Chapter 10

123 1 0
                                    

Lester's

Anong kalokohan ba to Lester, bat di mo pa inamin na pinsan mo sya. Ano ba ano ba ano ba.

Ang bobo naman talaga o.

Bat ba sobrang affected ko?

Masokista kasi tong si KC tignan mo oh! Di nya pa tinantanan.

Ganyan ba talaga siya magmahal?

Sakitan?

--

KC's POV

Ansakit ng mga paa ko. Sobrang nakakapagod talagang sumayaw. Ay grabe. But the pain is really worth it.

"Keys, gusto mo lumabas bukas? Tutal... Friday naman eh." Sabi ni Julian sakin. Lord ambait mo. Is thiss... Day 5 to!

Hmpf. Wala ng thrill, ang day na mismo lumapit sakin. Anywayss

"Sure, saan?" Tanong ko, pero totoo magpapaalam pa ako kay papa.

"Kahit saan, foodtrip tayo, tutal matakaw ka naman eh, dba baby?" Sabi nya.

The way he says baby.

He's so sweet.

"Aw baby, sige ganyan ka ah." Sabi ko sakanya. Nasa labas na kami ng campus.

*backhug* "I love you" sabi nya.

I love you.

I love you.

I love you.

"Huy! Walang reply?" Pumiglas sya sa yakap nya sakin at nagpout. "Eto naman, syempre I love you more." Tapos umuwi na kami. Ihahatid nya daw ako.

"Alam mo by, sobrang namiss ko to." Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kami. Ang sweet nya talaga.

3rd Person's POV

Magkahawak ng kamay habang naglalakad, di parin alam ni Julian na alam na ni KC ang plano nya. Madilim na pero naglalakad parin sila.

Mapapansin sa mukha ni KC ang kilig. At bakas naman sa mukha ni Julian ang pagiging masaya.

"Osya baby, bye bye na." Nagpaalam na si KC kay Julian ng marating nila ang bahay. Saktong 7PM sila nakauwi.

Dirediretso sa paglalakad si Julian, tila nanalo sya sa lotto dahil sa unti unti nang nahuhulog sa patibong nya si KC.

Kahit sobrng saya nila, di parin nwawala sa utak ni KC ang pagsang ayon ni Julian sa kanyang mga balak, tila napapattern ang plano nya.

"Alam na kaya ni Julian?" Tanong ni KC sakanyang sarili

"Malalaman kaya ni KC?" Tanong ni Julian sakanyang sarili.

KC's POV

"What? What the hell dad?" Halata bang galit ako? Nakakainis kasi. Pagkauwing pagkauwi ko, ganto agad ang scenario sa bahay.

"Anak, I know this is hard per---" urgh. Nahihighblood ako. Was this a reason talaga? My perfect day has turned into a disaster!

"Why are you here?" Tinanong ko sya. "You shouldn't be here." Tumalikod ako sakanya. Maluhaluha na ako. Ang hirap pigilan eh. Seryoso na lahat dito.

"Kasi anak. Papa mo nalang ang magsasabi." Yan lang ang sagot nya.

"Ano?" Tanong ko sakanila. Sorry kung mukhang wala akong respeto pero naiinis padin ako.

"Kukunin ka na ng mommy mo pagka-graduate mo. Napagdesisyonan na namin to, way back when you were just a kid." Grabe naman, ayoko!

"Iiwan nyo ko dito, ng wala akong choice? Papasamahin nyo ko sakanya? Daddy hindi nyo na din ba ako mahal?" Sabi ko sakanila.

"Anak, alam mong mahal kita pero anak..."

Bago pa nya ituloy, pinutol ko na.

"Ayoko daddy." Matigas na ulo kung matigas ulo pero ayoko sumama sakanya.

"You have a long time to think, 1-2months." What? So planado na nila? Sabi yan ni mama.

"Bakit ako pa? Pwede mo namang kunin si Kuya Kyle o si Kuya Karl! Ano ba bakit ako?! Kasi alam nyong wala akong magagawa? Pwes, meron. AYOKO!!" Galit ko sinasabi sakanya.

Alam ng lahat sa bahay kung gaano ko sya mahal.

Alam din naming lahat dito na simula nung naghiwalay sila lagi kong inaabangan sa pinto namin ang pagbalik nya.

Pero hindi sya bumalik.

Anak, bitaw. Wag mo akong hawakan.

Mommy please don't go.

Anak ayoko na dito.

Mommy ayaw mo na ba sakin?

Oo kaya bumitaw ka na.

I always remember that scenario.

Yan ung iniwan ako ni mommy, sinabi nya sakin.... Ayaw nya sakin.

Umiyak ako ng umiyak.

Hindi ko akam ang ggawin ko.

"Anak, please, you have to understand. I have to catch up, matagal akong namawala at gusto kong bumaw---"

"Bumawi?! To catch up?! Ma? Naloloka ka na ba? Hindi ba sabi mo sakin ayaw mo sakin? Di ba pinigilan kita? Ma, I waited for you for almost 10 years. Inabang abangan kita sa labas ng bahay. Hinihintay kita sa pinto kada gabi. And now sasabihin mo you have to catch up? Pinapahirapan mo ba talaga ako?" Umiiyak na ako, hagulgol pala. Si kuya Kyle at kuya Karl pinipigilan ako.

Nakayakap sila sakin.

Kyle's POV

"Dad, this is too hard for KC, alam natin na sya ang hindi pa mature nung naiwan." Sabi ko kay daddy.

Tignan mo naman kasi si KC. Hindi na ba siya naawa? Mama naman kase.

"Kyle, anak, I'm sorry." Hinaplos nya ang mukha ko.

"Don't." I resisted.

"Sorry Leensey, I'm sorry." Leensey ang tawag nya kay KC dati, kasi KateLEEN at CaSEY. Halata namang nagiiyakan na sila dito.

"Wag mo kong tawaging Leensey, hindi na ako si Leensey." sabi ni KC, pumanik sya sa kwarto nya. Umiiyak si mama, si papa naguguluhan kung papayag ba talaga sya.

"Anak, wag nyo naman gawin sakin to." Sabi ni mama, nagddrama.

"You should've listened to us when we told you that. Pero ano? Iniwan mo kami."

---

Expected ba toooo? :) hahaha sorry may drama din to. Thanks for reading :3

2 Weeks to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon