Day 6.
Good morning sa akin! Hindi ba? Ang saya saya naman nung makita ko nanaman ung letter na nakalagay ung paghahati nila saaming magkakapatid.
Sira na nga pamilya namin, masisira pa lalo.
I don't want to think about this anymore.
Ano ba pwedeng pagkaabalahan?
Oo!! Ung day 6 ko. Kailangan kong papuntahin si Julian sa bahay, para ma-check to.
"Pwede ka ba ngayon? Kailangan ko lang kasi ng kasama, kausap o kung ano man yan, mababaliw kasi ako dito." tumawag ako kay Julian, sabi nga nila, seize the moment. Kaya eto ako ngayon.
"Osige, pero san tayo?" tanong ni Julian.
"Samin nalang?" sagot ko sakanya.
Pumayag naman sya at maya maya pa't nakarating na sya dito sa bahay.
Di ko matago yung saya ko nung nakita ko sya, pero nung naalala ko nanaman ung plano nya sa prom, nalungkot nanaman ako bigla.
Parang lahat ng mangyaring maganda sa buhay ko may masamang kapalit.
Una, ung magkabalikan kami, masaya diba? Tapos lolokohin nya ako. Mas masaya.
Pangalawa, yung pagkabalik ni mama, masaya. Pero kukunin nya ako at malalayo din ako kela kuya, nonsense happiness ano?
Buhay nga naman.
Naglalaro nalang kami dito, at oo aaminin ko, nakakalimutan ko ang problema ko every once in a while.
Nagjujust dance kami ni Julian. Imagine nyo nalang kung gano kami ka-mukhang tanga dito. Pero kahit mukha kaming tanga, ang saya padin.
Dinalan nya pa ako ng pagkain dito. Kasama ba to sa plano nya... Malay mo may 14 day plan din sya zzz at nagkataong nagmatch yung amin. The hell, eto nanaman ung utak ko.
Aaminin kong napaka-unfair naman nung ginagawa ko, pero sana naman naisip nya na ang unfair naman din nung ako lang lagi nageeffort, nasasaktan, nahihirapan, tas ako padin sa huli?
Siguro oras na para mabaliktad naman ung mundo, ung hindi naman ako ung mahihirapan.
"Hey,bakit naman napaka-tahimik mo? Hindi ako sanay." sabi nya sakin. nandito kami sa sala, ayoko sa kwarto, alam kong WALA KAMING GAGAWING MASAMA DUN pero pangit padin talaga tignan.
"Iniisip ko lang kung ano mangyayari after graduation... Di ko alam kung pano ako magdedecide, kung ung idedecide ko din naman, scripted na, whether I wan't to be with her or not, sasama padin yata ako. As of now naman, ayoko. Ayoko at ayoko at ayoko!" sabi ko kay Julian, totoo naman kasi
Diba sabi nya kagabi, isasama nya ako. Tapos nakalagay na yun sa letter. Tapos 1 1/2 month para pagisipan. I bet they've planned this all along, ARGH. Ayoko na. Pwede bang mawala nalang to sa utak ko please.
"Alam mo KC, ok lang yun. Andito naman ako para sayo." WTH?! Julian? Anong sagot naman yan? Of all the people na inaasahan kong sasagot nito ikaw ang may pinaka-magandang walang kwentang sagot.
walang wala, hay.
Siguro kailangan ko muna kalimutan lahat ng negative thoughts, kasi magiging sobrang negative na ako. Ayoko ng ganon.
Sobrang saya ko ngayon sa totoo lang, dahil kay Julian. I'm glad he's here with me. Masaya sya kasama pag ganto. Barkada barkada turingan pero wagas na mahalan. Pero ung mahalan wala namang katotohanan. Nonsense.
"Tapos ko na day 6." Text ko kay Lester. Kamusta na kaya to?
Ok ka na ba?
Oo, ok na.
Sige uwi na ako.
Baby I love you and I'll never let you go. But if I had to boy I think that you should know, that the love we made can never be erased, and I promise you that you will never be replaced~ he kissed me after I sang that song.
"You wouldn't leave me right?" Tanong nya "oo naman. Right kung right." Sagot ko habang naluluha. Sobrang swerte ko na sana.
I'll never let him go, kahit na ako tong magmukhang tanga kase hold on ng hold on. Wala namang kakapitan. Wala eh.
Mahal eh.
Tanga eh.
Pagibig eh.
Day 1✔️
Day 2✔️
Day 3✔️
Day 4✔️
Day 5✔️
Day 6✔️
Eight days left. Last eight na.
Stick to the plan, KC. Mas better yan.
Ako padin kaya masaktan sa huli? Hindi na siguro. Kasi nabago ko na ang series of events.
Hindi na ako ang magiging dehado nito, at masaya ako kse hindi na ako.
Hindi na sana.
-
200 reads <3 hahaha <3
BINABASA MO ANG
2 Weeks to move on
Teen FictionIsang babaeng nagmahal ng sobra, isang babaeng lumaban, isang babaeng pinaglalaruan ng tadhana, isang Katleen Casey Acina ang bibida sa storyang lokohan at sakitan pero hindi suntukan. tanong nya, Bakit nga ba mahal ko sya? Eh diba sinaktan nya ako...