"Edi kung ganyan kalang din naman araw araw... Bat di nalang tayo maghiwalay?" Sabi ni Julian sakin.
Hindi ko naman kasi kasalanan na i-nag sa about kay Jessa eh. Hindi ko nga alam na 1 week palang silang break eh niligawan nya na ako.
Eh di ko nama kasalanang itanong sakanya.
Part yon ng girl's curiosity ano! Psh. 3 days na kaming ganto. -.- Wala ng bago.
"So ganon, break agad? Pwede mo naman kasing iexplain nalang, bakit ba kasi 1 week lang?" tanong ko sakanya. galit ako, oo. Sino bang hindi?
There is this pride in guys na kahit minsan alam nilang mali sila, sila pa ung nagagalit pag sinisi sila.
"Kasi nakamove on na ako" sagot nya na-taas noo pa talaga.
"1 week?! katapat ng 7 months nyong pinagsamahan? Eh pano tayo Julian?! Pano ung 6 months natin? 6 days nalang?!" paiyak na ako nun. Kase di ko inexpect na un lang basehan nya. Naka-move on na daw kasi.
May something kasi ang girls na.pag nag-aaway sila ng special someone nila. May ineexpect na silang sagot. Yung sagot na magpapa-ok sa lahat. Yung sagot na yon.
Actually kaya ko to ginagawa kase di ko talaga alam. As in mukha akong tanga kasi baka M.U. na kami nung nagkakalabuan palang sila. Baka iniisip ni Jessa napakalandi ko at nanira ako ng relasyon. WHICH IS SO NOT ME. Ayoko ng away kaya ko kinlaro. Ayoko. Sino nga ba ako?
Ako si Katleen Casey Acina. Or Kate, or KC for short. So eto nga. May boyfriend ako, Si Julian Berillo. Classmate ko sya since second year. 2 years palang yata. Lagi kaming star section nyan. Smart kasi sya eh at masipag naman ako magaral. At Oo, topnotchers kami.
Bestfriend ko sya. Na-fall ako sakanya nung 2nd week ng classes nung second qtr nung sophomores palang kami.
Meaning: Dati ko pa sya gusto. Pero ngayon lang ako nagka-chance.
"Tama na tong non-sense na to, Kate. Break na tayo" sabi nya. at iniwan nya na ako dun. Humagulgol ako sa school park.
Bat ang tanga ko? Kase nagmamahal ka.
Bakit ko kasi sinabi? Kase kailangan mo maliwanagan.
Bakit kasi hinayaan kong masaktan ako? Kasi karayom lang yan. Masakit talaga matusok. Habang inaalala mo, lalong babaon sayo. Pero habang gmagalaw ka, di mo lang namamalayan, mawawala na dn yan.
Bakit di ko nalang pinalampas? Kase sobra na. At hindi lahat ng bagay, kaya pagtiisan.
"Kate, move on na." sabi sakin ni Cheska sa phone.
"Bes masakit, sobra." sagot ko.
"Bes, ilang beses na nya nagawa yan. And ilang beses ka na nagpakatanga. Kaya na nga gawan ng proportion kasi equal eh." sabi nya.
Biglang pumasok sa isip ko, "ano kaya mangyayari after 6 days?" sana mali ako, SANA.
Pinuntahan ako ni Jessa sa school park nung araw na yon.
"tumayo ka nga dyan at tutulungan kita" sabi nya. "may pupuntahan tayo" dagdag pa nya.
Di na ako nakapagsalit kasi nahirapan ako. Ansakit kaya! -.-
Nagmalling kami nun at nagpa-ayos. AS IN. OVER ALL MAKEOVER.
ung dating KC na boring tignan eto ngayon, wavy hair, naka-dress, naka-heels at ang malala pa sa lahat, nawala ang salamin, naging contact lenses na!
"Odba, nerd loser to a nerd chic" sabi ni Cheska, ako naman ay nabighani sa ginawa nya.
Akala ko kasi magician kailangan ko para gumanda. Beautician padin pala.
May pasok pa bukas kaya umuwi na kami, on our way home, pansin ko tama nga sya, pinagtitinginan ako. Mukha daw akong model and everything. Ang ganda ko daw
Pag uwi ko, they were all astonished. STONED.
Sabi sakin ni kuya, sino daw ba ako at anong ginawa ko kay Kate. Sabi naman ni Daddy, akala nya tomboy na ako naging babae pa. KALA NYA DAW MAGIGING ALLBOYS NA ANAK NYA. HAHAHA.
"No paps, pansamantala lang" sagot ko sabay panik. Para di na ma-asar.
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Подростковая литератураIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...