Chapter 6

131 2 0
                                    

KC's POV

"2 weeks." napabuntong hininga ako. Isipin mo, you'll get ditched by your boyfriend sa mismong araw ng prom. Tas sya pa ung prom date mo. Isipin mo naman kung ano nagawa kong masama! Wala akong maalala. Hindi ako nagiging immature dito or what. Pero hindi bat parang ang unfair? Seryoso naman ako sakanya eh. 

Sinunod ko na ngayon si Lester. Ansungit nya na talaga. Bakit kaya? Sinaktan mo kasi ng bongga. Oh konsensya!! Bumalik ka na pala! Namiss kita. Ayun na nga, sinunod ko si Lester. 

Ako na ulit ang nerd na KC. Laging naka pants at longsleeves. Napansin nila na bumalik na ang lumang KC. Kinainis naman ito ni Julian. 

"Bakit ganyan itsura mo?" tanong nya sakin nung mismong moment na makita nya ako. Hindi nya ba ako tanggap na ganto? Na-ampanget ko?

"Halika nga dito!" Hinatak nya ko papasok ng janitor's storage room. "Tanggalin mo yang salamin mo, at bakit ganyan ka na ulit? Bakit bmalik ka sa dati? Ano problema?" Dagdag nyang tanong. 

"Bakit? May mali ba sa suot at itsura ko?" Sagot ko. Nagtataka padin ako, bakit ganun sya magsalita saakin? Hndi nya ba ako tanggap? 

"No, nothing. Let's get out of here." Lumabas na kami sa janitor's storage room. 

Sa totoo lang...

AMABAHO DUN. HAHAHA. 

So eto, girlfriend nya padin ako

Di kami nagkasama buong araw ni Les, este ni Julian. Kaya si Lesterkasama ko buong araw. 

"Eto plano. Kaylangan mapastick mo sya sa relasyon hanggang mag prom. Ingatan mong walang makakakita nyan. Ako na bahala sa promdress mo. And pls, wag ka na umasa. Antanga mo na masyado eh." Grabe magsalita, oo truth hurts kasi talaga eh. 

Binigyan nya ako ng papel. Na may steps by day. 

2 Weeks to prepare for prom. 

Day 1: Ipakita mo ung dating ikaw. ✔️

Day 2: Sabihin mong mahal mo sya kahit anong mangyari. 

Day 3: Samahan mo sya buong araw. 

Day 4: Magsurprise ka sakanya. 

Day 5: Date him, sa mahal na restaurant. 

Day 6: Invite him over to your house. 

Day 7: Watch movies together. 

Day 8: Make him miss you. 

Day 9: Play games with him. 

Day 10: Pagselosin mo. 

Day 11: Talk about prom. 

Day 12: Bumalik sa dating ikaw. Better pa. 

Day 13: Sukatin ung prom dress (ung luma) kasama sya. 

Day 14: Wag mo pansinin sa umaga. Then ditch him. Wag mo isayaw sa prom. 

**********

"Gets kita pero... Bakit?! Bakit may steps pa?" Tanong ko sakanya. 

"Eh kasi, it will guide you. 

Ang pag-ibig mapapa-tanga ka. Makakalimutan mo ung plano. Ganyan kalakas ang tama ng pag-ibig." Sabi nya sakin. 

"Tapos na to, ung day 1 kaya may check na. Ingatan mo sarili mo and stick to the plan. 

Masakit pero kailangan. Kesa naman pag pinatagal mo pa, ikaw din mas masaktan." Sabi sakin ni Lester. 

"Take care." Sagot ko sakanya.

2 Weeks to move onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon