involuntarily!! Mahal ko pala? MAHAL PALA KITA.
Namuo ang katahimikan sa canteen, hindi ko maintindihan. Nagalit yata si Cheska saakin.
"Alis na ako, may practice pa ang sports club." Tumayo sya at iniwan ako.
Ako naman tong ayaw mapahiya, ayaw maiwan sa ere, ayaw nang masaktan, pero eto, napahiya, naiwan, at nasaktan.
Dumiretso ako sa banyo hindi ko kinaya. Ang bigat sa puso eh.
Knowing na hindi ko naman kasalanan ang mahalin sya.
Hindi naman natin mapipili kung kanino tayo mafa-fall eh. Or in my case, hindi ko napili kung sino mamahalin ko. At nung narealize ko na mahal ko sya, eh, wala na eh. May iba na eh. In short, too late.
Hayyy, klase. Ibang klase. Puro tornado na ang likod ng notebook ko.
Masakit.
"Magmamahal, masasaktan, matatauhan, makakakilala ng bago, magmamahal, masasaktan, matatauhan. Paulit ulit lang yan miss." Komento ko sa istoryang binabasa namin, halatang gulat silang lahat.
"Pero hindi naman yan continuos pattern, iha. Darating ang time na pag nagmahal ka, masasaktan ka pero hindi ka iiwan." Sabi yan ni miss.
"Pero... Ay nako. Basta miss." Yan lang ang tanging nasabi ko.
"Diba miss, pag mahal mo ang isang tao hindi mo talaga iiwan?" Dagdag ni Julian. Itong assdf na taong to kahit kelan talaga.
"Pero minsan kailangan mong iwanan ung mahal mo kase hindi ka na nya mahal." Sagot ko.
"Awwwwwwwwwwwww." Hiyaw ng mga kaklase ko.
"Pero hindi sa lahat ng oras pagbibigyan ka ng pagkakataon." Saad ni Cheska.
Natahimik silang lahat.
"Pagkakataon lang ang mawawala sayo, pero yung feelings, hindi." Ika ko.
"Class, ang layo na sa topic, activity. Reaction paper sa story, english, minimum of 5 paragraphs."
Lutang ako sa araw na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pinagkakaisahan nila ako.
Naitama ko na ba ang pangalawang mali? Oo. Kasi nasabi ko na kay cheska.
"We need to talk. " sabi ni Cheska, uwian na.
"Bakit?"
"Hindi ako galit. Nagulat lang. Mahal mo si Les? Hindi dapat ako ang makaalam. Si Julian dapat."
"Alam nya na"
"What?! Pero kayo parin?"
"Break na kami."
"Hindi dapat ako ang kausapin mo, si Lester. Sakanya mo sabihin, it's fine with me."
"But please, keep your distance from me, for a while." Dagdag pa nya.
I simply nodded. Kailangan ko nga sabihin kay Lester.
-•-•
Umuulan na at nandito ako sa labas ng basketball court, inaabangan ko si Lester.
Tatapusin ko na lahat ito. Para wala na akong problema.
Paglabas ng team ay nakita ko si Lester. Nagulat sya nang makita ako duon.
"Una na kayo, guys. Good game." Saad nya sa mga kateam nya.
"Les, I have to say something important."
"Ano?"
"I think I fell for you."
Nagulat sya sa sinabi ko, halata sa mga mata nya.
"Ikaw pala ung nasa classroom kanina, na narinig ko. I don't believe you."
"Mahal kita les, pero kung ayaw mo maniwala okay lang sakin. Balak ko lang naman umamin.
Hindi ko hinahangad ang Mahal din kita KC galing sayo.
Kasi hindi na naman ang laman nito o." Sinabi ko habang tinuturo ang puso nya.
Tameme sya sa sinabi ko.
Putragis, wala akong payong. Kaya sinugod ko ang ulan, akma namang umiiyak ako. Hindi halata.
"KC! I don't like you anymore. I'm sorry." Sigaw nya. Habang hinahabol ako sa ulan.
"It's not your fault. It's mine." Sagot ko habang pinunasan ang luha sa mata ko. Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko.
"What was I thinking anyway? Binitawan ko si Julian, sa isang bagay na hindi ako sigurado kung naka-kapit pa ba. Pero ginawa ko yun kasi ayokong pangatawanan ang relasyon na alam kong hindi naman pagibig ang umiiral, kundi awa. Kaya kung iniisip mo na pagbigyan ako, no thanks."
"You deserve better." Yan ang tanging nasagot nya.
"Haha, sabi mo sakin dati yan eh. I deserve better, puro kayo I deserve better, pero walang makapagbigay ng better."
Umalis na ako, umalis na sya. Basa kaming dalawa. At siguro, un kang ang pareho sa mga nararamdaman namin, nilalamig.
--------
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Teen FictionIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...